Share

Chapter 17: You gave me the reason.

Chapter 17: You gave me the reason. 

I keep thinking and looking forward to Rage and I dating this weekend. It's still Friday yet I am so excited for Sunday. I watch youtube videos of 'what to do on a first date' so I may have an idea. Even 'what to wear for a first date' videos and reading articles ay pinatos ko na rin. 

Mas halatang excited ako sa magiging date ko kay Rage kesa sa date namin ni Kevin noon na parang pinilit niya lang ako. I bite my lower lip and feel a little bit guilty again. 

Ako ang bantay kay Ali ngayon. Hindi kasi basta makaalis ang magulang ni Ali sa Laguna. Dahil bantay daw sa tindahan at walang kasama ang mga kapatid nitong bata. Hindi ko alam kung pinarating na ni Kevin sa magulang ni Ali ang nangyari sa kanya. 

"Ganda!" Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Kevin. May dala siyang paper bag na may laman ng pagkain. Nakita ko na agad sa brand nito. Ngumiti ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin. 

"Ako na dito, pumasok ka na muna." Nilapag niya sa maliit na table ang bag niya at ang pagkain niya sa kwarto ni Ali dito sa hospital. 

"Ah. Okay wala pa naman akong pasok ngayon pero babalik na ako ng university. Ikaw ba walang pasok sa OJT mo?" I asked him. 

"Wala half day ang company na pinago-OJT-an ko." Sagot niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. 

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako pero hindi siya sumagot at agad na umiwas ulit ng tingin. 

"Wala. Sige na baka mahuli ka pa sa klase mo." Umayos siya ng upo sa sofa at nilabas ang mga gamit niya mukhang mag-aaral ata. 

"Una na ako. Tumawag ka na lang kapag aalis ka na para may kasama si Ali." I try to sound like nothing is wrong with him. Why is he so cold? Hindi ako sanay. 

"Baka lumuwas ang magulang ni Ali sila na lang ang magbabantay. Huwag ka na mag-alala." Sagot niya. Habang patuloy sa ginagawa na parang wala lang ako rito. 

"Oh, okay. Just call if you need something." I said. I want to see if he's gonna respond to me once more. 

"Huwag na. Baka kasi makaistorbo lang ako at mukhang busy ka." What's with him? Kanina pa siya ah. He makes me so confused I inhale a large amount of air before I turn around to leave. 

Tinahak ko na ang daan palabas nitong hospital. 

Pumara ako ng taxi at sumakay papunta sa university. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganon siya makitungo. 

"Miss. Eto na ang university na sinabi mo." Rinig kong sabi ng driver pero hindi ko siya nililingon dahil iniisip ko kung may ginawa ba ako nung nakaraan at nagkakaganon si Kevin. 

"Ineng. Miss!" Napalingon ako kay Manong dahil sa kulbit niya sa akin. Tsaka ko lang na realize na nasa tapat na pala ako ng university ko. Agad kong inayos ang bag ko at bumaba na. 

"Ineng bayad mo." Napahawal ako sa noo ko ng muli ko na namang narinig ang sigaw ng driver. Shuta nasa front gate kami at ang daming estudyante ang nagla-labas masok. Shuta narinig pa ata nila ang sigaw ni Manong. Nakakahiya ka talaga minsan Lexia. 

"Manong eto po. Pasensya na po lutang lang." Inabot ko sa kanya ang bayad. Hindi na naman siya sumagot pa at pinaandar na ang sasakyan para umalis na. Buti na lang at hindi na siya nagsalita pa. 

Pumasok na ako sa klase ko. Pero nag iwan pa rin si Kevin ng question mark sa utak ko. 

---

It's sunday maaga ako nagising dahil susunduin daw ako ni Rage. Pero date night naman ang date naming dalawa. Dahil excited ako maaga talaga ako nagising. Tinignan ko ang phone ko walang message coming from Rage. Pero buong gabi kami magkausap kagabi. Nag scroll pa ako sa messages app ko doon ko napansin na magdadalawang araw ng walang text o call si Kevin. I sighed. Did he stop courting me? I said to myself. 

Tinitigan ko ang last text niya saying:

From Kevin:

Ganda. Kain ka ha. Okay lang din naman na kainin mo ako. Charot hindi tayo jejemon. Haha! 

I smile reading his last text. 

Nagtype ako sa phone ko ng message para sa kanya. 

To Kevin:

Amorning! :)

I waited for his reply but he just saw it. So ibig sabihin gising na siya? Then why is he not replying to me? I rolled my eyes. What's his problem? 

I knew it. Nagpapamiss ba siya sa akin? Tactic na niya siguro to? Urgh! Ganito ba siya manligaw may ganito siyang way? 

May date ako mamaya pero nawawala ako sa mood dahil sa kaniya problema niya shuta siya. 

Kinalma ko ang sarili ko at agad na humiga ulit sa kama para matulog. To be honest I need beautyrest baka maging beast ako sa harap ni Rage mamaya. 

---

I wake up because of the tune of the alarm. Nag alarm nga pala ako ng 1:00pm. Para magising ako at makapag ayos. Bumili ako ng dress sa mga nag o-online selling sa IG. Keri na naman ang black since bagay sakin ang black dress yun ang sabi ni Rage. 

Nagtitingin din ako ng mga make up look para sa first date. Nanonood ako ng youtube at ginagaya ko ang nasa video. Kapag nalilito ako ay nire-rewind ko ang video. Nang matapos ako sa kaka-gaya sa youtube agad na akong tumingin sa salamin. 

"Shuta. Hindi naman katulad nung nasa video ei." Reklamo ko sa sarili ko. Muntik ko pang itapon ang cp ko dahil sa inis. 

Binura ko ang make up at nag search ulit ng bagong gagayahin. Tulad ng kanina ginagaya ko lang ang nasa video kapag nahuhuli ako ay agad ko namang nire-rewind ang video sa youtube. 

Nang matapos na ako ay agad akong tumingin sa salamin. Sa sobrang gulat ko halos hindi na ako makapagsalita. My gosh bagay sakin yung make up. Nagselfie pa ako at agad ko naman yun nisend kay Rage. 

To Rage:

Preparing. 

From Rage:

Bakit para kang ikakasal. Ganda naman ng pumpkin na yan. 

To Rage:

Bakit naman ako naging kalabasa? :(

From Rage:

O sige, huwag na iyak baby. 

Nabitawan ko ang cp ko ng mabasa ang reply niya. Baby? Ako baby niya? At heto pa ha. Bakit ako ngumiti mag-isa gaga lang Lexia? I clear my throat then type a reply to him. 

To Rage:

Ang corny ng baby ha. 

I waited for his reply. Ilang minuto na pero wala parin. May narinig akong bumukas na pinto pero hindi ko nilingon dahil titig na titig ako sa phone ko kaka-antay ng reply niya. 

"What are you doing?" I was shocked when someone whispered in my ear. It turns out that it's Rage. 

"Paanong-?" Napangiti na lang ako at hindi na tinapos pa ang sasabihin ko. 

"Sorry pina-pasok ako ni Tita ei. Mukhang boto sa akin." Rage said. Naupo siya sa dulo ng kama ko habang pinagmamasdan ang kwarto ko. 

"Sorry. Hindi ito kasinlaki ng kwarto mo." Nahihiya kong sabi sa kanya. 

"You don't have to say sorry. OA lang ang kwarto ko. But having this kind of room feels like peace." He stopped observing my room and looked at me. 

"Magbibihis na ako bumaba ka na ulit." Marahan ko siyang tinulak palabas ng kwarto ko at sinara ang pinto. 

Nagbihis ako at nag ayos pa ng konti. 

Nang matapos kong ayusan at bihisan ang sarili ko ay agad na akong bumaba. Eksakto naman na pagka-baba ko ay hindi naman na kami kinulit pa ni Mama kung saan kami pupunta. 

---

Rage is now driving quietly while I'm wondering and looking around to the street we passed by. 

"Can I play K-pop songs?" I asked him. Gusto ko sana iconnect ang phone ko sa car niya para makapag pa soundtrip ako. 

Wala siyang sinabi at agad na nilahad lang ang kamay niya. Ako naman nilapag ko ang phone ko sa kamay niyang nakalahad. Muntik ko na ngang isipin na gusto niyang makipag-holding hands. Buti na lang talaga at pro ako sa pagbabasa ng pocketbook at ilang ebook stories. 

Agad naman niyang ni-connect ang phone ko sa car niyang hindi ko kilala ang tawag. 

After that I play some kpop songs that I like. Including SHINee, EXO and 2pm. But this one is SHINee songs 

I sing and mumble the lyrics quietly. Buti na lang at hindi umuulan ngayon ayokong ma-ruined ang date naming dalawa. 

"Where are we going nga pala?" I asked. Hindi naman siguro kami sa hotel magpupunta diba? Oh my gosh what am I thinking bonak ka talaga Lexia. 

"Kain muna tayo then date." He calmly said. 

"Diba part ng date ang pagkain?" I asked him. Just curious. 

"Iba kasi ang ibig sabihin sa akin ng 'pagkain' when it comes to date." He said and smirked. Gagi!

"Tumigil ka nga." Hinampas ko naman siya. 

"Huwag ka mag-isip ng kung ano-ano hindi tayo sa hotel o motel pupunta." Aba sinong may sabi? Teka, paano niya alam yun? Nababasa na niya ngayon ang utak ko? Like mind readers agad! 

"Mag drive ka na." Utos ko sa kanya. Ganyan siya lagi the more na sumasagot siya at nagsasalita mas nagiging palabiro siya. Hinahaluan niya pa ng pagiging green err. 

"Drive? Dalawa kasi ang drive na alam ko." He said. I looked at him and he literally burst out laughing. Pinagtitripan niya ako. Shuta siya. 

"Tseh!" Hindi ko na siya nilingon pa at nilakasan ko ang volume ng speaker ng sasakyan niya. 

Hindi na rin naman siya nagsalita pa kahit naririnig ko siya minsan na natatawa siya. 

"Huwag ka na magtampo andito na tayo!" Pinisil niya ang mukha ko at siya na rin ang nag unlocked ng seatbelt ko. 

Nasa isang restaurant venue kami. Pero halatang walang tao at mukhang tanging kaming dalawa lang. 

Kinakabahan ako dahil first ever moment namin itong dalawa. 

"Tayo lang dito?" Bulong ko sa kanya ng maabutan ko siya sa paglalakad. 

"Yup. I rented the whole restaurant!" Sumunod na lang ako sa kanya. 

Hindi ko kinaya ang pa 'I rented the whole restaurant' ng Daddy niyo. 

When I entered the restaurant, a lot of staff bowed when they saw us. There's a table inside this restaurant. Halos yun lang ang table na nakikita ko, dim din ang lights ng buong venue. May mga candles sa gitna ng table kung saan nandoon ang pagkain. My gosh. Bakit halatang ang mahal naman nitey? 

Nang maka-upo na kami sa table ay inalalayan pa ako ni Rage umupo. As if hindi ko kaya ano, tumahimik na lang ako at hinayaan siyang alalayan ako. 

Pagkaupo naming dalawa biglang tumugtog ng violin na musika ang isang staff. Pinanood ko lang yun natutuwa ako dahil ngayon ko lang ito na-experience. Matapos siya tumugtog ay kala ko ay kakain na pala pero hindi. 

Lumapit ang isang staff sa amin at inabot sa akin ang isang box. Tinignan ko si Rage na ngayon ay sumisimsim na siya ng wine sa baso niya tanging nakatitig lang sa akin. 

Binuksan ko ang box na iyon at isang necklace ang nakita ko. 

Napaawang ang bibig ko sa nakita. Sumulyap ako kay Rage na ngayon ay malawak ang ngiti. 

"Para saan 'to?" Di ko maiwasan tanungin. 

"Isn't it obvious? You're going to be my girlfriend." Lalo lang lumuwa ang bibig ko sa narinig. Kahit kailan talaga desisyon kang shuta ka. 

"Alam mo desisyon ka talaga ei no." Sagot ko sa kanya. 

"Well. There's no need to wait for everything. Just say yes and I am yours forever." He proudly said that. 

"Alam mo? Oo nga no yung sinasabi mong 'I will show you a date that you will never imagine' bakit pa ba ako nag expect. Ei pala desisyon ka nga pala." I said that to him. I don't know but I feel a little bit disappointed about him. Like, I expected something very unique. 

"Why don't you like all of this?" He asked. Immune na ako sa ganitong scene sa mga libro ano, kaya nga akala ko kakaiba itong date niya. 

"I think we should eat first." I said para naman mawalay ang topic naming dalawa. Sayang din ang pagkain na inorder niya ano. Tinabi ko ang box sa may tagiliran ng upuan ko. Mamaya ko na pagdedesisyonan kung ibabalik ko ba ito sa kanya o hindi. 

He just followed what I said. He eats too but I am not looking at him. Bahala siya maumay sa ganda ko ano. 

After a minute we are now done eating and waiting for desserts. We both become silence para bang ayaw namin um-open ng topic sa isa't isa. 

I sighed waiting for my desserts. 

"Sorry. If I disappoint you tonight!" He finally speaks huh!

"Okay." I said. 

"I already said sorry." He said back. 

"I said okay." I shot back. 

"Then what does it mean?" He said. While massaging his temples. I just drank my juice and didn't answer bahala ka sis. 

Then later on our desserts just arrived. I don't know what kind of dessert this is but I heard him say pudding. 

"Uuwi na ba tayo nito after? Bored kasi ei." Pagpaparinig ko. I heard him sighed. 

Hindi na rin naman siya umimik so baka nga uuwi na kaming dalawa. 

Nang matapos kami sa shutang desserts na ito ay tinawag niya ang isang staff at may binulong siya rito. Tinignan ko pa ang staff na papalayo. 

He pays for this boring date? Kala ko pa naman magagara mag date mayayaman. O baka magara nga ito hindi ko lang na-appreciate kasi hindi ako satisfy. 

"Let's go." Hinila niya ako. Halos tumakbo na ako para lang makasabay sa kanya pero masyado siyang mabilis. 

"Hinay hinay ha." I shout at him. 

Pero hindi siya nakikinig. Tinatahak namin ang rooftop nitong restaurant shuta siya ano na naman ba? 

Ilang beses kong ginustong kumawala sa hawak niya pero hindi niya ako binibitawan. 

"We're here." Tsaka niya ako binitawan pagkasabi sa akin nun. 

"Ano ba? Ano na naman ba 'to?" 

"See for yourself, Miss." Tumingin ako sa paligid wala naman masyadong nakalagay sa rooftop na to kung hindi ilaw at kaming dalawa. 

Hanggang sa nakita ko siyang sumenyas. Bakit naman siya sesenyas ei kami nga lang dalawa rito. 

Nang biglang umilaw ang buong kalangitan dulot ng fireworks. Nung una akala ko isang simpleng fireworks lang siya pero laking gulat ko ng biglang may lumitaw na message mula roon. 

"Will you be my girl? Miss." 

Tatlong beses na lumitaw ang ganong message. First time ko makakita ng ganung klaseng fireworks. 

"Kala ko ba boring date natin. Miss?" I heard him whisper in my ear and he is at the back of me. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran.

"Simpleng fireworks ka pala makukuha Miss." Siraulo simple daw! 

"Siraulo ka anong simple dun? Tsaka pwede ba na mag display ng fireworks dito kahit walang okasyon?" I asked him that. 

"Hmm. For sure they don't mind." He said. 

"Pero.-" I can't even finish my words. I was literally speechless to his surprise. 

"That's beautiful. Isn't it Miss?" Rage leaned on my shoulder and he sniffed it. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Like bakit? Napalunok ako ng tuyong laway this is the first time someone did that to me. 

"Maganda." I try to make it sound calm. 

"Ang ganda nga." He said. He made me turn around so I could face him. 

Inabot niya ang labi ko and we kisses. We kissed under the fireworks. 

I placed my arms on his shoulder and his hands were on my waist. We just kissed last time when we're in hospital but now I feel like I already mastered it. 

Rage never turned our kisses to wild ones like it was about what happened last time. It's just so slow but full of emotion. He also kisses my cheeks, my eyes, my nose and goes back to my lips. 

"Am I your first kiss Miss?" He asked. When our lips parted ways. 

"Yes!" I admit. 

"Really, Miss?" He wants to confirm that. 

I slowly nodded. 

"Let me give you the 'first time' you will ever experience." I look at him in his eyes. 

"Then stay with me." I don't know why I am saying this but that's the words that came out of my mouth. 

"You don't have to say it Miss. I will stay, cause you gave me the reason." He replied and kissed my forehead. Then suddenly my heart beats so fast. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status