Share

Chapter 10: Missed

Hindi ulit pumasok si Evander kinabukasan.

Dapat ay panatag na ang loob ko dahil nasiguro ko namang hindi naman siya napahamak ngunit hindi. Nalulumbay ako. Siguro dahil hindi lang ako sanay na walang ginagawa.

Pagkatapos ko kasing maglinis ay tambay na lang ako buong araw. Kung pwede nga lang na maglinis na lang ako ng mga suite kahit na hindi naman na ako housekeeper para may magawa lang na trabaho. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi na lang porke wala si Evander.

“Ano kaya ang dahilan bakit wala pa rin si Sir Evander?” tanong ni Mabel.

“Oo nga. Baka may importanteng pinuntahan? Alam mo na, mga business meeting. Di ba ganon naman talaga?” si Roda.

“Totoo ba ‘yong sinabi ni Roda, Lia?” tanong sa akin ni Tonet.

“Hindi ko alam. Wala naman sa schedule niya…”

Wala siyang business meeting na pinuntahan. Alam ko, malamang assistant niya ako kaya alam ko ang mga gagawin niya. Maliban na lang kung emergency meeting iyon. Hindi naman pala kwento ang lalaking iyon para sabihan ako habang nagmam
Riyel Sage

Maraming salamat po sa pagbabasa!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status