Nagising ako dahil sa isang malakas na kalampag ng nahulog na bagay sa sahig mula sa labas. Dilat-mata akong napabangon ng wala sa oras at alerto akong napatingin sa buong paligid ko at dali-daling napasilip ako sa bintana ko. Subalit agad akong napa-igik ng maramdam ko ang sakit na nanunuot sa bawat bahagi ng katawan ko nang subukan kong tumayo.
“Anak ng magaling,” bulong ko ng biglang umikot ang paningin ko.Lihim akong napamura nang muling bumalik sa akin ang pinagdaanan ko nitong nakaraang isang linggo. Ang mga pulpol na pulis na iyon. Palibhasa mga walang paninindigan at bumabahag ang buntot kapag nakikita nila si Mama. Ayaw nilang sumama ulit ang tingin ni Mama sa Departamento ng Pulisya simula ng mawala si Ate Letty kaya parati nilang inuuna na paluguran ito kaysa sa pagbibigay at paghahanap ng hustisya. Kulang na lang gawin nilang batas ang salita ni Mama.At ang h*******k na Genevieve ay sinasamantala ang pagkakataon upang lalong maidiin sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Pare-pareho lang silang lahat! Lahat sila ay tinik sa akin lalamunan. Mga hangal! Kailangan kong makaisip ng paraan para malusutan ang galamay at mga mata ni Mama. Para mahanap ko ang ebidensyang hindi nahanap ng mga pulisya.Muling akong napaungol ng muling sumalakay ang pananakit ng katawan ko nang subukan ko ulit na gumalaw. Sinubukan ko ulit pero lalo lang akong napa-igik at ang malala pa ay umiikot pa rin ang paningin ko. Ang humilata sa higaan ko ang pinahuling bagay na gusto kong mangyari pero kita mo nga naman ang kapalaran, kung ano pa ang ayaw ko iyon pa ang nakuha ko.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, hija Talulla.” Agad akong napaangat ng tingin at hinahanap ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa pangalan ko. “Pagod na pagod ang katawan mo at marami kang galos kaya nanakit ang katawan mo at nahihilo ka. Kaya halos hindi mo maigalaw ang katawan mo. Himala na nga lang dahil nakayanan mong umakyat hanggang dito sa kalagayan mo,” nag-aalalang paliwanag sa akin ng pamilyar na boses na naririnig ko.“Tiya Pepa?” Paninigurado kong tawag sa kanya. "Tiya, ikaw po ba talaga iya ?"Minsan lang akong bumisita sa bahaging ito ng gubat simula ng mawala si Ate Letty. At ang tanging nakakaalam lamang ng lugar na ito ay ang mag-asawang Tiyo Camares at Tiya Pepa. Magdadalawang-taon na akong hindi na nakakabisita rito kaya hindi ko inaasahan na may madadatnan akong tao sa pamamahay ko. Nagpasya lang akong tumuloy rito at nagbabaka-sakaling maayos pa ang bahay ko dahil wala na akong ibang mapupuntahan.Ngayong nakipag-ugnayan ang mga pulisya kay Mama, sigurado akong wala nang ligtas na lugar para sa akin sa patag. Kontrolado ng mga pulis ang buong bayan habang mahal ng lahat ng mamamayan si Genevieve Sanarez, ang anghel na may maitim na budhi. Kapag tinamaan ka nga naman ng magaling.“Ako nga, hija,” sagot niya sa akin habang nakadungaw sa pintuan ko. Agad naglaho ang inis ko at napalitan ng galak ng makita ko ang matamis niyang ngiti “Nahulog ni Bibo ang paso sa labas. Pagpasensyahan mo na siya, may kalikutan lang talaga ang batang iyon,” paliwanag niya sa akin.“Ah, wala po iyon. Tiya Pepa.”“Nabalitaan namin ang nangyari sa patag kaya agad kaming bumaba rito. Sigurado ka ba talaga hija sa ginagawa mo?” Nag-alala siyang nakatingin sa akin habang may bitbit siyang batya ng tubig. “Hindi madali ang ginagawa mo at lubha pang mapanganib. Tingnan mo ang sarili mo. Puro ka pasa at galos. Mabuti na lang at wala kang tinamo na delikadong sugat kundi diyos ko hindi ko alam ang gagawin ko.”“Alam ko po ang ginagawa ko,” magalang kong sagot. “Paano niyo po nalaman?” Nagtataka kong tanong. Isang linggo na ang lumipas simula ng ako ang tugisin ng mga pulis sa halip na tingnan nila ng maayos ang kaso na sinabi ko. Mas mabilis pa yata ang takbo ng balita kaysa sa aksyon na ginagawa ng pulisya kaysa kaso mismo. Ano ba ang inaasahan ko? May tainga ang lupa, may pakpak ang lintik na balita.“Balita sa buong bayan ang ginawa mo. Ang sinasabi ng mga tao sa patag ay nawawalan ka ng tamang huwisyo ng pag-iisip. Sinisiraan mo raw si Genevieve at pinagbibintangan mo siyang mamatay tao.” Kwento niya sa akin habang inaayos niya ang pagkaka-ayos ng mga gamit ko.“Sigurado po ako sa nakita ko,” matatag kong pahayag habang pinipilit kong bumangon. Pero ang traydor kong katawan ayaw makisama kaya wala akong nagawa kundi manatiling nakahilata sa higaan ko. “At papatunayan ko iyon.”“Anong balak mo ngayon?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.“Magpahinga po muna,” ngiwi kong sagot na malambing na ikinangiti ni Tiya Pepa. Kahit kailan talaga ang matandang ito.Nakilala ko si Tiya Pepa at ang asawa niya nung bata pa ako. Naglalaro ako noon sa burol at dinatnan ako ng gabi. Sa subrang lakas ng ulan ay nawala ako sa gubat at si Tiya Pepa ang nakahanap sa akin. Simula nun kapag wala akong ginagawa ay sa kanila ako namamalagi at naglalaro. Nasa tuktok sila ng bundok nakatira, malayo-layo sa burol at lubhang malayo sa patag. Dahilan kaya minsanan lang sila kung dumayo sa patag, at kung dumayo naman sila ay para lang mamili ng mga bagay na hindi natatagpuan sa bundok.“Mabuti naman kung gayon,” sabi niya sa akin. “Totoo ba na tinutulungan ng Mama mo ang mga pulis upang tugisin ka?”“Opo,” kaswal kong sagot sa kanya.Muling umusbong ang galit ko kay Mama ng banggitin siya ni Tiya Pepa. Alam kong galit siya sa akin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos aakalain na papaniwalaan niya si Genevieve kaysa sa akin. Alam kong wala akong hawak na matibay na ebidensya tungkol sa krimeng ginawa ng babaeng iyon pero sana pinaniwalaan man lamang ako ni Mama.Hindi ako sinungaling at higit sa lahat, wala akong intensyon na manira ng puri ng kahit sino. Hindi ko ugaling magkalat ng balitang kutsero para sa sarili kong kapakanan. Pero ang magaling kong ina at ang mga pulpol na pulis, hindi man lamang sila nag-aabalang siyasatin ng mabuti ang lugar na sinabi ko. Pare-pareho lang sila ng sinasabi na hindi kayang gawin ni Genevieve ang binibintang ko sa kanya.“Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago,” malungkot na komento ni Tiya Pepa.“Hindi na po magbabago si Mama, Tiya Pepa,” mariin kong pahayag.Matapos niyang pagbawalang bumalik sa bansa si Kuya Celio at Allegria, ay walang pagdadalawang-isip niya akong itinatwa sa ikalawang pagkakataon. Habang ang magaling kong ama, wala man lang reaksyon at iniuna niya ang negosyo sa ibang bansa kaysa sa tulungan ako. Daig pa niya ang kriminal na tumatakas sa batas kung umalis at talikuran ako. Ano ba ang aasahan ko? Katulad ni Mama, pakiramdam ko kung ituring niya ako ay parang hindi niya ako anak. Biro lang, matagal na na rin akong itinakwil ni Papa. Nakakatawa ‘di ba? Masama raw kasi akong anak.Masama talaga akong anak dahil sisiguraduhin kong malalaman ng lahat ang katotohanan sa pagkamatay ni Ate Letty. Makakahanap rin ako ng paraan. Makakahanap ako ng solidong ebidensya. Malalaman ko rin ang lahat lalo na ngayon na bumalik na ang ala-ala ko. Sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat. Lahat sila na may kinalaman sa pagkawala ni Ate Letty. Lahat sila. Wala akong ititira.“Huwag muna nating isipin ang nangyayari sa patag, hija. Sa ngayon, ituon mo muna ang buong atensyon mo sa pagpapagaling. Kung ano man ang balak mo, maisasakatuparan mo lang iyon ng maayos kapag nasa tamang lagay ang katawan mo,” paalala sa akin ni Tiya Pepa.“Opo.” Maliban kay Nanay Yasmin, si Tiya Pepa at Tiyo Camares ang nagpakita sa akin ng pagmamahal na hindi kayang ipakita ng sarili kong mga magulang.“Gusto mong kumain, hija? May inihain akong pagkain sa kusina.”“Sige po,” nakangiti kong sagot sa kanya. “Siyanga po pala, sino po ang naglilinis bahay ko habang wala ako rito?” Hindi ko napigilang itanong sa kanya.“Kami rin ng Tiyo Camares mo, hija at si Bibo kapag wala siyang ginagawa. Hilig ng batang iyon na dito tumambay, minsan dito rin siya natutulog kapag marami siyang ginagawa sa patag.”“Ah,” tango kong sagot sa kanya.“Sana hindi ka magalit, hija, na namamalagi siya rito minsan.”“Nako po. Wala po iyon, Tiya Pepa. Maganda nga po iyon dahil may nag-aalaga ng bahay ko.”“Maraming salamat, hija.” Bahagya siyang yumuko sa akin bilang pasasalamat. “Sige ipaghahain na kita. Nauna na kaming kumain ni Bibo nang mapansin namin na mahimbing ang tulog mo. Dadalhin ko na lang dito ang pagkain mo para ‘di ka na mahirapan.”“Maraming salamat po.”Hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng tuluyang lumabas si Tiya Pepa. Nasa likod ng kambal ng talon ang bahay ko, ngunit nakatayo ito malapit sa bangin kaya malaya kong natataw ang luntiang tanawin ng bundok sa likod ng kambal na tulay. Kahit papaano ay naiibsan nito ang pananakit ng katawan ko subalit hindi nito natanggal sa isipan ko ang galit ko kay Mama at Genevieve Sanarez.Kapag nakapagpahinga na ako ng maayos at maganda na ang pakiramdam ko, babalik ako sa lugar kung saan niya pinatay ang batang babae. Ako mismo ang tutugis sa halimaw na babaeng iyon. Ako at wala ng iba.“Ang lalim ng iniisip mo po, Ate Ganda.”Agad akong napakurap ng marinig kong may tumawag sa akin. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. Maingat kong inilibot ang tingin ko sa labas upang hanapin ang pinanggalingan ng boese pero wala akong makita. Guni-guni ko lang ba na may tumawag sa akin?“Ate Ganda, nandito po ako sa loob,” sabi ng boses.Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa loob at doon ko nasilayan ang bintaliyong bata na matamis na nakangiti sa akin. Sa tantiya ko nasa labing-apat na taong gulang pa lang ito. Mukha siyang magiliw na bata. Iyong parating positibo at nakangiti. Iyong ngiti niya na nagsasabing palakaibigan siya at madaling pakisamahan. Para siyang si Ate Letty.“Ako po si Bibo. Sinabihan ako ng Nanay na dalhin po ito sa inyo. Kumain na po muna kayo habang mainit pa po itong sabaw. Tapos po bumili na rin ako ng gamot niyo sa patag. Inumin niyo na ri po ito pagkatapos niyong kumain.”Pero hindi ako katulad niya. Hindi ako palangiti na tao at higit sa lahat hindi ako palakaibigan. Isa pa hindi ko rin alam kung ano ang opinyon niya sa akin dahil sa kasalukuyang nangyayari sa patag. Kampante lang ako na hindi niya ako isusumbong dahil anak siya ni Tiya Pepa. Pero hindi ko hawak ang pananaw at pag-iisip niya. Markado akong kriminal sa patag, hindi ko alam kung krimenal din ba ang tingin niya sa akin.Kaya bahagya ko lang siyang tinanguan at inabot ang hawak niyang pinaglagyan ng pagkain ko.“Salamat,” sabi ko sa kanya.“Sige po, maiiwan ko na po kayo. May gagawin pa akong takdang aralin,” paalam niya sa akin. Tinanguan ko lang siya bilang permisyo niya. “At siya nga po pala,” tila may naalala niyang pahayag nang bigla siyang huminto sa pagtalikod sa akin. “Umuwi ang Nanay sa itaas, kaya ako raw po muna ang magbabantay sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, ipagtatanggol po kita at poprotektahan dito.” Nakangiti at puno ng gilas na pahayag niya sa akin bago siya yumuko at mabilis na lumabas ng kwarto ko.Pero pasubo na ako nang bigla siyang nakangiting lumitaw ulit sa bintana ko. “Pasenya na po sa abala, gusto ko lang ibigay ito.” Ipinakita niya sa akin ang isang keypad na cellphone. “Inilipat ko po rito ang sim card niyo pansamantala. Dadalhin ko po sa patag ang cellphone niyo para ma-charge ang battery. Huwag po kayong mag-alala, ipupuslit ko po sa eskwelahan para walang makakita.”Mabilis niyang ipinatong ang keypad na cellphone niya sa gilit ng bintana. “Kain po kayo ng marami.” Paalala niya sa akin bago siya kumaripas ng alis. Napailing na lang akong sinundan siya ng tingin. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya, Bibo, dahil napakabibo niyang bata.Nang masigurado kong wala na si Bibo ay agad kong sinimulang kumain. Subalit nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone na ipinahiram sa akin ni Bibo. Hindi ako nagdalawang isip at mabilis ko ito inabot at tingnan kung sino ang tumatawag. Kunot-noo kong tinitigan ang screen ng cellphone ng makita kong walang pangalan ang tumawag at tanging numero lang ang nakikita ko.Sino kaya ito? Nagdadalawang-isip man ako pero pinili kong sagutin ang tawag. “Hello?” tanong ko sa kabilang linya.Hindi ko naiwasang mapalunok ng makarating kami sa Hardin ng Hacienda. Hindi ko inaasahan na may madatnan akong mga bisita ngayong gabi. Subalit ang hindi ko kayang tagalan ay ang pamilyar na paraan ng tingin na ipinupukol nila sa akin. Ang tingin na natanggap ko pitong taon na ang nakalilipas.Kanina ay agad silang natahimik nang makita nila akong paparating at hindi nila inaasahan na kasama ko si Mama. Kung tingnan nila ako aakalain kong nakasunod sa akin si kamatayan na bitbit ang kanyang karit, nakangiti at nagdadala ng kamalasan. Para sa kanila, isa akong tinik sa lalamunan ni Mama na kailangan ng tanggalin.Agad akong napayuko para iwasan ang mapang-uring tingin na ipinupukol nila sa akin. Binilisan ko ang paghakbang ko na para bang doon nakasalalay ang paghinga at buhay ko. Kung pwede lang akong lamunin ng lupa, pagka-apak ko pa lang sa loob ng Hacienda ay nagpalamun na ako. Kung maaari lang akong maglaho. Pilitin ko man minsan na ipagsawalang-bahala ang lahat subalit hindi ko k
“Dōshite nani ga okotta no ka oshiete kurenakatta no? (Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari?)” Galit at nag-aalalang bungad niya sa akin mula sa kabilang linya. “Keisatsu ga anata o oikakete iru no o shitta toki, watashi ga dorehodo shinpai shite ita ka shitte imasu ka? (Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang malaman kong hinahabol ka ng mga pulis?). Dōshite oshiete kurenakatta no? (Bakit ‘di mo sinabi sa akin?) Naze watashi ni denwa shinakatta nodesu ka?(Bakit di mo ako tinawagan?)” Walang preno-prenong sunod-sunod na tanong sa akin ni Daiki sa sarili niyang lenggwahe mula sa kabilang linya. Kapag ginamit na niya ang sarili niyang wika ibig sabihin seryosong-seryoso siya. Halata naman sa boses niya. Napag-usapan namin dati na tatawagan ko siya kapag kailangan ko ng tulong, subalit dahil takot akong madawit ang pangalan niya sa pangalan ko, pinili kong huwag ipaalam sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Ganun naman talaga ‘di ba kapag mahalaga ang isang tao sayo? Uunahin at uu
Bago ako dumiretso sa bahay ko ay huminto muna ako sa harapan ng artipisyal na lawa na gawa ni Kuya Celio, ang nakatatanda kong kapatid. Mapait akong napangiti nang maalala ko si Kuya Celion. Kamusta na kaya siya? Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita. Napalingon ako sa Dining House namin na nakatayo sa gitna ng lawa. Lalong tumingkad ang kulay perlas nitong kulay dahil sa sinag ng inang buwan. Napatingala ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit papaano ay napapawi ng buwan ang ‘di magandang damdamin na unti-unting lumulukob sa akin. Huminga ako nang malalim na malalim bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa lawa. Maliwanag na maliwanag ang bilog na bilog na buwan kaya tila diyamanteng nakikislapan na inilatag ang sinag ng buwag sa artispisyal na lawa. Noong bata pa ako, dito kami naglalaro ni Kuya Celio tuwing wala siyang pasok sa eskuwela. Pero simula nang magkolehiyo siya ay naging madalang na ang paglalaro namin. Subalit tuluyan naputol ang samahan namin nang mangyari a
Inayos ko muna ang aking higaan bago ako lumabas sa aking kuwarto. Isang linggo rin akong nagpahinga. Ngayon na nanumbalik na ang lakas ko ay handa ko nang isakatuparan ang layunin ko. Ang tugisin si Genivieve Sanarez at parusahan si Mama. Sa loob ng isang linggo kong pahinga rito sa likod ng kambal na talon ay si Bibo ang nangangalap ng balita at impormasyon para sa akin. Hindi ko itatanggi na may talento ang batang ito pagdating sa pag-iimbestiga. Dahil sa kanya nalaman kong nag-utos si Mama na halughugin pati ang kagubatan para mahanap ako. Nagkaroon din ng pagpupulong sa bayan na bibigyan ng pabuya ang kung sino mang makakapagturo kung nasaan ako. Pero kampante akong hindi nila matutunton ang kinalalagyan ng bahay ko. Isa pa, mahigpit kong ipinagbilin kay Bibo na huwag na huwag babanggitin ang pangalan ko kahit kanino. At ang malala pa ay pinatira ni Mama sa Hacienda si Genevieve upang protektahan ito sa laban sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, ay natuwa pa rin ako dahil ibinal
Dumiretso ako sa Bag End at pagkapasok ko ay pinili kong hayaan ang dilim ang muling umagapay sa akin. Hilam ang luha kong tahimik akong humiga sa kama ko at mahigpit kong niyakap ang sarili ko tulad ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Ang kaibahan lamang ay para akong walang buhay na nakahilata sa kama ko habang nakatitig sa labas at lumuluha. Ganito ba talaga ako kahina? Nakakapagod na. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag akong maapektuhan. Na sanay na ako. Subalit, sa bawat pagbanggit nila sa pangalan ni Ate Letty, pakiramdam ko daig ko pa ang kriminal na paulit-ulit na kinukundina. Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Hindi ko alam. Wala akong maalala. “Tiis ka lang, Talulla. Magtiis ka lang,” bulong ko sa sarili ko. Pero hanggang kailangan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magdurusa sa kasalanan hindi ko maalala? Kailan ba ako patatawarin ni Mama? Pagak akong natawa nang biglang bumuhos ang malakas na mala
Pagka-alis na pagka-alis nina ‘Ka Tino at Tammy ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng katawan. Subalit inabot na ako ng hapon ay wala pa rin akong mahanap. Umabot na ako sa masukal na parte ng gubat subalit wala pa rin akong makitang bakas o palatandaan na sa lugar na dito itinago ni Genevieve ang katawan. Napabuntong-hininga akong napaupo sa gilip ng sapa naghilamos ng mukha. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mga bakas o palatandaan subalit wala akong makita. Alam kong imposible na agaran kong mahanap ang katawan ng batang babaeng subalit hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Huminga ako ng malalim at inilibot ko ang paningin ko. Kasalukuyan akong nasa gitna ng gubat habang napapalibutan ng naglalakihang mga puno. Napailing na lang ako. Paano ko mahahanap ang katawan sa ganito kakapal at kakomplikadong lugar? Biglang gusto kong panghinaan ng loob. Pagod na pagod na ako. Mukhang kailangan kong bumalik bukas para ipagpatuloy ang paghahanap. Muli akong napabuntong-hininga at ini
“Huwag mong pilitin,” masuyo niyang pahayag habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Masaya ako na si Daiki ang nakahanap sa akin kahapon ng gabi. Ayokong may makakita sa akin sa ganung estado at kalagayan. Huminga ako ng malalim bago ko iniwasan ang tingin niya. “Kakayanin ko, Daiki. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong tatakas, hindi ba? Kailangan ko ring malaman ang totoo,” katuwiran ko sa kanya. Napatingin ako sa labas at hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Walang testigo o nakasaksi sa pangyayari ng araw na iyon at ang malala pa ay wala akong maalala kaya hindi nagkaroon ng usad ang kaso ni Ate Letty. At dahil doon, sa akin ibinunton lahat ni Mama ang lahat galit at poot niya. At sa araw din na iyon natapos ang relasyon namin bilang mag-ina. Tuluyan akong kinamuhian ni Mama at walang pagdadalawang-isip niya akong itinakwil. Sa subrang pagkamuhi sa akin ni Mama ay pinalayas niya ako hindi lang sa Hacienda kundi sa buong Isla. Wala akong naging kakampi ng
“Morning sleepyhead,” narinig kong malambing na bulong sa akin na ikinakunot-noo ko. Bakit naririnig ko ang boses ni Daiki. “Get up, sleepyhead. Oras na para magbreakfast.” “Daiki?” ungol ko. Inaatok pa ako. “Yes. Wa.ta.shi.da (It’s me)” bulong niya sa akin. “Ha?” Napadilat ako ng wala sa oras. Mabilis ko siyang hinahanap sa kwarto ko pero hindi ko siya makita. Saka ko naunawaan na nasa cellphone pala nanggagaling ang boses niya nang marinig ko ang tawa niya. Inaantok kong nasapo ang noo ko. Humihikab kong pinulot ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakaligtaan kong patayin kaninang gabi. “Ohayo, Daiki-kun,” inaantok kong bati sa kanya bago ako bumangon at tinungo ako kusina. “Magandang umaga, hija,” bati sa akin ni Tiya Pepa. “Maghilamos kana para makakain kana.” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Natulog ka ba?” baling ko kay Daiki na nasa kabilang linya. “Matutulog pa lang.” “Okay. Oyasumi, Daiki-kun,” paalam ko sa kanya. “Hai,” bulong niya. Bago pa humaba ang usapan namin ay