Share

Chapter 22

Eliezah

SUNDAY ng umaga ay nagpunta ako sa bahay namin. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako. Tulog pa si Mr. Willis nang umalis ako at hindi ko nalang siya ginising kasi alam kung pagod siya kagabi. Niyaya kasi siya ng ibang kasamahan na sumama sa maliit na party sa ibaba kasi celebration daw dahil isa na siyang ganap na agent. Hindi na ako sumama sa kanya nang yayain niya ako kasi pagod rin naman ako sa byahe namin kinaumagahan ng araw na iyon.

Pagkarating ko sa gate ng bahay namin ay bahagyang nakabukas iyon. Nasa loob na marahil si Manong Jorgie. Nasabi ko kasi sa kanya na ipapalinis ko ang buong bahay at nag-boluntaryo siyang siya na ang maglilinis, maghahanap nalang rin daw siya ng makakatulong niya. Naisip ko kasing dito na ulit ako titira. Tanggap ko na ang nangyari and all I can do is to take care of those memories. Iyon nalang ang meron ako.

Pinapasok ko ang motor ko at naabutan ko si Manong Jorgie na nagwawalis sa mga tuyong dahon sa medyo may kataasan ng mga damo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status