Share

Special Chapter 1

"Trenuver, may dalaw ka."

Mabilis akong napatindig mula sa aking maliit na higaan nang marinig ang marahas na tono ng pulis.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay na buksan ang selda. 

Ngunit ganoon na lamang ang pagkadismayang naramdaman ko nang hindi ang taong inaasahan ang bumungad sa akin. 

Tumayo ang kapatid kong si Senyel. Nahagip ng paningin ko ang plastic na tiyak kong bitbit niya na nasa mesa. 

Nag-iwas ako ng tingin at naupo na lamang. Bawat pagpahinga ko ay mas ramdam ko ang hampas sa puso ko. 

Apat na buwan na...

Apat na buwan na akong narito pero ni isang beses, hindi niya ako dinalaw.

Noong mga unang araw ko rito, nakakaya ko pa. Ngunit nang umabot ng isang buwan, hindi ko na iyon kayang intindihin at tiisin. 

"H-Hindi ba siya pumunta sa bahay?" bulo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status