Share

Kabanata 87

“Ate…” nagmamadaling nanakbo si Gio sa ate niya, “hwag mo akong isusumbong kay mama, ha? Gustong-gusto ko kasing makasama si papa,” pakiusap ni Gio sa ate.

“Oo, pumasok ka na. Bukas na tayo mag-usap pag-alis ni mama,” utos ni Aika sa kapatid.

“Maaaa.. andito na si Gio, magbihis na Gio para hindi ka matuyuan ng pawis sa katawan.”

Agad ring nagpalit si Aika ng kanyang damit sa loob ng kanyang silid, lumabas siya sa silid para samahan ang pamilya sa kusina dala ang kanyang tablet. Tahimik siyang nakiupo sa kaniyang pamilya habang nakatutok ang mga mata sa tablet.

“Kumusta naman ang trabaho mo, Aika?” tanong ni Soledad, hindi sumasagot si Aika sa tanong ng ina niya dahil busy siya sa pagbabasa ng impormasyon tungkol kay Cassie.

“Oy, ate, kinakausap ka ni mama,” kinalabit ni Oliver ang ate niyang nakatunganga sa gadget niya.

Agad ibinaling ni Aika ang kanyang mga mata sa ina, “ano po iyon?” tanong niya sa ina, “akin na nga iyang malaki mong cellphone na iyan,” utos ni Soledad.

“Ma, tablet
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status