Share

Kabanata 41

Penelope's POV

Inayos ko ang pagkakabuhat kay Travis at napalunok. "What are you doing here?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang ipinunta niya.

Ala una na ng hapon at pagkatapos namin kumain kanina ay umalis din si Patrick. Hindi naman sa nakalimutan ko 'yong sinabi niya kagabi pero ayoko lang maniwala agad.

"Mama." Naglumikot si Travis na gustong bumaba kaya marahan ko siyang binaba. Naglakad naman siya papunta sa pwesto ni Gavin at hinawakan 'yong box na dala niya.

May sinabi pa na kung ano ano si Travis na hindi ko naman maintindihan pero alam ko ang pinapahiwatig niya gusto niyang makita 'yong dala ni Gavin.

"Hi, Travis! I have something for you," he said in a sweet voice. Sabay haplos niya sa ulo nito. Ngumiti si Travis at hinila siya.

Sumama naman si Gavin at naupo sila sa couch. Napanganga na lang ako dahil sabi ni Patrick sa akin mapili daw si Travis sa mga papansining tao. Napansin ko rin 'yon dahil kahit sa mga maids namin ayaw sumama ni Travis, tititigan niya lan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status