Matapos pumasok sa sedan, ang pinto ng passenger seat ay bumukas. Ang assistant ni Titus, si Samuel Light, ay pumasok. “President Costner, pupunta na ba tayo ngayon sa opisina ng prime minister?”Sumulyap si Titus kay Samuel. “Gaano katagal bago makarecover ang mga bodyguards natin?”Natulala si Samuel. “Nasaktan ang mga laman at buto nila, kaya pinakamabilis na ang dalawa hanggang tatlong buwan.”“Dalawa hanggang tatlong buwan?” Nagsimulang sumakit ang ulo ni Titus. “Hindi ko inakala na maloloko ako ng ganito kalala.”“President Costner, sa tingin ko ay ligtas naman si Young Master Costner. Baka gusto ka lang pagbantaan ni Catherine at ng iba pa,” inaliw ni Samuel ang lalaki.“Sa tingin mo rin si Catherine ang gumawa nito?” Ngumiti ng peke si Titus at nagtanong.“HIndi… Hindi ba siya ito?” Nagulat si Samuel.“Syempre hindi. Gayunpaman, hindi mo pwedeng banggitin ito sa harap ni Sheryl.”Nagsindi si Titus ng sigarilyo. Kung dati ay may 40 porsyento siyang tiwala kay Catherine,
”Hangga’t may pera, mayroon ba tayong hindi magagawa? Mom, huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi nila sasaktan ang mga bata.” Muling ginarantisa ito ni Rebecca.… Sa ospital.Iniisip din ni Catherine ang usapin tungkol kay Matthew. Bahagya siyang nag-alala.Balisa ang pakiramdam, tinawagan niya si Chase. Saka lang niya nalaman na si Matthew ay nawala sa Melbourne at ang assistant nito ay patay na rin.“Rin, anong relasyon ng Matthew na ito sayo?” Sobrang curious ni Chase.“Kapatid ko siya mula sa ibang ama.” Nagbuntong hininga si Catherine. “Suspetya ko ay kagagawan ito ni Wesley. Kumusta ang impluwensya ng pamilyang Lyons sa Melbourne?”“Pamilyang Lyons ang tinutukoy mo?” Sagot ni Chase. Bahagyang naiinis siya. “Nung una, kami, ang pamilyang Harrison, ang kinokonsiderang big boss sa Melbourne. Gayunpaman, sinong mag-aakala na ang Golden Corporation ay patuloy na magiging mahusay? Ngayon, mahigit 90 porsyento ng taong may kapangyarihan dito ay sinusuportahan si Wesley,
Matapos dalhin ni Elle lahat ng snacks sa ward, masigasig na kinain ni Shaun ang mga tsokolate.Halos maiyak si Hadley nang makita 'yun. "Sa wakas alam ko na kanino nagmana sa mga kagustuhan ang Little Miss."Bakit hindi niya napansin dati na gustong kumakain ni Young Master Hill ng tsokolate?Inisip ni Cathetine, 'Si Shaun ay inabuso ng kanyang yaya nung bata pa siya, kaya dati pa ay pinipigilan niya ang sarili niya. Matapos 'yun, ipinadala siya sa mental hospital. Paano siya makakakain ng mga tsokolate?'Tinuring niya nalang ito na pagbabalik kay Shaun sa kanyang masayang kabataan sa pagtrato sa kanya ng mas maayos mula ngayon.Nung gabi, sina Chester, Rodney, at Freya ay dumating.Si Shaun ay nagpapahingang nakasandal sa kama, masinsinang nanonood ng PAW Patrol. May chocolate cookie pa siya sa kamay niya at isang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Talagang hindi niya napansin ang mga pumasok."T*ngina, Shaun. Paano kang nagkaganyan?" Na-heartbroken si Rodney. "Kumakain ka pa
Nag-iisip na tumango si Rodney. “Edi pwede kong turuan si Shaun na makipag-date. Hindi magtatagal, magiging nasa isang relasyon ka na ulit kasama si Shaun.”“...”Walang masabi, tinukso siya ni Freya, “SI Sahun ay may katalinuhan lamang ng isang dalawang taong gulang ngayon. Simpleng tinatrato niya si Cathy bilang isang aunty. Pwede mo siyang turuan makipag-date, pero sa tingin mo ba makikipag-date siya sa isang aunty?”Pakiramdam ni Catherine ay tila sinaksak siya sa puso.Dagdag ni Freya, “Bukod pa rito, single ng 30 taon. Sa tingin mo ba matuturuan mo si Shaun kung paano makipagdate gamit ang mga abilidad mo? Kalimutan mo na ito. Huwag mo siyang i-mislead.”Pumintig ang ulo ni Rodney. “Freya Lynch, walang mag-aakala na pipi ka kahit na hindi ka magsalita.”Sumulyap si Freya sa lalaki, hindi namamangha. “Hindi ka pwedeng magalit dahil lang sinabi ko ang katotohanan, Ang kalalakihan ay dapat mas malaki ang puso.”Sumulyap si Rodney sa malaking tiyan ni Freya. Huminga siya ng ma
Nang kakasabi palang ni Suzie, aksidenteng nakahulog si Shaun ng noodles mula sa tinidor, naging makalat ang mesa.“B*bo,” pagsasabi ni Suzie. Ang tono siya ay pareho sa pang-aasar sa kanya ni Lucas.Kinurap ni Shaun ang mga mata niya. Matapos, ngumuso siya sa direksyon ni Catherine at nagsimulang umiyak. “Cathy, hindi ako b*bo…”“Okay, hindi ka b*bo. Si Shaunny ang pinakamatalino.” Agad ni niyakap ni Catherine ang kanyang ulo at palihim na nilampaso ng isang sulyap si Suzie.“Mommy, ganun mo ako tinuruan, at agad kong natutunan ito,” sabi ni Suzie habang nakanguso.“Sigurado ka bang natutunan mo agad ito?” Inasar siya ni Lucas.“...Kahit ano ang mangyari, sa nakikita kong ganitong estado ni Daddy, ang pagtuturo sa kanya ay responsibilidad ko.”Kumibot ang mga sulok ng bibig ni Catherine. “Tama na, dapat niyo nang bilisan kumain. Ako ang magpapakain sa kanya.”Matapos niyang magsalita, hinawakan niyang ang mangkok at sinimulan pakainin si Shaun ng paisa-isang kutsara.Pakiramd
”Ngunit ayaw ko… maging mataba. Gusto ko maging…gwapo. Gusto ko na magustuhan mo ako.” Inangat ni Shaun ang ulo niya, ang mata niya ay sobrang seryoso. Ang magandang mukha ni Catherine ay sumasalamin sa mata niya.Nabuhusan ng katamisan ang puso ni Catherine sa titig niya. Kahit na parang tanga ang kilos ni Shaun ngayon, ang buhok niya ay inahit na parang crew cut pagkatapos niya magkaroon ng sugat. Sobrang gwapo ng mukha niya.Dati, sobrang gwapo niya kapag may seryoso siyang ekspresyon.Gayon pa man, ang walang kamuwangan niyang itsura ay sobrang cute rin.“Mm, sobrang gusto kita ngayon.” Hindi ito matiis ni Catherine. Binaba niya ang ulo niya at hinalikan si Shaun sa labi.Kumurap si Shaun. Pagkatapos ay hinalikan niya rin si Catherine sa labi. “Cathy, gusto rin kita…”Kahit na alam ni Catherine na ang nararamdaman nito para sa kanya ay kahangaan lang at hindi romantiko, hindi pa rin niya maiwasan na tumibok ang puso niya.Binaba niya ang ulo niya at hinalikan ulit ito. “Sh
Malapit na maiyak si Catherine.Pinagtitripan ba siya ng langit?“Cathy…” Binaba ni Shaun ang ulo niya para tignan si Catherine. Dahil sa mainit na tubig mula sa shower, ang madilim niyang mata ay parang paiyak na.Tinignan ni Catherine ang manipis at mapula niyang labi. Pinigilan niya ang kahihiyan na nararamdaman niya at pinalibot ang kamay sa batok nito. Hinalikan niya ito . “Good boy. Okay lang iyan. Nandito ako…”...Pagkatapos maligo, 8:00 p.m. na.Sumabay na rin si Catherine sa pagligo ni Shaun. Pagkatapos niya magpalit ng bagong damit, humiga si Shaun sa kama nang may nasisiyahan na ekspresyon.Sa kabilang kamay, medyo hindi pa rin komportable si Catherine at natulala.Iniisip niya kung tatawagan niya ba si Chester para tanungin kung bakit biglang gumaling ang sexual dysfunction ni Shaun. Gayon pa man, inisip niya na medyo nakakahiya pag-usapan ang bagay na ito, kaya hinayaan na lang muna niya ito. Pagkagising niya kinabukasan, hindi pa rin siya naliliwanagan. Lumapit
”Tama iyon. Hindi ko rin ito inaasahan.” Pagkatapos ng ilang sandali, nagpakita si Catherine ng nalulungkot na itsura.Tinignan siya ni Chester. Wala itong ibang sinabi tungkol sa bagay na ito at ang binigkas niya lang ay, “Dapat mo siyang dalhin sa andrology unit para magpatingin ngayon kung sakali lang, para makumpira mo kung ito ay sa kasalukuyan lang o kung tuluyan na siyang gumaling. Sasabihan ko si Doctor Leonard, na sumusubaybay sa kaso niya.”“Salamat.”“Hindi na kailangan. Kaibigan ko si Shaun.” May bakas ng kalungkutan sa mata ni Chester.Magkakilala sila ni Shaun ng matagal na panahon. Si Shaun lang ang pinaka-nakakakilala sa kanya ng lubos. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang mga bagay para sa kanya sa huli.Nakita ni Catherine ang lahat. Kahit na maaaring hindi maging mabuting asawa o nobyo si Chester, siya ay tunay na nakakamangha bilang isang kapatid at kaibigan....Pagkatapos magtanghalian sa hapon, dinala ni Catherine sa andrology unit si Shaun.Wala g