Share

Chapter 14

"Oh my g! Mga anak!" sigaw ni Tita, Mommy ni Louis sa amin. Napangiti naman ako dahil sa pagtawag niya rin sa akin ng anak. It sounds music to my ears calling me that, how I missed it. 

Nakipagbeso naman siya sa amin, at pagkatapos ay niyakap naman kaagad ni Louis ang Mommy niya. Ang gandang panoorin ng ganitong scenario, talagang Mommy's boy talaga siya kahit ilang taon na 'tong lalaking 'to. Nag-usap lang sila nang tahimik at ako naman ay pumunta kay Tito dahil nasa tabi lang din siya at nakipagbesuhan din ako sa kanya.

"Kumusta kayo ng anak ko?" nakangiting tanong ni Tito at napangiti rin naman ako kaagad.

"Okay naman po, Tito. Maayos naman po. Nagulat pa nga po pala ako dahil ang galing po magluto ni Louis." Tumawa naman nang malakas si Tito, at hindi ko maiwasan na matawa rin dahil nakakatawa kung paano siya tumawa.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status