Share

Chapter 4

"OH MY GULAY! Dali, mag-search ka ng mga wedding songs! Gusto ko nang ikasal kami sa lalo't madaling panahon!"

Sa inis ko ay tinampal ko ang noo niya. "Ikalma mo iyang kaluban mong babae ka. Kapag ako nainis isusumbong kita sa mama mo."

"Edi isumbong mo! Gusto mo samahan pa kita eh! Tsaka hindi nga kita sinumbong sa nanay mo na nakipag-away ka kanina!"

"Anong nakipag-away? Sila nga 'tong basta-basta na lamang akong hinarangan at tinalapid."

"Charot! Ikaw naman, sister girl. Hindi kita isusumbong sa nanay mo basta ba hindi mo sa akin aagawin si Angelo!" Pinalo nito ang braso ko sa kilig dahilan para tingnan ko siya ng masama.

"Bakit ko naman aagawin iyang lalaking iyan? Tss, gaya mo 'ko sa'yo."

"Aray naman! Ikaw ah, kanina ka pa foul sa akin, ah. Ang sakit nito magsalita kanina pa." Ngumuso ito na akala mo ay batang nagmamaktol.

"Para matauhan ka."

Inirapan ako ni Sheena. "Ewan ko sa'yo! Dapat sa'yo sini-censored ang bibig! Minsan naman huwag kang maging prangka, ang sakit rin eh!" Humawak ito sa dibdib na akala mo ay talagang nasasaktan.

"Gago."

"Ang dumi ng mukha mo! Hmp!"

Hindi ko na lamang pinatulan ang sinabi niyang iyon dahil baka humaba lang. Wala pa naman ako sa kalingkingan ng kadaldalan niya.

Angelo Francisco: Crush! Vc tayo?

Pinindot ko ang keyboard para replyan ang lalaki.

Cameyofan WP (typing...) : Ayok

Hindi ko naituloy ang pag-tatype dahil tinapik ni Sheena ang kamay ko. Tinulak pa niya ako palayo sa PC kaya wala akong nagawa kundi hayaan siyang mag-reply sa Angelo na 'yun.

Umupo na lamang ako sa tabi habang panay ang buntong-hininga. Ang sabi ng nanay ko ay sundin ko lamang ang gusto ni Sheena dahil may utang na loob kami sa kanila. Pero kailangan ko pa bang sundin ang gusto ni Sheena kahit alam ko namang mali iyon?

Cameyofan WP: Sige vc tayo hihi.

Hindi na ako nakaangal sa reply ng kapatid ko sa hunghang na lalaking iyon. Nanatili na lamang ako sa tabi habang panay ang salamin ni Sheena at ayos sa buhok niya. Nag-lipstick pa ito na talaga namang napakakapal.

"Maganda na ba ako, sister girl?" nangingiting tanong nito.

Bumuntong-hininga ako bago sa kaniya tumango. "Maganda ka na kahit wala ka pang ilagay na kahit ano sa mukha mo. Kaya nga naniniwala akong kayang kaya mong paibigin kahit sinumang lalaki nang walang kahirap-hirap. Hindi mo kailangang manloko ng tao para sa pag-ibig, makukuha mo ang bagay na gusto mo sa tamang paraan, sa tamang panahon, at sa tamang pagkakataon."

Naging seryoso ang mukha ni Sheena sa sinabi kong iyon. "Maraming beses ko nang sinubukang lumapit sa kaniya, Rose. Maraming beses na at hindi ko na mabilang. Ito na lang ang alam kong paraan para mapansin niya ako. Ibigay mo na sa akin 'to, please."

Alam kong mali ang bagay na pinaplano ni Sheena pero pagdating naman sa kaniya ay madalas akong walang tanggi. Tulad ng sabi ng nanay ko ay malaki ang utang na loob namin sa kanila. Limang taon na akong nakikitira dito habang ang nanay ko ay nasa abroad at masasabi kong napakalaking tulong nila sa amin. Napakabait nila at tinanggap kaming mag-ina na parang isang tunay na pamilya.

---

BAGO i-accept ang tawag ni Angelo sa aking writer account ay ilang beses munang nanalamin si Sheena. Bilib din talaga ako sa babaeng 'to. Lahat na ay nagsasabing maganda siya pero heto siya't conscious na conscious pa rin sa sarili.

"Hi, Angelo!" Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Sheena. Panay rin ang ayos niya sa buhok, hindi makuntento.

Hindi ko alam kung anong reaksiyon ng kausap niya dahil hindi naman ako nakaharap sa PC. Nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan ang kapatid kong mukhang naiilang na ewan.

"So ikaw nga talaga si cameyofan?" dinig kong tanong ng lalaki. Parang hindi ito makapaniwala sa nakikita. Nang marinig ko rin ang boses niya ay para bang may nagsasabi sa akin na kilala ko iyon.

Saan ko na nga ba narinig ang boses na iyon? Tss. Nevermind.

"Oo, ako nga. Bakit parang disappointed ka?"

Napairap ako dahil sa panloloko nitong kapatid ko. Hindi ko alam kung anong plano nito o hanggang kailan niya pangangatawanan itong kahibangan niya.

"Hindi! Hindi talaga, it's just that hindi lang ako makapaniwala na ang matagal ko nang crush ay matagal ko na palang nasasalubong sa school."

Nagkibit-balikat si Sheena. "Ikaw eh, ayaw mo pa ako pansinin. Kung noon mo pa ako in-entertain edi sana ay matagal nang tayo." Ngumiti ng wagas ang kapatid ko na akala mo'y mapupunit na ang bibig. Napakaharot, tss.

"Pero seryoso, you're one of a kind. Ikaw lang 'yung writer kong kilala na kaya akong isama sa mundong ginawa mo. Sa tingin ko nga ay hindi lang paghanga itong nararamdaman ko."

Parang gusto kong masuka sa mga naririnig. Hindi ko kinakaya ang taas ng kumpiyansa sa sarili ng dalawang ito. Parang parehas sanay na sanay humarot, ah. No offense.

"Awww! You're so sweet, Angelo! But to be honest, nang mabasa ko ang message mo sa Writepad account ko nagulat talaga ako. Hindi ko alam na may interesado pala sa mga sinusulat ko."

"Are you kidding me? You are such a great writer! It is an honor to discover your works!"

Natatawang hinampas ni Sheena ang hangin. "Ikaw talaga, thank you!"

"Since kilala na naman natin ang isa't isa partially, pwede bang mas kilalanin pa natin ang isa't isa completely?" Natigilan ako sa tanong na iyon ng lalaki sa kabilang linya.

Maarte namang nagtakip sa bibig niya si Sheena. "What do you mean?"

"I mean, let's meet-up."

Nanlaki ang mga mata ko matapos iyong marinig. Panay ang senyas at iling ko kay Sheena na huwag siyang pumayag pero mukhang wala siyang pakialam sa akin.

"Makikipagkita... ka sa akin?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Sheena. Nakaawang pa ang bibig nito.

Tulad kanina ay patuloy lamang akong senyas sa kaniya. "Huwag! Huwag kang pumayag!" pabulong kong sigaw.

Huminga ng malalim si Sheena habang hawak ang dibdib. Animo'y bumagal ang oras alinsabay ng pagbuka ng bibig ng kapatid ko. "S-sige. Let's meet up."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status