Share

Kabanata 91

“Syempre hindi. Sa akin niya lang naman ginagawa iyong mga kasinungalingan na iyon.” Kutya ni Shaun

“...”

Walang masabi si Chase.

Tila’y niyayabangan siya ng lalaking ito.

‘Ewan ko sa’yo, wala na rin namang pakialam si Catherine sa’yo ngayon.’

Kutya nito pabalik sa loob loob niya bago sabihing, “Kung titignan ang nakaraan ng mga Jones, marahil ay hindi nila ito palalampasin. Kinulong nga nila siya noon na muntik na niyang ikamatay. Tingin mo ba’y nasa panganib ulit siya? Kailangan ko na bang kumuha ng taong magmamatiyag sa kanya?”

Bumalik sa pagbabasa ng mga dokumento si Shaun. “Huwag muna hangga’t hindi pa siya nagmamakaawang tulungan ko siya.”

Makalipas ang ilang segundo, nagpatuloy ito, “Ngunit tinignan muna nila dapat bago sila sumabak. Hindi nagpapakita ng respeto sa akin ang mga Jones. Gusto kong sumikat ang bidyo na ito sa lalong madaling panahon. Bukod dito, huwag mong hayaang ipatanggal ito ng mga media.”

“Uh… Sige.”

Hindi na nag-abala pang kutyain ni Chase si Shaun.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status