Disclaimer: The court scenes and statements are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.The author has only limited knowledge about this kind of scenes, especially about the rules or order of the court. Please bear with the lack of information. Thank you so much!"Please rise. This court is now in session, the Honorable Judge Carlito Macareje presiding."Nanghihina akong tumayo. Halos hindi ko magawang tumingin sa harapan, wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at sakit. Nasa harapan namin ngayon ang pinaghihinalaang pumatay sa kuya ko, sinong hindi maghihinagpis? Sinong hindi mag aalab ang galit? At kung ano ang mas masakit doon? Ang unang lalaking minahal ko, ang unang lalaking naging sanhi ng katangahan ko, at ang taong suspect na pumatay sa kuya ko-ay iisa.May mga sinabi pa doon ngunit hindi ko na muling naintindihan pa. Naka kuyom lamang ang aking mga kamao habang nakatingin s
"Ate Vivian didn't tell me na sa kanila pala iyon!" I hissed.Halos hindi lang din ako nakapag-participate kanina sa klase namin dahil sa kanya. Of course, I don't know how and what to react! Tuwing nagtatama ang paningin namin ay hindi ko na lang maiwasan ang pag irap. I didn't see him for years, wala rin akong kahit anong contact or connection sa kanya pagkatapos no'n. I silently cut ties with him, pinili ko na gumawa ng paraan para hindi na kami magkaroon ng kahit anong koneksyon. I blocked him from all my social media accounts, even his number on my phone. Sobrang tumahimik ang koneksyon ng pamilya namin matapos ang inisidenteng iyon. Tila hindi na kami magkakakilala dahil sa nangyari, even with Niklaus.. hindi ko na siya nakakausap, hanggang ngayon. I'm suspecting his brother, and ang pangit naman tignan kung kinakausap ko pa rin siya at sa tingin ko'y hindi rin iyon tama dahil nagkaroon na ng lamat at boundaries ang samahan ng pamilya namin.Nalaman ko na lang sa news na umuwi
"Why don't you stay a little longer, anak? We will actually have unscheduled meeting now, your presence is important," my mom suggested-- no, it sounds like a command.Wala naman na akong magawa doon dahil mukhang importante nga ang kanilang pag m-meeting-an. I need to give them financial reports, lalo na't magpapagawa kami ng shooting range, that's for kuya Vince, gusto niya talaga ipatayo iyon noong nabubuhay pa siya. We need to plan a budget, and as their CFO, I need to be here.Tumikhim itong nasa harapan ko bago tuluyang pumasok sa loob na parang walang nangyari, iniwas niya pa ang sarili sa'kin dahil medyo nakaharang ako sa pinto.I scoffed.Umupo siya sa gilid ni ate, hindi sa tabi niya dahil naglagay siya ng espasyo doon. Agad pumasok ang sekretarya ni mommy at nag serve ng tsaa doon. Umupo na lang din ako sa harap nila at binuksan ang aking iPad. Kahit na naka yuko ako ay pansin ko ang titigan ni mommy at ate Vivian, hindi ko sila pinansin, I'm busy reviewing our past financi
"So it means you reunited with Dame?" baklang tanong ni Kael habang malisyosang tumingin sa akin bago uminom nung paborito niyang shake na pina-order niya pa sa sekretarya ko."What? No," irap ko bago nagpatuloy sa ginagawa ko. 'Reunited' has a lot of meaning, ang dahilan lang naman kaya ulit kami nagkasama ay dahil sa trabaho, kung hindi lang siya ang itinalaga ni mommy sa project na 'yon, hindi rin iyon mangyayari.Andito sila ngayon sa office ko, nanggugulo, feel at home. Palibhasa ay tapos na ni Gianna lahat ng trabaho niya, tinapos niya ito ng maaga kaya free siya ngayong oras. Ito namang si Kael ay nagsarado ng boutique niya para lang makipag-chismisan, ganyan sila kauhaw sa tsismis ngayong araw.Napahilot na lang ako sa aking sentido habang pinagmamasdan ang bagong financial reports na ginawa ko, tapos na ulit ito pero nirereview ko ulit. Mahirap na, baka magkamali na naman. I moved my swivel chair before I let go a loud sigh."Ano? May nagbago ba?""He looked hotter and mature
Fidgeting my phone, I'm still wondering about what I saw last night. I'm starting to have a hunch that it is connected to kuya Vince's death. I'm really sure na tao iyon, is he checking us kung may alam na kami? Kung may lead na ulit sa kaso? What is he planning?Muling nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa naiisip. Should I report this? Is my family still safe? Ngunit isang beses palang iyon. Parang gusto ko tuloy pumunta sa presinto ngayon at humingi ng latest na update tungkol sa kaso ng pagkamatay ni kuya. Nahinto muna kasi iyon, masyadong pulido ang pagkakagawa nung suspect, walang ma-trace na kahit ano.I closed my fist, mahuhuli at mahuhuli ka rin. You will rot in jail but your soul is already burning in hell.I sighed before I shook my head, baka nga namamalikmata lang ako. Masyado na ata akong na p-praning sa paligid ko dahil sa sobrang stress, I need to loosen up. Katatapos ko na naman mag audit ng mga gastos ng kompanya kanina sa panibagong project namin, our family's bu
“Damn it,” mura ko nang magsimulang mag ingay ang alarm clock ko sa may side table, agad akong humarap doon para patayin, my eyes are still closed. My head feel sore. My brain is still debating if I should sleep more or to finally get up because I need to workout today, ang tagal ko na rin nabakante dahil sa sobrang busy. Tamad kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Ilang minuto ko iyon hinayaan muna sa aking tiyan bago dahan dahan nagmulat ng aking mga mata. It’s already 8:11 am, pwede ako hindi pumasok ngayon dahil natapos ko naman na lahat ng gagawin ko kahapon. My eyes automatically widen when I remember what happened last night, I’m so fucking wasted! And Dame drive me home! “Shit! Paano ako nakarating sa kwarto ko? I can’t remember anything!” I talked to myself, napasabunot ako sa aking buhok, pinukpok ko pa ang ulo ko—pinipilit alalahanin yung mga bagay na ‘di ko na matandaan kagabi. Ang huli ko lang naalala ay iyong sinabi niyang dalhin ko raw siya tuwing i
“Come on, pick anything—libre ko,” pagpupumilit ko nang makitang hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya. Paminsan-minsan ay tumitingin sa akin tapos lilipat doon sa mga paninda sa harap. Nagdadalawang-isip pa ata.We’re currently buying some street foods para baunin doon sa burol na pupuntahan namin. May nakita kasi akong vendor dito malapit sa site, natakam ako. Tumusok ako nung fishball. Ang tagal ko na hindi nakatikim nito dahil kay mommy, bigla tuloy ako nag crave. Minsan lang kasi ako makakain ng ganito.“I don’t know what to pick,” he honestly answered, nag iwas pa ng tingin. I sighed and rolled my eyes. Rich kid kasi. Fishball, kikiam, saka barbecue lang ata alam nito na andito sa harap namin, e. “What do you want to try?” I asked, I tilted ny head to see him properly.Kumuha pa ako ng sampung stick ng isaw, ang tagal ng titig nitong kasama ko doon. He’s probably thinking kung intestine ba talaga ‘yon. “Kuya, pa-compute na lang po ako lahat, ha.” “Sige po, ma’am,” sag
“Vaine, I will not let you drive like that,” he uttered gently. His hand is brushing my arms, inaalo ako upang lumabas na dito sa kotse ko. Habang ako ay nanatiling nakatulala.“Baby, come on… I’m here…” Nanginginig pa rin ako nang mas buksan niya ang pinto para i-check kung ayos lang ako. Marahan niya akong inalalayan pababa at nagpatianod lang ako sa kanya dahil sa sobrang panghihina.Tulala ako hanggang sa makasakay na ako sa sasakyan niya, he made sure that my seatbelt is locked before he typed something on his phone, he placed that on his ear before he took a glance at me while he's still on the outside. I can see the concern in his eyes but I can’t fully grasped what’s happening right now. “Niklaus… You’re not busy, right?... Yeah, I heard… We’re now going… Can you pick Vaine’s car here at…” Wala na akong naintindihan doon dahil ang tanging nasa utak ko lang ay naaksidente si Ate Vivian at kailangan ko pumunta agad doon sa hospital na tinext ni mommy kanina. Sunod-sunod na n