Samantala, sa kaharian ng Zaparya ay nasa iisang silid ang magkapatid na si Prinsesa Nevira at Prinsesa Azulla na kapwa nagbabasa ng aklat ng mahika.
“Nabalitaan mo ba ang malaking pagdiriwang na gaganapin sa Vireo bukas?” tanong ng nakatatandang si Prinsesa Nevira.
Sa kaharian naman ng Zaparya ay tila bagyong dumating ang tinaguriang prinsipe ng kadiliman na si Prinsipe Roman. Wala siyang kinatatakutan at inaatrasan kahit pa ang sarili niyang ama na si Haring Clavar. Dumating ang prinsipe na duguan ang kasuotan na agad namang napansin ng kaniyang ama.“Anong nangyari sa 'yo?”“Huwag niyong alalahanin ang mantsa ng dugo sa aking baluti sapagkat hindi ito sa akin galing kundi sa
Patuloy pa rin ang kasiayahan sa Vireo. Samantala ay nilapitan naman ng amasonang si Talina ang nakaupo na si Prinsesa Alora. Pagkaalis ng kausap ng prinsesa ay agad siyang lumapit.“Prinsesa, matutuwa ka sa sasabihin ko sa 'yo.”“Siguruhin mo lang na talagang matutuwa ako.”seryosong bulalas ni Prinsesa Alora.
Sa Kaharian ng Zaparya naman ay nilapitan ng mangkukulam na si Adelina ang kanilang reyna na si Reyna Estella. Kasalukuyan silang nasa isang mataas na tore na bahagi rin ng Zaparya.“Kamahalan, mukhang malalim ang iyong iniisip.” bungad na sambit ni Adelina.“Wala ito, Adelina. Sadyang hindi lamang ako makatulog.”
Sa umpukan naman ng ilang mga prinsipe sa Kaharian muli ng Vireo ay humiwalay si Prinsipe Zeus at nilapitan niya si Prinsesa Herya ng Kaharian ng Ethero nang matsempuhan niya itong walang kausap.“Gusto man kitang yakapin ay hindi ko magawa, aking mahal. Bakit ba kasi hindi pa natin ipaalam ang ating relasyon sa ating mga magulang?”
Kilala ang mga duke at heneral bilang mga matatapang na bahagi ng bawat kaharian na kung tutuusin ay wala nang mga kinatatakutan sa dami na ng kanilang mga karanasan at pagsubok na pinagdaanan.Subalit, si Heneral Virgo ng Kaharian ng Zaparya ay kinatatakutan maging ng kaniyang kapwa mga duke at heneral dahil sa walang habas niyang pagpatay. Wala siyang pag-aalinlangan at awa kagaya ng kaniyang pinagsisilbihang hari na si Haring Clavar.Siya rin ang taga huli ng mga halimaw na ginagamit
Hating-gabi naman sa Kaharian ng Zaparya ay tahimik nang nagpapahinga si Prinsesa Nevira sa kaniyang silid. Iniisip niya ang gabi noong nanggulo siya sa pagdiriwang ng Vireo. Labis talaga siyang nasiyahan na para bang nais pa niyang maulit. Sa kalagitnaan ng kaniyang pamamahinga ay nakarinig siya ng sigaw mula naman sa kwarto ng kaniyang bunsong kapatid na si Prinsesa Azulla kaya kaagad niya itong pinuntahan.Malayo pa man siya ay rinig na rinig na niya ang tinig ng nagwawala niyang kapatid.
Isang umaga, sa Kaharian ng Vireo ay abala muli ang lahat. Hindi uso ang pagpapahinga sa palasyong ito kaya naman hindi nakapagtatakang patuloy ang pag-unlad. Sa isang hapag ay tahimik na kumakain si Reyna Verina, kasama ang kanang kamay niyang si Luna at dalawa niyang anak na sina Prinsesa Alora at Prinsesa Manorah. Nagkataon kasing wala na roon si Prinsipe Zeus at Prinsesa Aleyah dahil maaga silang umalis kaya hindi sila nakasali sa hapag. Nilapitan naman sila ni Althea.“Kamahalan, kasalukuyan na pong isinasagawa ang paglalagay ng matataas na pader sa paligid ng palasyo. Sa ngayon ay naghahanap
Isang umaga ay maagang nagising si Prinsesa Alora sapagkat nabulahaw siya sa ingay ng mga tauhan ni Prinsesa Aleyah. Lumabas siya ng kaniyang silid at nakasalubong niya roon ang tagapag-hatol na si Shanaya.“Kahit kailan talaga ay hindi ako binibigyan ng katahimikan ni Aleyah!”“Hayaan mo na Prinsesa Alora dahil ilang linggo