Share

Chapter 19: Bantay

Nakapangalumbaba akong nagbabasa ng libro rito sa library. Katatapos lang ng isa naming subject at may dalawang oras na break bago ang sunod.

Nasa may pinakagilid ako sa pang-isahang desk. Ginugugol ko talaga ang break ko sa pag-aaral dahil hindi dapat sinasayang ang oras.

11 am na nang mag beep ang phone ko sa text message ni Pearl na nagtatanong kung nasaan na raw ba ako dahil magla-lunch na kami.

Me:

Nasa library pa ako.

Pearl:

Punta ka na lang sa labas ng gate. Btw, nandito pa rin pala si Mr. Perfect! *smiling face with heart-shaped eyes emoji*

Nalaglag ang panga ko.

Ano pa ba ang ginagawa niya rito? Hindi pa ba malinaw sa kanya na ayaw ko nang magpakita pa siya sa akin?!

Nag reply ulit ako.

Me:

Sa cafeteria na lang tayo, Pearl.

Pearl:

Hihintayin na lang kita rito kasi nakakapagod maglakad pabalik.

Me:

Pero subukan naman natin dito. Lagi n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status