Share

Chapter 32.4

"Oh, that's great!" malakas na sigaw ni Amiel kaya napasigaw rin ako sa gulat. Tumawa pa siya dahil sa naging reaksyon ko.

"Ano ba?! Nakakagulat ka naman!" sigaw ko rin pabalik dahil ang tahi-tahimik sabay bigla siyang sisigaw, napatingin naman sa puwesto namin ang iba naming kasamahan dahil sa sigawan namin dito ni Amiel. Paano, ang ingay namin. Tumawa-tawa lang si g*ga at napairap na lamang ako sa kanya.

"Ang sungit! Pasensya ka na, hah, ito lang ako." Tumawa naman siya kaya natawa na rin ako. Kadiri, ang cringe niya sa part na 'yon.

"Ano ba 'yong kailangan mo?" direkta ko nang tanong dahil alam ko kapag narito naman siya ay may kailangan siya, hindi naman siya mangungulit ngayon kung wala.

"Huh? Grabe, wala! Gusto ko lang tingnan iyong progress na nagaganap na! Oh, ang ganda niyan! Talagang mas naging powerful pa 'yong dress na 'yan." Tinuro niya pa ang laptop ko, napatingin naman ako roon. Ayon 'yong dress na Hot Pink na napag-usapan namin ni Louis at namin ng mga rito kanina.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status