Good evening!
"I.. I saw you--no." bigla itong napapikit ng mariin. "I-I mean.." natigilan ito at napailing iling ang kaniyang ulo. Nakita kong gumalaw ang lalamunan niya at napasuklay sa kaniyang buhok. Parang naguguluhan siya kung itutuloy paba niya ang nais niyang sabihin o hindi na. "Fck!" tumingin ito ulit sa dagat at pagkatapos naman ay sa kaliwa ito bumaling. At dahil hindi ko makita ang kaniyang mukha at tanging likod ng ulo nya lang ang nakikita ko, alam kong may tinatago siya sa akin. Ramdan kong may gusto siyang sabihin pero hindi nya lang matuloy. Base sa balikat niyang tumataas baba, mukha rin siyang nagpipigil sa kaniyang sarili. "Garrett.. a-ayos ka lang ba?" inilapat ko ang isang palad ko sa kaniyang likod. Nakita kong gumalaw ang ulo niya. Tumango lang ito bilang sagot. Pabaling baling ito sa dagat at sa ibang direksyon habang walang tigil na sinusuklay ang sariling buhok ng mga daliri nito. Iniiwas niya ang mukha niya sa akin. Paano ko malalaman kung ano nararamdaman niya? A
Ito na ang huling araw namin dito sa Beach ni Mafuyu at kasalukuyan na kaming nag-aasikaso ng aming mga gamit pauwi.Dalawang araw na rin akong matamlay at walang ganang makipag bonding sa ibang mga kasama dahil mula nang magkausap kami ni Garrett ay madalang na rin niya akong lapitan at kausapin.Kung hindi kami magkakasalubong at kung wala siyang itatanong sa akin ay hindi pa niya ako kikibuin. Kinakusap nga niya ako pero hindi na iyong matagal. Hindi katulad ng dati na lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing nakikita kami at hindi pa mawala wala sa kaniya ang mga ngiti sa labi.Ngayon, ramdam ko na pinipilit n'ya lang ang sariling makipag usap sa akin para hindi ipahalata ang sakit na nararamdaman.Gusto ko man siyang kausapin para linawin sa kaniya na kahit ano pang nangyari sa pagitan namin ay hindi parin kami magbabago sa isa't isa. Na magkaibigan parin kami katulad ng dati. Yung walang magbabago kahit na binasted ko pa sya.Gusto kong sabihin sa kaniya na malinaw ang lahat sa amin a
Narito parin sa aking dibdib ang takot at kilabot sa mga sinabi sa akin ni Sir Justine kahapon. Matapos niyang sabihin sa akin ang pagbibigay niya ng pera sa nanay ko, sa pamilya ko ay sasabihin niya sa akin na iwasan ko si Garrett. Hindi rin malinaw sa akin kung paano niya nalaman ang tungkol sa pinagdadaanan ko, ang pangangailangan ko ng malakinh halaga ng pera.Paano niya nalaman? wala naman akong pinagsasabihan o napagki-kwentuhan tungkol sa problema ko. Saka sasabihin ko pa nga lang sa kaniya ang tungko doon dahil nais kong humingi s kaniya ng pabor. Ang kaso ay may pagka detective pala itong si Sir at nalaman niya kaagd ang problema ko.At ang ipinatataka ko pa. Paano? at bakit niya iyon nagawa?Ang gusto ko lang sana ay kausapin siya pagkabalik namin galing sa Resort. Na kailangan kong mag-advance ng sahod sa kaniya para doon. At ipapabawas ko na lamang iyon sa kaniya sa tuwing sasahod ako.Bakit naman niya ako naunahan? pinapangunahan niya lagi ako at agad agad siyang nagdidisi
Naguguluhan ako sa kaniya, sa ikinikilos niya lalo na ang tono ng boses niya na nag iba hindi katulad kanina. Ang lambot na niyon pakinggan.Nang humilig ang ulo niya sa aking dibdib at ipulupot ang mga kamay nito sa aking baywang upang doon yumakap ay naalarma na ako. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako."Why is your heart beating so fast?"Nanlalaking mga mata akong nagulantang. Hindi ko inaasahan na mararamdaman niya iyon. O baka narinig niya kasi naroon ang ulo niya sa dibdib ko at nakatapat ang tenga niya roon."Ah-ha?" gulat kong tanong.Hindi ko makita ang aming kalagayan dahil napatanga na lamang ako sa nangyayari sa amin lalo na ang mga pinagsasabi niya."Sabi ko.. yung puso mo naririnig ko. Subrang lakas ng tibok." sabi pa nito."Ka-Kasi..""Anyway, it doesn't matter anymore. I just want to relax and rest here next to you.""H-Ha?""Can you.. hug me then so tight and comb my hair with your fingers?"Request ba yun?Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko at kung
"Hindi ba sabi ko sayo kahapon samahan mo ako?" tanong ni Justine kaya napasulyap ako sa kaniya.Nag-offer siya na ihatid ako sa apartment nang sumapit ang hapon. Kakabalik nya lang din galing sa pakikipagkita niya sa kaniyang Ama pero heto at nagpresinta pang ihatid ako. tumanggi naman ako sa kaniya pero sa patakaran nga niya ay sya ang masusunod sa gusto niyang gawin."Oo." aniko sa kaniya.Bigla ko ring naalala. Bago n'ya pala pinababa si Trisha sa kotse kahapon ay may sinabi siya sa akin. Ang sabi nya samahan ko raw siya. Hindi ko naman alam kung saan pero hindi naman natuloy kasi nga dahil doon sa sinabi niya ay nawala rin sa isip ko. Gulat at pagkabigla ang naramdaman ko at matapos niyang sabihin iyon ay walang imik akong natahimik hanggang sa maihatid niya ako.Hindi rin niya naalala iyon kahapon, siguro dahil bigla akong natahimik."I didn't even remind you because my Sister also texted me for dinner ng Family." sabi nito.Tumango lamang ako sa kaniya. "Okay lang.""And also I
"Were here."Bumalik ako sa reyalidad at naisantabi ang inaalalang kaganapan na nangyari kanina sa kaniyang opisina. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa restaurant nito. nakapapark narin ito ng kaniyang sasakyan at saka niya ako pinagbuksan ng pinto para bumaba.Nauna itong mglakd at nakasunod lang din ako sa kaniya hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa resto.Wala na kaming imikan pa dahil kapag nasa harap kami ng ibang tao ay pormal ang pakikitungo ko sa kaniya at mging sa pananalita ay naroon ang ang pagtawag ko ng Sir, Po at Opo. Pero kapag kami nalang dalawa ay nawawala na iyon dahil lagi niya akong napapansin at sinisita.Narito na nga kami sa loob ng resto. Dumiretso siya sa kaniyang opisina roon at kinausap ang mga matataas na posisyon kagaya ng head of chief, kasama na roon si Maam Mea."Ziya!"Agad akong napalingon sa tumawag. Si Stephanie pala. Nagmamadali itong lumapit sa akin at kita ko sa kaniyang mukha ang pagkainis nito.Alam ko na kung bakit. Mukha
Lumipas ang isang linggo, naging maayos ang takbo ng pagtatrabaho ko sa kompanya ni Justine. Kagaya ng patakaran n'ya ay lagi siyang nasusunod sa anumang nais niya. Kapag tumututol ako ay alam ko na ang kinalalabasan niyon. magsusungit.Sa harap naman ng mga ibang tao ay turing namin sa isa't isa ay mukha talaga kaming mga normal na magkatrabaho. At kapag kami lang dalawa lalo sa sa loob ng kaniyang opisina ay nagiging malambot ito sa akin na animo'y maamong tupa. Palagi siyang nagpapalambing sa akin na akin namang ikinakagulat.Nalilito na nga ako sa ginagawa niya dahil wala naman dahilan ang mga iyon kung bakit nagiging ganito siya kaclose sa akin. Malambing siya lalo na kapag gusto niya magpahinga. Kagaya ng dati, pauupuin niya ako sa kandungan niya, yayakap sa akin at magpapasuklay ng kaniyang buhok.Ginagawa niya iyon araw araw sa tuwing magpapahinga siya at kapag wala na siyang ginagawa. Minsan naman kapag tinatamad siya sa trabaho ay kulang nalang maghapon siyang nakayakap sa ak
"So, paghihintayin mo ako?"Hindi ko alam kung ang tono ng pananalita niya ay natural lang o naiinis. Pero isa lang alam ko, pilit niyang pinapahaba ang pasensya niya."Hay.." napahawak na lang ako sa aking sintido.Ang hirap n'ya talagang ispelingin. Ganito kasi kami palagi. Nakasanayan na namin ang ganito. Sabay kumain.Pero ngayon lang ako nag demand sa kaniya dahil nga hindi naman tama na magmadali ako sa breaktime ko. Kahit naman siguro saan eh ganoon ang kalakaran sa mga empleyado. Kapag oras ng break ay dapat oras."Ano, talaga bang paghihintayin mo pa ako rito? at ako pa talaga maghihintah, huh?" sabi pa nito. Muli na naman nainis ang tono ng boses niya."Kumain kana nga kasi kung nagugutom ka." mahinahon kong sabi at hindi na siya nilingon pa at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa."At talaga ngang maghihintay ako?"Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na ang nakita kong nakatukod sa ibabaw ng aking mesa."Ikaw ang bahala." walang lingon ko itong sinagot. Bahala siya kung main