Pagkapasok, nanghingi siya ng pinaka maanghang na hotpot at nag-order ng lahat ng klase ng tripe, mutton rolls, beef rolls...Nang dumating ang pagkain, kumuha siya ng piraso ng tripe at nilagay sa bibig niya pagkatapos isawsaw sa hotpot ng ilang segundo. Masarap ito, at mabango!Wala nang ipapangit ang ekspresyon ni Shaun. Si Catherine ay sobrang pokus sa pagkain niya at hindi na siya tinignan pa.Kung ito ay nakaraan, siguradong mag-oorder siya ng gusto nito at masigasig na ipapakilala kung paano ang pinakamagandang paraan na kainin to.Ngayon, wala na siyang pakialam dito. Na para bang hindi niya ito nakikita talaga.Biglang sumikip ang dibdib niya at nag-utos gamit ang malamig na boses, “Bigyan mo ‘ko.”“Wala ka bang kamay? Kung gusto mong kumain, e ‘di kumain ka mag-isa.” Hindi man lang tinaas ni Catherine ang ulo niya.Pumintig ang sentido niya pero wala siyang choice kundi kunin ang kubyertos at alamin kung paano magluto ng karne.Pagkatapos niyang kumagat, namula ang
Nang sabihin niya na siya ay ‘walang choice’, ang salitang iyon ay puno ng pagkasira at pagkawalang pag-asa.Walang masabi si Chase. “E ‘di, nasaan siya ngayon? Iniwan ka niya pagkatapos kumain?”“Manahimik ka.” Tinignan siya ng masama nito. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinikit ang mata niya pagkapasok. Sobrang sakit ng nararamdaman niya na hindi na niya gugustuhin pang magsalita.Tinignan ni Chase ang maputlang mukha nito at sikretong kinuhanan ng litrato para ipadala sa WhatsApp ni Catherine.[Sister-in-law, sumakit ang tiyan ni Shaun para lang masamahan kang kumain ng hotpot. Dadalhin ko siya sa ospital ngayon. Catherine, ‘wag kang magalit sa kanya. Hindi man niya sinasabi pero may pakialam siya sa’yo.]“Anong litrato ang kinuha mo ngayon?” Biglang binuksan ni Shaun ang mata niya at kinuha ang phone ni Chase. Binasa niya ang tinaype ni Chase at nakaramdam ng pagkawala ng dignidad at reputasyon. “May pakialam ako sa kanya? Sa tingin ko nawawala ang turnilyo ng ulo mo.”
”Bakit hindi mo napagtanto noon kung gaano ka kawalang hiya? Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako sinampal sa entrance ng design institute? Okaya itulak ako dahil kay Rebecca Jones? Okaya kung paano mo binayaran ang ibang tao para bumaha sa villa at ituro ako bilang may sala? Kung hindi ko kaagad nalaman, hindi ko lang kailangan bayaran ang compensation, babagsak din ang kumpanya ko kasama ko.”“Ethan Lowe, tumataas ang balahibo ko sa pagkabagsik mo, pati ang pagbanggit ng dati nating relasyon ay nagtaas ng lahat ng balahibo ko. Pero ikaw? Wala ka man lang pagsisisi at kahit anong intensyon para humingi ng tawad pero heto ka at walang hiyang nakatayo sa harap ko.” Namula si Ethan dahil pinapagalitan siya ni Catherine pero wala siyang masabi dahil sa hiya.Sa totoo lang, masyado siyang nagalit nung araw na iyon at kaagad na nagsisi sa kanyang ginawa. Kahit na, ang pagmamataas niya ay hindi nagpayuko sa kanya.Tinignan siya ng masama ni Catherine at lumingon sa paligid tapos bigla
Tinignan ng masama ang ang taong nagsalita. “Inuutusan kitang sabihin ulit ang sinabi mo.”Babaeng manager ang taong iyon sa kumpanya. Tumayo siya at sinabing, “Mali ba ako? Sino ba sa Melbourne ang hindi nakakaalam na iniwan ng dakilang President Lowe ang kanyang nobya para lang maging tagapagmana? Hindi lang iyon, tinapakan niya pa ang ibang tao para lang masabing casanova siya. Kahihiyan sa Lowe Corporation!” “Tama. Chairman Lowe, ang anak mong ito ay kailangang maturuan ng maayos. Ang kanyang kabutihan ay hindi karapat-dapat sa kanyang posisyon,” isang shareholder ang nagsabi kay Zachary.Si Zachary ay talagang nahiya at kaya lang magsabi ng malamig na, “Ethan, hayaan mong si Percy ang mamahala sa posisyon mo bilang persidente nang panasamantala. Hindi mo kailangan sumama sa mga parating na projects ng kumpanya.”Hindi makapaniwala si Ethan. “Dad…”“Binigo mo na talaga ako.” Simpleng umalis si Zachary.Pagkatapos ng meeting, lumapit si Percy kay Ethan at masayang ngumiti. “‘
”Manganganak na ba si Fudge?”“Gusto mo na akong tawagan pabalik ngayon, huh?” Ang boses ni Shaun ay napaka lamig.“Tinatanong kita!” Kinakabahan si Catherine. Matagal na niyang inaalagaan si Fudge ngayon kaya natatakot siya para sa pusa.“Mahirap ang manganak.”“E ‘di dalhin mo siya sa vet!” Naiiritang sigaw ni Catherine. Paano niya makakayanang hayaan ang cute na pusang mahirapan?“Naglalabor na siya ngayon kaya hindi ko na siya magalaw. Pumunta ka na rito. Miss ka na ni Fudge at kailangan niya ang pampasigla mo sa kanya. Syempre, kahit anong mangyari, pwede mo pa rin naman siyang kitain ng huling beses.”Hindi na sinabi ni Shaun kung gaano siya kalungkot. Nang sumakit ang tiyan niya noon, pasimple niyang tinapon ang contact number ng ospital sa kanya. May may pakialam pa si Catherine sa pusa kesa sa kanya.“Kung ano-anong walang kwenta ang sinasabi mo. Pupunta ako ngayon.” Pagputol sa kanya ni Catherine.“Dalian mo. Mukhang hindi na niya kayanin ng matagal.” Binaba ni Shaun
Pinaniwalaan siya ni Catherine at hinimas si Fudge. “Fudge, grabe ang pinagdaanan mo. Matapang ka. Ikaw ang pinaka sa lahat ng pusa.”Nag meow si Fudge ng mahina, pagod na pagod."Nagugutom siya," sabi ni Shaun.Naisip din ni Shaun. Matagal ang proseso ng pagpapaanak."Gagawan ko siya ng masarap na pagkain."Ang ilaw at ang stove ay bumukas sa kusina at nilagay niya ang apron na ginagamit niya dati.Tumayo si Shaun sa likod niya, gusto ang pinapanood. Tama naman, mukha siya nasa bahay niya talaga. "Nagugutom ako." Nagpanggap si Catherine na hindi siya narinig kaya pumunta siya sa kanya at nagsalita sa tenga niya. "Ang sabi ko, nagugutom ako. Narinig mo ba ako?"Nanginig ang mata niya at halos mabagsak niya ang syanse.Tinignan niya pabalik ang kanyang walang halagang gwapong mukha at ngumiti ng marahan. "Mr. Hill, naaalala kong sinabi mong kasing dumi ko ang babaeng nasa tabi ng kalsada at sinabing hindi ka na kakain ng luto ko ulit dahil mawawalan oa lang ng gana."“...”H
P*ta. Ito ang unang beses na gusto-gustong niyang sumakal ng babae.Ang binti ni Catherine ay nanginginig sa takot. Gusto niyang umiyak. Bakit ba siya pumunta ngayong gabi?“Mali ako. Makitid at hindi kapani-paniwala. Pakawalan mo na ako.”Nagpakita ng sobrang takot ang mukha ng babae at ang malinaw at maluhang mata niya a parang sa kuting. Hindi niya naglakas ng loob na lapitan siya.Ang puso ni Shaun ay hindi maipaliwanag na nasasaktan. Ito ang unang beses na nasaktan ang puso niya pero dahil ito sa basurang babaeng ito.“Umalis ka.”Hindi niya makontrol ang galit at bumagsak sa lapag. “‘Wag mo na akong hayaang makita kang muli.”Ang lakas ng lalaki ay napakalakas at bumagsak ang tuhod ni Catherine sa lapag nang mahulog siya. Sobrang sakit nito.Pinilit niya ang sarili niyang tumayo at magalit. “Kung hindi dahil kay Fudge, sa tingin mo ba gugustuhin kong makita ka? Maiksi ang pasensya mo at moody. Sinong tatagal sa’yo?”Saka siya mabilisang umalis.Sa oras na ‘to, hindi na
”Magtropa ang ama nila Patrick at linda. Matapos magretire mula sa military service, gumawa silang dalawa ng negosyo. Si Patrick at Linda ay nabuhay sa parehong lugar at lumaki magkasama. Tinatrato niya lang si Linda bilang kapatid niya.”“Kahit papaano, pakiramdam ko na hindi siya tinatrato ni Linda bilang kanyang kapatid.” Tiningnan ni Catherine si Freya.Nanatiling tahimik si Freya sandali, tapos nagbuntong hininga. “Sa tingin mo din? Nagdududa din ako, ngunit wala akong ebidensya.”“Bantayan mo lang siya.” Paalala ni Catherine kay Freya.“Okay.”...Isang linggo makalipas.Si Rebecca at ang kanyang mga magulang ay bumalik sa Melbourne matapos magbakasyon.Sandali matapos silang bumalik sa villa ng pamilya Jones, si Etan ay tinawagan si Rebecca muli.Sa sandaling tingan ni Rebecca ang tumatawag, kuminang ang kanyang mata sa kairitahan. Gayunpaman, sa huli sinagot niya ang tawag. Nakangiti, tinanong niya, “Anong problema, Ethan?”“Hindi ba kita pwedeng tawagan ng basta?”S