Share

Kabanata 45

Isang araw makalipas ang libing ng ina ni Lalaine, matamlay, malungkot at nagdadalamhati pa rin ang dalaga. Hindi niya sinasagot ang mga tawag, text at emails na natatanggap niya sa iba’t-ibang tao, iniiwasan niyang makipag-usap sa kahit kanino maging sa nobyo niya.

Nais niyang mapag-isa muna at damhin ang sakit na nadarama niya, wala sa sariling naglalakad si Lalaine sa kung saan dalhin ng mga paa na ang tanging laman lamang ng isipan ang kwestyonableng pagkwala ng ina.

“Nay. Bakit mo ko iniwan? Marami pa akong plano para sa ating dalawa, diba sabi mo lilibutin pa natin ang mundo at aattend ka pa sa kasal ko pero bakit sumuko ka? Bakit mo ako hinayaang maramdaman ang sakit ng pagkawala mo, nay.” Nagsusumamong tanong niya, tumutulo ang mga luha ni Lalaine at mabigat ang loob na parang may napakalaking bato sa kanyang dibdib ang nakapatong dito na nagpapahirap sa kanyang huminga ng matiwasay.

Sumuko siya kalalakad dahil sa pagod na mga paa at pudpod na mga swelas sa walang tigil na kak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status