Share

Chapter 3

Chapter 3

“What?” I asked, almost breathless. He averted his gaze at me and held his nape.

“Forget what I said.” tumalikod na siya matapos niyang sabihin ‘yon.

“How’s your things? Ayos na?”

“Oo.” pinanood ko siyang maglakad na papasok ng bahay.

Nilingon niya ako at nakita ko ang pagtaas ng kanyang isang kilay. “Ano’ng ginagawa mo pa r’yan? ‘Di ka susunod sa’kin?”

“Ah, susunod”

Tumalikod at naglakad siyang muli. Napabuga ako ng hangin at sumunod na. “Teka, Sir- I mean, Ken... ‘Yong panga mo, ayos lang ba? Hindi na ba masakit?”

“Hindi na.”

“Ba’t ‘di mo siya sinuntok pabalik? Bakit mo hinayaan sarili mo na masuntok lamang?”

“Because real men don’t fight like that. It was cheap. We used values as our weapon.”

“Pero hindi ka pinalamon lang ng parents' mo para magpasuntok! You’re not also a punching bag!”

“He’s drunk. Hindi ako nalaban sa lasing. Kapag pinatulan ko, parang pinakita ko sa ‘yo na wala akong utak.”

“Ken...” wala na akong matatanong pa. Na amaze ako kahit papa’no kaso hindi ko kaya masyado ang mga pinagsasabi niya. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay agad niyang kinuha 'yong mga gamit ko na. “Teka! Hindi pa ako naligo!”

“Sa condominium ko na lamang ikaw maligo.”

“Ayaw ko nga!”

“Fine. Hintayin kita sa labas.”

Nang makalabas na siya dala ang mga gamit ko’y do’n lamang ako nagtungo sa banyo. Hindi ko na sinara pa ang pinto dahil nasa labas lamang siya. Isa pa, walang magtatangkang pumasok din sa loob ng bahay. Mabilis lamang ang pagligo na nagawa ko dahil alam kong may naghihintay sa ‘kin kaya 20 minutes lang eh tapos na ako.

Pag bukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan na nando’n si Ken. He was standing there like a statue and when his gaze locked mine, I felt stupid. Basa-basa ang buhok, ‘di gaanong nagpunas ng katawan at may tuwalyang nakabalot. Ano kaya ang itsura ko ngayon? Not hot, kung ‘di panget! I'm sure mukha akong suman ngayon!

Wet look didn’t suit me well, I know that.

He suddenly averted his gaze and held his nape again just like what he did earlier. “I’m sorry...”

“Ah...” ano ba ang dapat sabihin? Ah, alam ko na! “Ano'ng ginagawa mo riyan?”

Imbis na sagutin niya ang tanong ko, iba ang kanyang sinabi. “Hurry up, Ali. Go to your room now. Bukas ang pinto, oh! Someone might saw you in that look too.” aniya habang nanatiling nakatalikod sa ‘kin.

“Ah, sige.” at nagmadali na akong pumuntang kuwarto.

Pagsara ng pinto ay napahawak ako sa ‘king dibdib. Grabe ang bilis ng pag tibok ng aking puso! I sighed bago magbihis. Isang simpleng pink t-shirt and a maong short ang suot ko. Magtsitsinelas na lang din ako mamaya kasi nakakotse naman.

“Tara na.” wika ko nang makalabas sa ‘king kwarto. Hindi na ako nagsuklay muna at balak ko eh sa kotse niya na lamang gawin ‘yon.

Nilingon niya ako— nanatili pa rin kasi siyang nakatalikod. Kumunot ang kanyang noo at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Ganyan lang ang suot mo?”

Napakunot-noo rin ako. “Eh, ano ba dapat?”

Nawala ang pagkakunot-noo niya’t ngumisi. “Bra and panty sana. Okay

lang?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi!”

He just shrugged his shoulders. “Change your clothes. May pupuntahan pa  tayo bago sa condominium ko.”

“Sa’n naman?”

“Basta! Magbihis ka na lang ulit!”

“Fine!” pumasok na ako muli sa loob ng aking kuwarto.

Hindi pa sinabi kung saan kami pupunta eh anong susuotin ko? Mamaya magkamali pa ako ng maisuot! Ang lalaking ‘yon talaga!

Kinuha ko ‘yong dress na blue na may long sleeves at ‘yon ang aking sinuot. Since maganda ang suot ko, naglagay ako ng light make-up. I don’t care kung may naghihintay sa ‘kin. Kung kanina ay nahihiya ako sa kanya, ngayon eh hindi na!

“Hurry!”

“I’m done!”

Pinagdikit ko ang aking mga labi kasi naglagay ako ng lipstick. Bahala na ang ayos ko ngayon sa kung saan man kami pumunta ngayon. Lumabas na ako ng kuwarto. “Oh, okay na ang ayos ko?”

Tumingin siya sa ‘kin while unbuttoning his polo, naka-tupi na ang sleeves hanggang siko. “Okay na.” I felt his hot stare looking at my body, para niya akong hinuhubaran. “Mas bet ko kung wala kang suot na damit talaga.”

“Baka pag naghubad ako mismo ngayon, iba ang gawin mo sa ‘kin.”

“Of course.” at umarko pataas ang gilid ng kanyang labi. “Ba’t nag-ayos ka pa ng ganyan?”

“Kasi gusto ko.”

“Okay na ‘yong wala kang ayos kanina, tsk.”

“Eh, naka-dress ako, ano! Pag maayos ang damit na suot, nakaayos din ang

itsura!”

He didn’t speak for a minute and just heaved a sigh. “Tara na. Isara mo nang maayos 'yong pinto ng bahay mo.”

“Alam ko ang gagawin ko.”

Siya ang unang lumabas bago ako. Isinara ko na ang pinto at ni-lock nang mabuti. Narinig ko ang pag-andar ng engine ng sasakyan niya. Nang matapos ay ‘yong gate naman ang sinarado ko bago pumasok sa kotse niya.

“Ba’t dyan ka uupo?” he asked while looking at me in the rearview mirror. Naupo kasi ako sa likod niya, nagmukha siyang Driver ko.

“Sa tabi ko ikaw umupo!” he commanded. Sumimangot ako’t lumabas ng kotse para umupo sa kanyang tabi. Pag sara ng pinto ng kotse ay nag-seatbelt agad ako. Pinaandar na niya ang sasakyan palayo sa lugar na ‘yon.

“Restaurant?” I murmured, asking myself for the better.

“Yeah.” he answered. Hindi ko akalain na maririnig niya ‘yon, oh, well.

Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng resto. Maya-maya pinaandar niya muli ang kotse at nagpark sa parking lot mismo.

“Bakit sa restaurant?” akala ko sa Mall kami pupunta kanina. ‘Yon ang nasa isip kong pupuntahan namin habang nasa byahe.

“Di pa ako kumakain.”

“Dapat sinabi mo sa ‘kin!” ‘Di ko mapigilan ang hindi mapasigaw. “Para habang naliligo ako, kumakain ka na. May pagkain pa ako ro’n, eh.”

“Malay ko.”

“Sadyang malay mo talaga. Hindi kasi nagsasabi.” at napalabi ako. Sayang din ang pagkain do’n, ‘di ko nailigpit. “Teka, ano’ng ginagawa mo nga pala kanina ro’n sa tapat ng banyo?”

“Hinihintay kang matapos. Iihi ako.”

“Ah.” kaya pala. Buti at mabilis akong naligo kanina. “Ikaw na lang ang kumain. Nakakain na ako, eh.”

“Kumain ka ulit.”

“Busog na ako.”

“It’s my treat. Besides, walang pagkain na naka-stock sa refrigerator ng condominium. Bukas pa ako maggogrocery so you better eat again. Tara.”

Nauna siyang lumabas and to my surprise, pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Nice, gentleman ka pala, Ken!” pang-aasar ko.

“I just want to show you that chivalry is not dead, natutulog lamang ‘yon.”

“Natutulog?”

“Ang mga lalaki now a days, tamad maging gentleman, pinapatulog ang chivalry. Real men do chivalry and I believe that being a chivalry guy can get a woman’s heart in just a second.” and he looked at me straight to my eyes. “So, if I get your heart now, sabihin mo lang sa ‘kin.”

“Why? Ibabalik mo rin kung sakali?”

“Hindi, syempre. Ipapalit ko lang ‘tong puso ko para fair, ‘di ba? What do you think, hmm?” I held my breath. Hindi ako umimik. Sa banat niya ngayon, paniguradong pinamulahan na ako.

Nakahinga lamang ako nang maluwag ng makalayo na siya sa 'kin. Feeling ko, pag sumama pa ako sa kanya, lalagnatin na ako ng wala sa oras. Napahawak ako sa 'king leeg at bumuga ng hangin, kailangan kong maikalma ang aking puso.

“You look... apprehensive.” he commented. “Ang pula pa ng mukha mo.”

Paanong ‘di pupula mukha ko eh bumanat siya ng gano’n? Dave never said words like that to me before. Hindi ko akalain na kayang bumanat ng gano’n ni Ken. Nagmukha akong idiotic ngayon kaysa apprehensive.

“Mainit kasi, ‘di ba? Kaya ‘yan, pumula ang mukha ko.” sabay hawak sa 'king pisngi at ngumiti

He grinned and said, “I don’t believe you.”

“Eh, ‘di h’wag kang maniwala.”

“Kinilig ka lang, ano?”

“Hindi, ah!” at pinakitaan ko siya ng pandidiri sa ‘king mukha. “Di ako kikiligin sa mga banat mo, Sir— I mean, Ken.”

“You said so.” and he shrugged his shoulders. “But I’m serious, puwede mong sabihin sa ‘kin kung nakuha ko na ang puso mo, para fair, ibibigay ko rin puso ko sa ‘yo.”

“Malabo.” matigas kong sabi. “Malabo mong makuha, I’m still broken. ‘Di rin ako madaling makuha sa ganyan.”

“Eh, ‘di tignan.”

Sumimangot na lamang ako’t ‘di na umimik, nauna na akong maglakad. Wala ng Boss to Employee na relationship sa ‘min ngayon, I can walk now freely without walking behind him. Nang nasa tapat na ako ng restaurant ay do’n ko lamang siya hinintay.

“Hinintay mo pa ako.” biglang pagsusungit niya.

“Ah, kasi-” he cut me off.

“C’mon, woman.” hinawakan niya ako sa ‘king siko at sabay na kaming naglakad papasok sa loob. “Kung gusto mo talagang makasabay ako, sabihin mo lang.”

“Hindi naman-”

“Hindi ‘yong iiwan mo ako sa parking lot at hihintayin sa tapat ng restaurant. That’s rude, you know.”

Napatikom ako ng bibig at napayuko. “I’m sorry... It’s just that...”

“H’wag mo nang uulitin ‘yon.” seryosong wika nito kaya napatango ako habang nanatiling nakayuko. “Iangat mo ang ulo mo.” he commanded. Iniangat ko ang aking ulo at tinignan siya. “Good.” mula sa siko ay bumaba ang hawak niya sa ‘king kamay dahilan para mapasinghap ako’t mapatingin na ro’n. “This is just my friendly way, Ali.” bigla niyang pag explain kahit wala naman akong tinatanong.

“Hindi ako sanay. I thought you’re—” he cut me off again.

“What? Cold? Awful?”

“Oo.” kasi ‘yon ang itsura niya! Masungit, arogante at may pagkamayabang!

“Sa Company mo, you never smiled at us. You ignored the greetings of my co-employees before. You seem irritated at work. You look awful, cold and arrogant.”

“Naaabutan mo lang ata akong badtrip kaya ganyan ang tingin mo sa ‘kin.”

“Hindi rin!”

“Wala na akong pake. Basta pag pagod ako at busy, masungit ako.”

Huminto na kami sa may table kung saan sa gitna ang puwesto. Pinaghila niya ako ng upuan kaya feeling ko ay pinamulahan na naman ako. I felt timid na.

“Seat.”

Umupo naman na nga ako. Umupo na rin siya sa harap ko’t agad na kinuha ang menu sa table. Tinignan ko naman ang paligid ng restaurant, everything looks fine and captivating.

May lumapit na waiter agad sa ‘min. “Ma’am and Sir, may I know your order?” pagtatanong nito. Ang mga mata ay palipat-lipat sa’ming dal’wa ni Ken.

“Two caprese salad with pesto sauce, two panzenella and two bruschetta. We don’t like softdrinks, just two pineapple juice are enough.” ani Ken habang ‘di siya tumitingin sa menu.

Napakunot-noo ako sa mga binanggit niyang pangalan ng pagkain. Ni isa sa mga ‘yon ay wala akong alam, iba na talaga kapag mayaman na sadya.

“Sure po.”

Pag kaalis ng waiter ay nagtanong agad ako sa kanya. “Ano’ng klaseng pagkain iyong mga ‘yon?”

“Italian foods.”

“Masarap?”

“Yeah, why?”

“Ngayon pa lang ako kakain ng gano’ng pagkain.” paniguradong mahal ang mga ‘yon, ano?

“Really?” I saw a glimpse of amusement in his eyes.

I nodded my head. “Yup. Hindi naman kasi ako mayaman sadya gaya mo.”

“Don’t worry, hangga’t kasama mo ako, ipapatikim ko sa ‘yo ang iba’t-ibang klase ng mamahaling pagkain.”

“Sige.” basta siya ang gagastos, ayos na sa ‘kin ‘yon.

“Ang langit? Ayaw mo ulit matikman?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, tila natuwa siya sa reaksyon ko. Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang mga in-order niyang pagkain. Natakam agad ako dahil sa amoy at sa itsura ng mga pagkain, mukhang masasarap talaga.

“Let’s eat.”

Dinampot ko na ang kubyertos at kumain na. Nagustuhan ko ang lasa ng isa kaya malapit na maubos ‘yon agad. Habang kumakain ay sumusulyap din ako kay Ken, nakalabas na ang kanyang phone at hawak-hawak niya. Huminto siya sa pagkain at tumingin sa ‘kin, napaiwas naman ako ng tingin at kumain muli. Sinulyapan ko muli siya, nagtitipa siya ngayon. Sino kayang ka-text niya?

Tumingin muli siya sa ‘kin kaya sa pangalawang pagkakataon, umiwas ulit ako ng tingin.

“Client.” bigla niyang sabi.

Napatingin muli ako sa kanya nang may pagtataka. “Huh?”

“A client. ‘Yong katext ko ngayon.”

“Di ko naman tinatanong."

“Pero curious ka, right?”

“Hindi kaya.”

“Liar.”

Napalabi na lamang ako. Hindi naman sadya ako curious, pake ko sa ka-text niya ngayon! Pero... I wonder if that client is a woman or man.

Nagpatuloy siya sa pagkain at mula sa ‘di kalayuan ay may nakita akong sexy na babae na papalapit dito sa ‘min. Napakunot-noo ako at agad hinawakan si Ken sa kanyang braso.

“What?” napakunot-noo rin siya nang huminto sa pagkain.

“Ang sexy.” wika ko habang ‘di inaalis ang tingin sa babae na papalapit nang papalapit na sa ‘min.

“Who?” lumingon din siya pero gusto ko sana eh ‘di na lang siya lumingon. “Ah, Lucy.”

“Lucy?” kahit pangalan lang din, maganda at tunog may class.

“Yeah.” biglang tumayo si Ken at sinalubong ‘yong babae.

“Ken!” ngumiti nang maganda ‘yong babae at niyapos bigla si Ken.

Napasimangot ako sa ‘king nakita. “You said that you’re not here.” anito.

So, siya iyong ka-text niya kanina? Babae pala, sayang at ‘di pa naging lalaki.

“Well, I lied.” at humagikhik ito. “Surprise!”

Nawalan ako ng gana sa ‘king nakita. Inaakit niya si Ken kaya nandidiri ako

ngayon.

“Ah, kumakain pa kami. Besides, pauwi na rin kami kaya ‘di kita makakausap nang maayos ngayon. Pumunta ka na lang bukas sa Company at do’n tayo mag-usap.”

I bet ‘di lang pag-uusap ang mangyayari sa kanilang dalawa!

“Huh? Ngayon na lang kaya.”

Tumingin si Ken sa ‘kin saglit bago tumingin kay Lucy at umiling. “I’m sorry, I’m with someone and we have a lot of things to do in my condominium.Bukas na lang.” Kumunot ang noo no'ng babae sabay tingin sa ‘kin. “Sino ba siya? Your girlfriend?”

“No, she’s not.”

“Eh, ano’ng gagawin niyo sa condominium mo? Omg! You folks had benefits to each other, am I right?”

Napanganga ako sa ‘king narinig. Si Ken ay yamot na ang itsura.

“It’s not what you think! Bukas na lang tayo mag-usap. I’m busy eating with her, so yes, umuwi ka na lang.”

“Mas inuuna mo pa ang iba kaysa client mo?”

“Oo.” matigas na wika ni Ken. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

“This is my life. I rule my life. Kung sino gusto kong unahin, siyang uunahin ko sadya. You can’t do anything about it.”

Napanganga ‘yong Lucy. Bigla akong hinawakan ni Ken sa ‘king kamay at hinila ako patayo. Naglabas siya ng wallet at pera, nilagay ‘yon sa table at sinipit sa ilalim ng plato.

“Uuwi na kami. If you want to cancel our meeting tomorrow, go ahead and I

don’t care.”

Hinila na niya ako palayo kay Lucy. Mabilis ang kanyang paglakad na ginawa kaya kahit nahihirapan akong sumabay sa paglalakad ay ginawa ko ang aking best para makasabay sa kanya. Pag dating sa parking lot ay do’n niya lang ako binitawan. Sayang tuloy ang mga pagkain, ‘di namin naubos.

“Lend me some money.” wika ko. “Maggrocery tayo ngayon. Alam kong gutom ka pa, ipagluluto na lamang kita mamaya.”

“Mabuti pa nga.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. “Hop in.” tumango ako’t pumasok. Umikot siya para makapasok na rin sa loob, he started the engine and drove it away to that place. Kung kailan ako nasarapan sa pagkain, do’n pa dumating ‘yong Lucy. Ang nangyari pa eh nayamot si Ken kaya ang ending, sayang lang ang

pagkain do’n. ‘Di namin naubos, napagastos lamang siya ng ilang libo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status