Share

Chapter 5

Eliezah

NAGISING AKO sa kalampag ng kung ano sa ibaba. Dali dali kung kinuha ang baril ko at nagmamadaling bumaba at tinungo ang kusina kung saan nagsimula ang kalampag. It's just five thirty in the morning. Hoh! Nakahanda na yong baril ko kalabit na lang ang kulang pero ng makita ko ang dahilan ng pagkalampag ay gusto ko siyang tuluyan.

Nang mapalingon siya sa'kin ay nanlaki ang mga mata niya. Namutla pa siya.

" H-hey!...G-good m-morning... W-why?... Is there something wrong?" kanda-utal niyang tanong sa'kin habang pasulyap sulyap sa baril na nasa kamay ko.

I heaved a sigh. Umiling ako at naglakad papunta sa ref. Uminom ako ng tubig dahil nagiinit yong ulo ko sa kanya.

"Bakit ang aga mong nagising? Alas-singko pa ah?" cool kong sabi at tiningnan siya na isinasalang ang frying pan sa stove.

"Ah yeah. Maaga kasi akong nagising." sagot niya na bakas parin ang nginig sa boses.

"Hmmm...okay. Akyat muna ako." sabi ko at bumalik sa kwarto ko. Di ko na hinintay ang sagot niya. Napahinga ako ng malalim. Dahil di na ako makatulog ay naligo nalang ako at nagbihis. Nagsuot ako ng jogger pants at isang racer back sando.

Nakita ko siya na nasa kusina parin at nagluluto. Naamoy ko rin ang mabangong aroma ng niluluto niya.

"Hey! Mr. Willis. Jogging muna ako." paalam ko at umalis na ako. "Okay" rinig kong sagot niya.

Sinuot ko yung bluetooth ear puds ko at kinokta sa phone ko. Nakikinig ako ng music habang nagjo-jogging palibot sa isla.

Nang medyo malapit na ako sa falls ng tumigil ako. I inhaled the morning breeze and start jogging again. Tumigil ako saglit at tiningnan ang bukang liwayway na ngayon ay sumungaw na ang haring araw. I took my phone and take a picture of the majestic sunrise. I smiled when I saw the picture. I realized that no matter what is the waves of life gave you, you should get up and be strong because after the night there's another day coming. Dahil ang buhay ay pa-abante hindi paatras. Kung ano man ang meron sa nakaraan ay mananatili iyong nasa nakaraan at kahit ano pang gawin mo ay hindi mo na maibabalik ang panahon na lumipas. Maaring ang oras ay ganun parin pero hindi ang pangyayari. Maybe, it's time to move on. Maybe, it's time to find my happiness. Maybe, it's time to get up and face the new day of my life. Maybe, its time to let go of my heartaches. Maybe, it's time to forgive. I smiled sadly. Bakit kaya ganun? Bakit sa dami ng tao sa mundo bakit ang magulang ko pa ang napiling gawan ng karumal-dumal na pangyayari? Bakit hindi nalang yong mga masasamang tao? Yong mga halang ang kaluluwa?

A single tear fell. Is this what you want Mama,Papa?

Umihip ang pang-umagang hangin. Maybe that was the sign. I heaved a sigh and made my decision. From now on I will let go all of my heartaches. I will surrender it to the waves and let them buried it to the depth of the ocean.

I smiled feeling better. 'Goodbye' bulong ko sa isip ko.

I started walking again. Naglalakad nalang ako pauwi sa mansion. Nang makarating ako sa ibabang bahagi ay nanatili muna ako sa cottage. I stayed for a while para patuyuin ang pawis ko bago ko hinubad ang jogger pants ko leaving my maong short. Naglakad ako papunta sa dagat at nong nasa baywang na yong tubig ay nagsimula akong lumangoy papunta sa malalim na bahagi. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang naisipan kong mag-floating. Pinikit ko yong mata ko at dinamdam ang malamig na tubig sa aking katawan. It feels so refreshing. Parang nawala ang napakabigat na pasanin ko sa buhay. Ang gaan ng pakiramdam ko. Siguro kung noon ko pa to ginawa ay masaya siguro ako ngayon kahit papano. Nilunod ko yong sarili ko sa pag-iisip hanggang may bigla nalang sumapo sa bewang ko.

Dahil na out of guard ako ay nawalan ako ng balanse pero dahil hawak niya ako ay napabalik ako sa itaas kaya napahawak ako sa balikat niya.

"What the hell Elie!!"

****

"WHAT THE HELL ELIE!!" sigaw ni Mr. Willis sa'kin. 

Nangunot ang noo ko sa inasal niya. Ano na naman ang problema niya? 

"What's wrong Mr. Willis?" sabi ko at bahagyang lumayo sa kanya kasi hindi niya parin ako binitawan.

"What wrong!? Seriously Elie? You look like a lifeless body floating in the water!" inis niyang sabi at umiigting yong panga niya. Ganun? Eh ano naman sa kanya? Tss!

" Naliligo lang ako at nag-iisip..." mahinahon kong sabi at nagsimula ng lumangoy. Bago pa ako makalayo sa kanya ay hinila niya ang paa ko kaya napabalik ako sa kanya. At sa kasamaang palad ay dumapo ang labi ko sa pisngi niya sa lakas ng impact. Napayakap pa ako sa kanya at siya naman nakayapos sa bewang ko. 

WTF men!!

Ilang beses akong napakurap bago nag sink in sa utak ko na nasa ganun parin kaming posisyon dahil tanaw na tanaw ko ang pisngi niya at ang tenga niya na... namumula? Tinulak ko siya kaya napabitaw siya sakin. 

"I'm sorry..." mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin. Sa pag-iwas ko ng tingin ay nahagip ng paningin ko ang tenga niya at tama nga ako. Namumula nga! OMG! Ba't siya namumula?

"Una na ako..." sabi ko at iniwan siya. Mabilis akong lumangoy hanggang sa makarating ako sa pampang. Kinuha ko yong jogger pants ko at nagmamadaling umakyat sa hagdan papunta sa mansion. Pagkarating ko ay umakyat agad ako sa kwarto ko. 

What happened to me? Why am I nervous? 

Pumasok ako sa banyo para magbanlaw baka napasukan lang ng tubig ang utak ko. Nagbabad ako sa shower hanggang sa nagsawa ako. 

Binalot ko yong katawan ko sa bathrobe at pumasok sa walk in closet ko. I pick a dolphin short and a lose shirt then I step out of my room. Di na ako nag-abalang suklayin pa yong buhok ko basta ko nalang tinali. 

Nasa pinto na ako sa kusina ng may magsalita sa likod ko. " Let's eat." Bahagya akong napatalon dahil sa gulat.

"What the... hobby mo bang mang-gulat!? " singhal ko sa kanya at dumiretso sa hapag. Menudo, adobong manok, at sinigang na hipon at kanin ang nakahain sa hapag. Nanubig naman agad ang bagang ko. Ngayon ko lang natanto na gutom na pala ako.

"Magaling ka palang magluto?" tanong ko at sumubo ng kanin. Ngumiti siya sa'kin.

"Oo. Tinuturuan ako ni mommy noon" malamig niyang tugon. I shrugged my shoulders and continue eating.

"You? Asan parents mo?" tanong niya habang nakayuko. " Pansin ko kasing wala kang binabanggit na magulang mo." dagdag niya.

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Am I ready for this? Am I ready to tell anyone about my parents?

"Nevermind my question." mayat niyang sabi at nagsimula ulit kumain.

Tumigil ako sa pagkain at yumuko.

"They are dead... Eight years ago..." mahina kong sabi. "Inambush sila ng mga di kilalang sindikato..." 

I lift up my head and I saw him looking at me with full of sympathy. I sighed at umiwas ng tingin. 

"Let's continue eating." sabi ko pambasag ng katahimikan dahil unti unti ng nagiinit yong mata ko.

Tumango siya at kumain kami ulit pero wala na akong gana. Parang bigla nalang bumigat yong pakiramdam ko.  Kinagat ko yong ibabang labi ko para di tutulo yong luha ko. Pero kahit anong pigil ko ay tumulo parin ang lintik kong luha. Agad kong pinahid ang luha ko. Shit! 

Oh damn this tears! They continued falling like my eyes are waterfalls. Damn!

Tatayo na sana ako pero bago pa ako makatayo ay nag-angat ng tingin si Mr. Willis sa'kin and he seemed shock. Maybe he sees me as a tough woman that's why he's shock that I'm crying.

"A-alis muna a-ako..." utal kong sabi at tumakbo palabas. Di ko na alintanang tinatawag niya ako. Takbo lang ako ng takbo habang pahid ako ng pahid sa mga luha ko. What's wrong with me? I thought okay na ako? I thought kaya ko ng bigkasin sina Mama at Papa ng di na umiiyak? Move on Elie! Move on! Shit! My tears keep falling and I really hate it! Kailan ba to mauubos?

Dahil takbo lang ako ng takbo di ko na malayan na nakarating na pala ako sa falls. Mas lalo akong napahagulhol. Umupo ako sa malaking bato at niyakap ko yung tuhod ko hanggang at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kong ilang oras o minuto akong ganun basta naramdaman ko nalang na may tumabi sa'kin at niyakap ako ng bahagya. At dahil dalawa lang naman kami ni Mr. Willis dito sa isla ay alam kong siya ito. He tapped my back as if he's telling me that everything's would be okay. Kinalma ko yong sarili ko dahil hindi ito tama. We're not close and I shouldn't let him see me on my vulnerable state. 

Lumayo ako sa kanya at umusog ng kaunti. He looked at me pitifully. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa talon.

"I'm sorry... I didn't mean to cry in front of you" I said without looking at him.

His look remained on me. He didn't even say a word or something. He just sat beside me at looking at me directly. Ramdam ko yong titig niya sa'kin at naiilang na ako.

Bumaling ako sa kanya. "What?" 

"Hindi naman masamang umiyak sa harap ng ibang tao. Minsan kailangan mo ng masasandalan habang inilalabas ang hinanakit mo." sabi niya at tumingin sa tubig ng batis na napakalinis.

"I don't need it. I can manage." sabi ko at bumuntong hininga. 

"I'm here now. I know we are not enough to be called as friends but I can assure you that you can count on me" seryoso niyang sabi at tumingin sa'kin.

Di ako sumagot sa halip ay tumayo ako. "Let's go back?" 

Tumayo rin siya at nagpagpag ng short niya. "Okay"

PAGKARATING namin sa ibaba ng mansion ay pumunta ako sa library at kumuha ng libro.

"Where are you going?" tanong ni Mr. Willis habang nililigpit niya yong pinag-kainan namin kanina nang mapadaan ako sa kusina para kumuha ng pineapple juice. Di pala siya nakapagtapos ng breakfast.

"Sa baba. Sa may cottage magbabasa lang ako." sagot ko at kumuha ng dalawang pineapple juice in can. 

Tumango siya at nagpatuloy sa ginagawa niya.  "By the way, do you know how to use a gun?" tanong ko at humarap sa kanya.

"No." tipid niyang sagot. I twisted my lips and nod.

"Then I will teach you later...Maybe tommorow" sabi ko at lumabas ng kusina.

Sumapit ang alas tres ng hapon at bumalik na ako sa mansion. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala at tinitingnan ang family album namin. 

"Bawal yan..." sabi ko at kinuha ang album mula sa kanya. Mahirap na baka makita niya pa ang di dapat makita.

"Why? Ang payat mo pala talaga ano?" komento niya pero nahimigan ko ang panunuya roon. Okay tanggap ko namang payat talaga ako....noon. Bakit ano ba inexpect niya? Na mataba ako? 

Haler??? Sarap niyang barilin sa noo!

"Bakit? May problema ka?" inis kong sabi at padarag na ibinalik ang album sa ilalim ng center table.

"Hindi naman..." 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh eh ganun naman pala." 

I heard him sigh and then he walked away. Ganun? Anyare doon? 

"Hoy saan ka pupunta!?'' pasigaw kong tanong sa kanya. 

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang. I creased my forehead at naglakad ako papunta sa likorang bahagi ng mansion kung saan may underground doon. Sa firing room. Binuksan ko ang pinto at tiningnan kong may mga dumi ba pero nong masiguro kong wala naman ay kumuha ako ng headphone at kinonekta sa phone ko. Kumuha ako ng forty-five calibre and positioned myself. Isinuot ko rin ang transparent Ray-Ban. Itinutok ko ang baril sa board and I started firing. Nalibang ako sa pagbaril to the point na naubos ko yong isa at kalahating magazine ng bala. At lahat ng target ko ay bulls eye.  

Tumigil ako saglit at pinalitan ko yung baril ko. Tinanggal ko yung headphone ko at pinunasan yung baril. 

Napalingon ako ng may pumalakpak ng tatlong beses sa likod ko.

"Amazing" 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano ka nakarating dito?"

"Sinundan kita. I never thought this mansion has firing room" 

"I made it. After my parents got ambushed...I asked my uncle to make me a firing room because I want to learn on how to use guns."

Lumingon ako sa kanya nong di siya nagsalita at naabutan ko siyang nakatitig sa'kin. "Wag mo kong tingnan ng ganyan...I can manage myself"

Itinutok ko yung baril ko sa board at inasinta yung target. Napangiti ako ng bulls eye ulit. Kinalabit ko pa ulit yung gatilyo at ganun parin. 

"Ang galing!" sigaw niya at lumapit sa akin. "Paturo naman!" sabi niya at kinuha yung baril na hawak ko.

"Pano ba to gamitin?" tanong niya at itinutok yung baril sa board pero mali naman yung pagkakahawak niya. I rolled my eyes. 

Lumapit ako sa kanya at pumwesto sa likod niya at dahil magkasing-tangkad lang kami ay di ako nahirapan.

"Wear this first." sabi ko at isinuot sa kanya yung Ray-Ban at yung headphone. Tapos ay hinawakan ko yung kamay niya na nakatutok sa maling direksyon. Ramdam kong nanigas siya kaya niluwagan ko yung hawak ko sa kanya. Baka lang kasi mahigpit masyado yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Unang gawin mo ay mag-focus ka sa target mo." sabi ko at dahan dahang giniya yung hintuturo niya sa gatilyo at kinalabit ito. "Tapos ay huwag mong hayaan na manginig yung kamay mo dahil maaring sa iba tatama ang bala mo at may posibilidad na may madamay." sabi ko at binitawan ang kamay niya. 

"You okay?" tanong ko dahil nakatutok parin yung kamay niya na may hawak na baril. Parang ewan lang.

Bigla niyang binaba yung kamay niya at humarap sa'kin. Namumula siya at may butil ng pawis yung noo niya. Anyare sa kanya? 

"Are you okay? Is there something wrong?"

Umiling siya. "No-nothing" 

Tinaasan ko siya ng kilay tapos ay kinuha yung baril at ibinalik sa lalagyan. 

"Let's go..." sabi ko at naglakad palapit sa pinto. Sumulyap siya sa'kin at dahan dahang naglakad pero tumigil rin at sumulyap ulit sa loob ng buong kwarto. Kumunot yung noo ko. Parang minememorya niya yung loob ng kwarto. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin at ngumiti ng hilaw.

"Tara na..." sabi niya at naunang lumabas. I think I must change my password later. I locked the door and I followed him. I watched him in every angle and by his actions I think he keep something from us. Nasa ganun akong akong pag-iisip ng tumunog yung phone ko.

Si tito.

"Hello tito..." sagot ko at tumigil sa paglalakad. Tumingin ako kay Mr. Willis ng tumigil rin siya sa paglalakad.

"Eli...we already track down their database and they were looking for Mr. Willis." sabi niya. "And we found something... something related to the death of your parents..." 

Natigilan ako roon. They are the one who's behind of my parents death. "Tito... let's talk over video call"

"Okay okay"

Naglakad ako at hindi pinansin si Mr. Willis. Dumiretso ako agad sa monitoring room. I opened my computer and I called tito. 

"Eli...agent 15 manage to get in the database of  that underground society.." sabi ni tito na nakaupo sa swivel chair niya.

"And how is it tito?" tanong ko. Umupo rin si Mr. Willis sa tabi ko at napatingin ako sa kanya. 

"Sir, ahm... as what you've said, maybe it was just a trick. Their database was very tight in terms of security. I've been there too. I worked for them for almost three years and I can say that it's very strict. I feel not good about that." seryoso niyang sabi. Ngayon ko lang ata siya nakita na ganito ka seryoso. Ang layo sa lagi niyang hitsura.

"You're right Mr. Willis. Don't worry agent 15 is expert about it. We are still investigating about it but one thing for sure is that they we're the one who is behind your parents death, Elie."  I made a face. I greeted my teeth and nod at him.  So, sila pala talaga ang pumatay sa mga magulang ko. They are so cruel to the point that they killed an innocent people.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status