Tumango si Sheryl. “Wala ka bang kilalang tao rito? Tawagan mo nalang ang taong ‘yun.”“‘Yun din ang iniisip ko.”Ibinalot ni Titus ang mga braso niya sa babae. “Lilipad tayo papuntang Canberra bukas at kakain kasama ang taong ‘yun. Maliit na usapin lang ito.”Nakinig si Matthew sa kaswal na tono ng mga magulang niya at bahagyang sumimangot.Natural na alam niya ang pamamaraan ng ama niya. Si Titus ang may koneksyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.Hindi maganda ang impresyon niya kay Shaun, pero si Catherine…...Sumunod na araw.Sina Sheryl, Titus, Matthew, at Rebecca ay lumipad papuntang Canberra.Nang lumapag ang eroplano, huminga ng malalim si Rebecca.‘Canberra, nagbabalik ako.’ Sa taong iyon, tumakbo siya palayo mula sa lugar na ‘to sa isang kahabag-habag na estado. Ngayon, nagbabalik na siya.Hindi nagtagal, isang extended bulletproof na Rolls-Royce ang personal na nagdala sa kanila sa isang liblib at magandang courtyard house.Matapos ang isang kapistahan, dinala si
”Sa tingin mo ba niligtas ka niya mula sa kabutihan ng puso niya?” Ngumisi si Titus. “Nakalimutan mo na ba kung ilang tao ang sumubok na maging malapit sayo mula nung bata ka? Lumaki ka sa Neah Bay. Paanong sobrang naive mo pa rin?”“Dad, hindi niya alam ang pagkakakilanlan ko nung oras na ‘yun. Kararating ko lang sa Canberra. Bukod pa rito, paano niya malalaman ang identidad ko?”Hindi sumang-ayon si Matthew sa mga salita ng ama niya. “Syempre, pinagsuspetyahan ko rin siya dati. Matapos kong pumunta ng Canberra, ilang beses ko siyang kinita pagkatapos nung unang beses. Sa tingin ko na… hindi ganun kasama si Catherine.”“Maraming babae ang magaling umarte.” Malamig na sumimangot si Titus. “Ni hindi niya pinalagpas ang biolohikal niyang mga magulang. Matapos ng lahat ng ginawa niya, pinaglalaban mo pa rin siya. Kapag nalaman ‘to ng mom mo, tignan mo lang kung anong gagawin niya sayo.”“‘Yun ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kanya.” Ngumuso si Matthew. “Dad, sa totoo lang…
Pagsapit ng 8:00 a.m. ay naghanda ng pang-agahan si Catherine. Kaaya-ayang tignan si Lucas na siyang suot ang kanyang uniform. Tahimik nitong kinakain ang kanyang noodles, samantalang hindi maitimpi ni Suzie ang kanyang sarili. Hindi niya gustong kumain ng agahan at sa halip ay gusto niyang kumain ng doughnut.“Hindi ka pwedeng kumain ng matamis sa umaga, Suzie.” Hikayat ni Shaun ang kanyang anak habang paunti-unti niya itong pinapakain.Lubos na ikinatuwa ni Catherine ang eksenang iyon. Noong nakaraan, siya ang kailangang gumawa ng ganitong uri ng bagay, ngunit sa wakas ay hindi na niya kailangan pang gawin ito.“Ayaw ko ng noodles, Scummy Dad.” Nag-pout si Suzie.Suminghal si Lucas, “Ikatataba mo ‘yang pagkain mo ng matatamis. Bahala ka, hindi ko sasabihing magkapatid tayo pagkapasok natin ng school.”“Mommy, tinutukso nanaman niya ako.” Pagrereklamo ni Suzie. Hinilot na lamang ni Catherine ang kanyang noo.Biglang tumunog ang phone na iniwan ni Shaun sa mesa. Galing iyon kay
“Isang malaki at nakakatakot na tao ata ang kanyang binangga. Pati ang ninong ko’y hindi siya kayang kalabanin.” Pagpuputol ni Freya sa kaibigan. Napuno ng ingay ang utak ni Catherine.Napakarami nang pinagdaanan nila Shaun upang makarating sa kinaroroonan nila ngayon. Nakulong na sa wakas si Mason at maaari na nilang tapusin ang kanilang gulo kay Wesley, ngunit ngayon, tila nabangga nila ang isang mas nakakatakot na tao.Sino kaya iyon?Naghahalo ang pagod at pagkawala kay Catherine.Hindi naging madali para sa kanila ni Shaun ang kanilang pinagdaanan upang marating ang puntong iyon.“Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Freya."Hindi ko alam, Freya. Pupunta akong Hill Corporation para makibalita.” Pagod na sinagot ni Catherine.Matapos ibaba ni Catherine ang tawag ay tumungo ito agad sa Hill Corporation.Kasalukuyang dinudumog ng mga reporter ang labas ng Hill Corporation, kaya’t pumasok na lamang si Catherine mula sa parking lot. Pagdating niya sa pinakataas na palapag
Natigilan si Shaun at tinitigan nito ang kanyang kasama sa hindi kaaya-ayang ekspresyon.“Shaunny, pasensya na. Kahit mahirap pakinggan ang sinabi ko, kailangan kong gawin para sa mga bata,” Napakagat ng kanyang labi si Catherine at mahina ang kanyang boses.“Hindi, nalulungkot ako kasi parang sinabihan mo na rin akong wala akong kwenta. Sinuman ang mastermind nito, hindi ako basta-basta napapabagsak.” Marahang niyakap ni Shaun si Catherine. “Kung darating talaga ang araw na hindi ko na kayo mapoprotektahan ng mga bata, hindi mo na kailangang sabihin pa. Hahayaan na kita.”Hindi umimik si Catherine, ngunit nanunuot ang kanyang mga mata.Mahal niya ang lalaki, at mahal din siya nito.Gayumpaman, malupit ang katotohanan. Kailangan nilang maging responsable para sa kanilang mga anak....Pagkarating sa tahanan ng mga Snow. Nang hinatid sila ng butler papasok, tumambad sa kanilang pagpasok sa pinto ang boses ni Rodney.“Tito, parang kapatid ko si Shaun at maganda ang relasyon niy
“Ako?”Bahagyang natigilan si Freya. "Sigurado ka ba?""Sa totoo lang, pinaghihinalaan ko na ang mga taong nagligtas kay Patrick mula sa bilangguan at ang mga taong nagta-target sa Hill Corporation ay iisa lamang," Kumplikado ang tono ni Catherine. "Masyado namang nagkataon kung sakali. Sabay silang nangyari at parehos silang utos ng executive council.”"Ibig mong sabihin... dahil nasaktan ko si Patrick, pinupuntirya ng mga taong iyon ang Hill Corporation bilang kaibigan kita at boyfriend mo si Shaun?""Hindi, hinala ko na si Linda iyon."Nanghula si Catherine. "Alam na alam natin ang kakayahan ng mga Jackson, lalo na noong nakita natin ang hitsura sa mga mukha ng mga magulang ni Patrick. Sinukuan na nila ang kaso ni Patrick, ngunit bigla itong pinalaya. Sigurado akong gawa iyon ng isang malapit sa kanya na gusto siyang iligtas, kaya’t ang hinala ko’y si Linda.”“Linda?” Nagulat si Freya. “Gano’n ba siyang kalakas? Sa pagkakaalam ko, overwhelmed pa rin siya nitong mga nakaraang a
"Actually, sa tingin ko si Linda ang nag-udyok sa kanya."Sabi ni Catherine, “Matagal na naming kilala si Patrick. Medyo kamukha niya talaga si Ethan, ngunit hindi siya kasuklam-suklam gaya ni Ethan pagdating sa pagnenegosyo. Tunay ang bawat hakbang niya, at hindi niya kailanman naisip na mag-shortcut. Sa madaling salita, magulo lamang siya kausap pagdating sa pakikipagrelasyon. Siya ay walang muwang at madaling lokohin ng mga inosenteng mukhang babae ngunit mapanghusga."Natahimik si Freya. Sumang-ayon siya kay Catherine sa puntong iyon."Tingnan mo, hindi ba natauhan din si Ethan?" Nagpatuloy si Catherine.“Iyon ay dahil ang minahal ni Rebecca ay hindi si Ethan mismo. Ang mahal niya ay ang kanyang maliwanag na mga ideya. Nang nawala ang lahat kay Ethan, wala na siyang ibang hinangad kundi ang palayasin siya. Pero si Linda... totoong mahal si Patrick.” Biglang hininaan ni Freya ang boses. "Kung hindi niya ito mahal, sumuko na siya sa kanya. Sa tingin ko... ngayong nakalaya na si P
Agad na nandilim ang guwapong mukha ni Rodney."Siya nga pala," biglang lumingon si Freya habang may kakaibang tingin sa maganda nitong mukha. "Well... Baka madalas ko nang makita si Patrick sa mga susunod na araw."Natigilan si Rodney. “Freya Lynch, baliw ka ba? Pupunta ka pa rin ba sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya sa’yo? Ganun ka ba ka-ayaw mag move on sa kanya? Ganyan ka ba katanga?"“Hindi ako sing-tanga mo.”Noong una ay gustong makipag-usap sa kanya ni Freya, ngunit ikinagalit niya ang mga hindi kasiya-siyang mga salita ng lalaki.“Nagbago na ako, ngunit ikaw ang gustong makipagkita sa kanya habang dinadala ang anak ko. Huwag mo nang isipin iyon," Galit na sabi ni Rodney, "Mas mabuting alamin mo ang iyong lugar at huwag mong ipahiya ang mga Snow. Nakalimutan mo na ba kung paano ka sinampal noon? Gising na."“Alam ko lahat yan. ‘Wag kang magsalita na parang ganu’n akong tao. Iba ako sa’yo. Gusto ko siyang makilala dahil gusto kong malaman kung sino ang nagligtas sa kany