Share

Kabanata 33

Dumating ang sasakyan ni Nigel sa harapan ni Sabrina, “Sabrina, sakay ka na. Pabalik na ako, hatid na kita.”

Tiningnan ni Sabrina ang marumi niyang sarili, umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Hintayin ko nalang ang bus.”

“Gabing gabi na. Wala nang dadaan na bus dito, kung meron man, baka nasa ibang lugar na ‘yon. Hindi kita iiwanan dito maliban kung tatawag ka ng taxi.”

Tatawag ng taxi?

Wala nang pera si Sabrina.

“Sumakay ka na.” binuksan ni Nigel ang pintuan para kay Sabrina, sumakay na si Sabrina nang walang pag-aalinlangan.

“Saan kita ihahatid?” tanong ni Nigel.

“Sa Harmony Hospital.” Matipid na sumagot si Sabrina at hindi na nagsalita matapos ‘yon.

Tiningnan ni Nigel si Sabrina nang ilang beses sa buong paglalakbay nila. Tahimik siyang nakatingin sa bintana at hindi nagsisimulang makipag-usap kay Nigel hanggang sa pagbaba niya ng kotse.

Gayunpaman, hindi nag-aalala si Nigel.

Kapag lalo siya hinahamon sa isang bagay, mas lalo niya itong gusto at umaasa sa mga gusto niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Asas Diloy Pantalla
Napakalim nman ng tagalog ng story na to
goodnovel comment avatar
La-arnie G. Tanoy
very excited
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status