"Huwag kang magkamaling idapo sa makinis kong bakat iyang marumi mong kamay!" Pinandilatan pa ni Jenny ng mga mata si Jules.Hindi makapaniwalang napatingin si Jules sa kaniyang kamay na natigil sa ere. Siya? Sinabihan na marumi ang kamay? "Hoy babae, ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa asawa ko!" Galit na duro ni Laila kay Jenny.Inis na hinampas ni Jenny ang kamay ng babae gamit ang dala ang pouche ngunit nakailang ito. Ang pinakaayaw niya ay nanduduro. Pagsitaana na siya nang hindi maganda, huwag lang talaga duruin qt nalabas ang sungay niya. "Huwag mo akong maduro ha kung ayaw mong maputol iyang daliri mo!" Takot na sumiksik si Laila sa tabi ng asawa. "Honey, nakita mo iyon? Ang bayolente niya kaya hindi dapat mapabilang sa pamilya niyo!"Umikot ang mga mata ni Jenny at animo'y nasaktan niya kung umakto ang babae. Pagtingin niya kay Tanya ay mukhang natuwa pa ito sa ginawa niya sa pinsan nito. Napangisi siya, mukhang nagpaplastikan lang ang dalawa para lang mapagtulungan
Ngumiti si Jenny kina Laila at Tanya bago nilampasan ang mga ito. Alam niya lalong masama ang tingin ng mga ito sa kaniya ngayon. Gusto niyang inisin ang mga ito kaya siya naroon."Ang kapal talaga ng mukha, ibang lalaki na naman ang nilandi upang makapasok dito at magyabang sa atin!" Nangigigil na turan ni Laila."Huwag ka nang paapikto at kahit nakapasok siya dito ay wala naman siyang pera." Pang aalo ni Jules sa asawa."Mas nakabubuti na rin na may iba siyang lalaking nahanap. Ngayon pa lang ang makikita na ni Rafael na malandi ang babaeng iyan!" ani Tanya. Nakangiting sumang ayon si Laila sa pinsan. Pero nanghihinayang siya sa lalaking nalandi ni Jenny. Ang guwapo kasi nito at ang yaman pa. Muling tinapunan ni Jenny ng tingin ang kinaroonan nila ni Tanya. Nas kabilang raw kasi ang mga ito. Napangisi siya nang mabasa sa mga mata ni Laila ang inggit dahil iniisip nitong ang dali niyang nakuha ang loob ng lalaking katabi niya.Natahimik ang lahat nang magsimula na ang bidding sa mg
"The bidding will start with one million." Anunsyo ng host."What? Ganoon siya kamahal?" hindi makapaniwalang naibulalas ni Laila. "Balita ko ay donation iyan ng mag-asawang bilyonaryo. Hindi na nakapagtaka kung hindi sila nanghinayang na e donate iyan para sa mahihirap." Humahangang ani ng isa sa mga naroon. Nakagat ni Tanya ang ibabang labi at napaisip. Sobrang mahal pero worth it ang ilalabas niyang pera kapag nakuha niya iyon."Tanya, ikaw na ang kumuha at sayang." Sulsol ni Laila sa pinsan.Ngumiti si Tanya sa pinsan at balak nang itaas ang hawak na numero ngunit may nauna sa kaniya.1.1 million pesos."Namilog ang mga mata ni Laila pagkarinig sa sinabi ni Jenny. Ang tinging ipinukol niya dito ay mukhang may sapi ito."Alam mo ba ang ginagawa mo?" nang iinsultong tanong ni Jules kay Jenny."Oo naman. Ei, ikaw? May problema ka ba sa akin?" tanong rin ni Jenny.Naikuyom ni Jules ang kanang kamao at hindi na sinagot ang dalaga dahil maging masama ang tingin ng iba sa kaniya.1.2
Galit na sinundan nila Laila ang babae upang sitahin ito. Hindi sila makapapayag na natalo sila dahil sa perang ginamit nito na pag aari ng iba.Pagkalabas ni Jenny ay mabilis siyang bumalik sa venue kung saan may isa pang event para naman sa pagrampa ng mga modelo. Agad siyang nakita ni Rafael at nag aalala itong lumapit sa kaniya."Where have you been? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong ni Rafael pagkalapit sa dalaga."Nakatuwaan kong pumasok sa isang bidding kanina." Nakangiting pagbibida niya sa binata."May napili ka ba?"Nakangiti pa ring tumango siya sa binata at ikinawit ang kamay sa braso ng binata."Oh, look who's here!" Umikot ang mga mata ni Jenny nang makilala ang nagsalita na mukhang gulat pa nang makita siya."Mabuti naman at hindi ka natatapilok sa suot mong sandal?" nang aasar na turan muli ni Jinky."At nagmukhang tao rin ang lalaking napulot niya lang sa kung saan!" segunda ring puna ni Kera habang sinusuri ang tinig ni Rafael."Ang saya naman nang gab
"Rafael, alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng iyan?" Dahan-dahang inilayo ni Rafael ang labi sa bibig ng dalaga pero nanatili ang kamay sa baywang nito bago nilingon ang pinsan. Napalabi si Jenny dahil nabitin sa halikan nila ni Rafael. Pagtingin niya sa bagong dating ay si Tanya agad ang nakita niya. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang galit dahil may inagaw siyang pag aari nito. Pero ningitian niya ito bago yumakap sa baywang ni Rafael upang lalo itong inggitin. Pagtingin niya kay Laila, bakas din sa mukha nito ang selos at galit sa kaniya. "Ano na naman ang problema mo, Jules?" naiiritang tanong ni Rafael."Bakit hindi mo tanungin iyang magaling mong babaeng iyan kung ano ang ginawa niya kanina sa bidding?" galit pa rin na ani Jules.Naintindihan na ni Rafael kung ano ang tinutukoy ng pinsan. Mukhang nalugi ito ng ilang milyon kaya galit na galit kay Jenny. "Pera mo ba ang ginamit niya para magalit ka nang ganiyan?"Malungkot na pinagmasdan ni Tanya ang binata at hind
Hindi lang gold digger, ang landi pa!" pasaring ni Laila kay Jenny."Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita, Laila. Hindi porke asawa ka ng pinsan ko ay hahayaan lang kitang alipustahin ang pagkatao ng nobya ko. Hindi mo siya kilala para husgahan nang ganiyan!" angil ni Rafael sa babae.Takot na kumapit si Laila sa braso ng asawa at nagpakampi rito.Proud na nag chin up si Jenny dahil ipinagtatangol siya ni Rafael at tinawag pang nobya."Rafael, totoo naman ang sinasabi ng asawa ko kaya hindi ka dapat magalit. Kung hindi mo alam, limang milyon ang winaldas ng babaeng iyan mula sa kaban mo!" Singhal a ani Jules at napipikon na. Tumalim ang tingin ni Rafael sa pinsan, kung hindi lang nakayakap sa kaniya si Jenny ay nasugor na niya ito at nasuntok sa nguso. "May patunay ka na pera ko nga ang ginastos niya?"Parehong napipilan ang mag-asawa sa naging tanong ni Rafael."Kung hindi sa iyo ay tiyak na galing sa kaniya!" Iniharap ni Tanya ang screen ng cellphone kay Rafael. Lihim siyang napan
"Ano ang ibig mong sabihin?" galit na tanong ni Kerk kau Jules pero ang matalim na tingin ay nanatili kina Rafael.Dahan-dahang nagtago di Jenny sa likuran ni Rafael at natakot siya sa matanda. Parang gusto kasi siya nitong bastunin."Lolo, sumali sa bidding kanina ang babaeng iyan gamit ang pera ni Rafael." Patuloy na sumbong ni Jules sa matanda. "Lolo, huwag po kayong maniwala at walang katotohanan ang pinagsasabi niya." Sinamaan ni Rafael ng tingi ang pinsan."Rafael, huwag mo nang ipagtangol ang babaeng iyan dahil inaabuso na ang kabaitan mo. Una ay ibinila mo na nang mamahaling relo ang parents niya. Hindi na siya nakuntinto at ngayon naman ay ang couple necklace ang kinuha niya na worth of five million!" Dinuro pa ni Laila si Jenny na nasa likuran ng binata.Naningkit ang mga mata ni Kerk at hindi na natutuwa sa nangyayari sa buhay ng isa pang apo."Laila, kanina pa kita binabalaan. Huwag mo akong sisihin kapag napahiya ka nang husto dahil sa mga pinagsasabi mo." Galit na rin
"Ipakilala ko pa lang po siya sa inyo ngayong gabi, lolo." Pormal na sagot ni Rafael sa abuelo."Malaking gulo itong pinasok mo, Rafael. Bakit nagsama ka pa ng basura kung karelasyon mo pala ang anak ng isang kilalang pamilya?" tonong concern pero nang iinsulto ang tingin ni Jules kay Rafael.Nangunot ang noo ni Stella at hinahanap ang basura na sinasabi ng isang apo ni Kerk. Sinamaan ni Rafael ng tingin ang pinsan at pinapahiya lang nito ang sarili. "Bakit, huwag mo sabihing mas pipiliin mo ang gold digger na iyan?" Hindi nagpapapigil na turan muli ni Jules at tinuro ang babaeng nasa likuran ni Rafael.Hindi na nakapagpigil si Rafael at sinugod ang pinsan. Binigyan niya ito ng isang suntok sa panga upang tumigil na sa pagsasalita.Tigagal ang lahat dahil sa ginawa ni Rafael. Maging si Jenny ay nagulat pero hindi siya naawa kay Jules nang makitang dumugo ang labi nito. Mabuti na lang ay walang ibang tao sa hallway na iyon kaya walang masamang balitang lalabas. "Rafael, ano ang gina