“Tandaan mo ‘yung ipinangako mo.” Kalmadong bumalik si Shaun sa kanyang kama.Nang payagan siya nitong pumasok, mabilisang inilatag ni Catherine ang kanyang kumot sa lapag na katabi ng kama nito.Saglit pa itong naging masigasig ngunit nakatulog din ito agad.Subalit maya-maya lamang ay nagising ito sa kanyang pag-iyak.“Pabukas ng pinto… Please… Ang lamig… Ang dilim… Natatakot ako.”Napabangon ito. Inilawan ng sinag ng buwan ang aninong nasa lapag. Mahigpit na tinatakpan ng babaeng nakapulupot ang kanyang tainga. Nanginginig sa takot ang kanyang katawan.“Gumising ka, Catherine. Binabangungot ka lang.” Tumayo si Shaun upang alisin ang mga kamay ni Catherine sa kanyang tainga.Subalit masyadong nalulong si Catherine sa kanyang masamang panaginip. Singputi ng mga kobrekama ang kanyang nasisindak na mukha.Wala nang magawa si Shaun kung kaya nama’y inihila niya si Catherine sa kanyang dibdib at marahang tinapik ang likuran nito.“Okay lang, ligas ka na ngayon…”May kakaiba sa b
“Tama na. Atakihin mo na ako ngunit ‘wag naman ang lahat ng mga babae.”“Ano naman kung gagawin ko?” Sagot ni Shaun, habang minamataan si Catherine.“Ikaw…” Sa pagkabalisa ni Catherine ay lumakad ito patungo kay Shaun upang ibalot ang kanyang mga kamay sa lalamunan nito.Ikinagulat naman ni Shaun ang biglaan at hindi inaasahang kilos ni Catherine.Nagpupumilit ba ng isang halik ang babaeng ito? Lumabas ang imahen ng mga malambot na labi nito sa kanyang isipan. Nag-alinlangan siya saglit bago siya makaramdam ng sakit sa kanyang pisngi.Kinagat siya ni Catherine.Pwersahan niya itong itinaboy habang tinakpan ng kanyang kamay ang parte ng pisngi nitong kinagat ni Catherine.Aso ba siya? Napakasakit!“Catherine, ano ba ang ginagawa mo? Huwag mong isiping hindi kita parurusahan sa ginawa mong ito.”Tila’y nagbabagang apoy ang kanyang mga mata. Nanginig si Catherine matapos niyang mapagtantuan kung gaanong katawa-tawa ang kanyang mga kilos.“Um… maipapaliwanag ko ito. Ito’y dahil…
Binigyan ni Chase ang nasasakdal ng baso ng mainit na kape.“Bakit ka nandito?” Nakakagulat na mukha ang nangingibabaw sa mukha ni Shaun.“Dali na, meron pa akong case sa Courtroom 2 ngayon. Pwede bang makinig ka nang maigi sa akin?” pag-ungol ni Chase, “Oo nga pala, bakit ka nakasuot ng mask? May sakit ka ba?”“...”Tinanggihan ni Shaun ang magkumento pa.“Eh, maganda na maalalahin ka na magsuot ng mask para pigilang kumalat ang virus. Shaun, Mas naging maalalahanin simula nung lumipat ka sa Melbourne,” Pagpuri ni Chase.Pagkatapos ng sampung minuto, nag-umpisa ang paglilitis. Halos maibuga ni Chase ang kape sa kanyang bibig nang tanggalin ni Shaun ang kanyang mask at ipakita ang mga marka ng ngipin sa kanyang pisngi.“Anong…”“Nakagat ako ng aso.” Malamig na sabi ng boses ni Shaun nang pananakot. Naglakad siya sa courtroom nang may malalaking hakbang.Biglang humakhak si Chase. Akala ba ni Shaun na maloloko niya ito? Halata naman na kinagat siya ng babae.Hindi niya araw-ar
Ulit?Nakaramdam ng pagkabigo si Catherine sa kanyang katawan. Ilang araw siyang nanatili sa bahay para magluto ng pagkain.“Lalabas lang ako para maghapunan kasama kaibigan kong nakilala nung nag-aaral ako sa ibang bansa.”Sarkastikong tumawag si Shaun. “Oh, kaibigan galing university naman ngayon. ‘Wag mong kalimutang dinukot ka papuntang hotel ng kaibigan mo galing high school nung huli.”“Whatever. Bye.” walang pasensya niyang binaba ang tawag. May bakas ng pagkabigo sa mata ni Joseph nang makita niya ang galit na mukha nito. "Bagong nobyo? O asawa?"Nanlaki ang mata niya sa gulat. "Impossible. Ano ko… housemate."Kahit na legal na asawa niya si Shaun, ayaw ipasabi ng lalaki ito. Gayunpaman, ang relasyon nila ay para lamang sa pagpapanggap.Kumibot ang dulo ng labi ni Joseph papunta sa isang pilit na ngiti. "Mukha kang kumakausap ng asawa.""Um… Talaga?"Pakiramdam ni Catherine tumigil sa pagtibok ang puso niya. Ito ay pagpapanggap na natural lang para sa kanila ni Shaun
Tumanggi si Catherine, nairita pa rin siya dahil kanina. “Paumanhin, Tagapangalaga lang ako ng pusa mo at hindi pati ikaw.”Binigyan niya ng diin ang huling tatlong salita. Hindi natigilan si Shaun. Kumibot ang dulo ng labi ni Shaun na gumawa ng ngiting natutuwa. “Ito ang pagmamahal na pinapahayag mo sa’kin?”“...”Sh*t.‘Ang mahal ko ay ang pagiging tiyahin ni Ethan! Malinaw iyon!’Nang naiirita, binuksan niya ang ref para kumuha ng baked sweet dumplings na ginawa niya kagabi.Si Shaun, na nakatingin lang sa anino nito sa likod ng glass sliding door, ay napipikon na rin.Wala nang kahit anong pagkain bukod sa niluluto niya ang nagugustuhan nito. Siguro nilalagyan niya ng droga ang pagkaing niluluto niya.…Pagkatapos ng agahan sa sumunod na umaga.Mga cuff link na lang ang kailangang ilagay ni Shaun para makaalis nang mapansin niyang nagpalit ng beige na windbreaker si Catherine.Sa ilalim nito ay isang dark pink na shirt at checkered maxi dress na may tights. Walang kahira
Nang may magaang puso, umalis si Catherine sa opisina at nag-umpisa nang magmaneho papunta sa Green Mountain.Ito na ang pinakamahal na luxury villa sa buong Melbourne. Ang mga pinakamayaman na mga tao lang ang kayang makabili ng lupa rito.Ang kotse niya ay pinatigil ng security guard sa entrance ng lugar kaya kinailangan niyang maglakad papunta sa bahay.Ang lalaki nasa 30 edad ay nakatayo sa may swimming pool. Ang matangkad na lalaki ay may mahaba at maamong kilay. Ang tailor-made na itim na business suit ay maganda tignan lalo na sa kanya.Nagulat, nagdadalawang isip niyang tinanong, “Mr. Lyons?”“Oo. ikaw ba ang designer galing sa kumpanya Joseph? Mas bata ka sa inaasahan ko.” Tunay na gulat ang makikita sa mata ni Wesley.Ang babae sa harapan niya siguro ang pinaka magandang babaeng nakita niya simula nang bumalik siya sa Melbourne. Iisipin ng iba na ipinadala ito ni Joseph para akitin siya.Ngunit ang hindi maalis na determinasyon sa mata niya ay pinapakitang siya ay hind
Ipinahayag ni Catherine na nagtrabaho siyang maigi para sa kanyang career. Plano ni Ethan na ipagmayabang na kaya niyang ibigay ang lahat para sa kanyang kabiyak.Tulad ng inaasahan, lumabas ang ngiti niya nang makita niyang nagiba ang kulay ng mukha nito, “Ano? Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo ngayon? Kung ganito ka noon, siguro nabigay ko rin ang makakaya ko.”Nairita sa kumento nito, halos dumura ito ng dugo. Bulag siguro siya dati para isiping edukado siyang lalaki. Ang pag-alala kay Shaun kanina ang nagparamdam sa kanya ng pagiging ‘di kompurtable.Lumabas ngang may property ito sa lugar na iyon. Desisyon niyang pumili ng kahit anong design company pero walang dudang magagalit ito sa kanya kung ibibgay niya kay Rebecca ang project.“Okay, ang tiyuhin mo ang may huling salita sa kung sino ang mayrerenovate, hindi ikaw. Siguro makukumbinsi ito ng asawa niya. Ang mga sinasabi mo ay wala nang halaga.”Haha, totoo nga, kailangan niyang kumbinsihin ang lalaki mamayang gabi.Sum
”Hindi”Kinumpas ni Wesley ang kamay nito sa ere. “Papayag ako sa lahat pwera lang dito. Mataas ang standards ko para sa titirahan ko. Nakilala ko na si Rebecca noon. Sa totoo lang, wala siyang karanasan at wala pa masyadong alam sa bagong materyales at high-tech na mga appliances. Sisirain niya lang ang bahay ko.”Medyo nahiya nang kaunti si Ethan. Sabagay, fiance niya ang pinag-uusapan.“Pero maganda ang nagawa niya sa Culture and Technology Center project…”“‘Wag mong kalimutan na nakuha niya ang bid dahil lang sa koneksyon.” Isang mukhang hindi natutuwa ang nangibabaw sa mukha ni Wesley nang pag-usapan nila ito. “Isa pa, dapat kang matuwa na hindi tayo isiniwalat ni President Sawyer kung hindi malalagay tayo sa peligro.”Naramdaman ni Ethan na bumagsak ang kanyang puso. “Sige, walang kaso kung hindi ka pumayag. Oo nga pala, sketch ba iyang hawak mo? Sinong designer ang napili mo? Nagtataka lang ako kaya ko naitanong at wala nang iba pang rason.”“Joseph Talton, kaibigan ko si