Share

Chapter 1

FINALLY! After ten years natatapakan ko na rin ang Pilipinas. Nasa labas na ako ng Airport, but wait ganito na ba talaga ka init ang Pilipinas ngayon? At ano ba 'tong nakikita ko… ang sakit sa mga mata, nakakasilaw.

Kahit masakit sa mata, lakas loob ko itong nilinaw Kung ano ba talaga ang isang bagay na 'to ba't ang silaw.

At nang na klaro ko na ito— Damn!

Tama ba itong nakikita ko? Isang ulo, isang kalbong ulo! At si uncle Ricky pala ito.

Ang nagtitirik na init ng araw ay nag-reflect sa kaniyang ulo, ayun tuloy akala ko pa naman ang silaw na nakita ko ay reflection ng isang salamin ng sasakyan o isang crystal na kakalinis lang.

Daig pa ang sahig na ka-kafloorwax lang, sa kinis ng ulo pa naman nito. Bakit hindi ako na update na nagpakalbo pala siya.

Andito na ako ngayon sa kinaruruonan ni uncle Ricky sa parking area. May kasama siyang mga unipormadong dalawang lalaki.

"Hi uncle." Niyakap ko siya sabay himas  sa kaniyang ulong kalbo. Kumalas ako kay uncle at tumingin sa dalawang lalake.

"Hi miss beautiful!" Sabay abot ng kanilang mga kamay sa akin.

Una ako nakipag-shakehands sa isang taong payat na sa tingin ko, sa isang linggo iisang beses lang siya kakain. Mataas ang mukha niya, may malaki siyang mga mata at sakto lang naman ang tangos ng ilong niya.

Ang lawak ng ngiti niya nang mahawakan na niya ang aking kamay, at ngayon ko lang napagtanto na  dalawa lang pala ang ngipin niya. Tanging sa ibaba lang ng baba niya ang may ngipin and the rest ay wala na.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ang maawa ba o matuwa.

"Ako po shi Bershing."  Tipid ko siyang ningitian sabay bawi ko sa aking mga kamay.

shi Bershing? Baka si Berting.

"Hi, my name is Bokyot." Nakipag-shakehands din ako sa kaniya.

But wait whats this smells? Amoy bantot hindi ko mapaliwanag ang amoy nito. 

Lumawak ang ngiti ni Bokyot, dahilan upang makita ko ang kulay dilaw niyang mga 

ngipin— no hindi dilaw, talagang orange na ito.

Hininga niya pala ang na amoy ko. Kumpleto ang mga ngipin niya ngunit hindi naman nag-totothbrush. Mabuti pa si Berting dalawa lang ang ngipin ngunit mapuputi naman ito. Agad ko namang binawi ang aking kaliwang kamay.

"Okay thats enough, nagugutom na yang pagmangkin ko." Ani ni uncle

Dala-dala ni Berting ang aking suitcase, upang dalhin sa likod ng kotse. Bago pa man siya  mawala sa paningin ko, kitang- kita ko nang pinasok niya ang kaniyang maliit na hintuturo sa kaniyang ilong at inikot ikot niya pa ito sa loob.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Akma na akong papasok sa passenger seat ngunit na patingin ako kay Bokyot dahil kitang- kita ko rin Kung paano niya kinamot ang kaniyang puwet gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Inamoy niya pa ito at napabungisngis bago pumasok sa backseat.

Ghad! Sana'y hindi nila iyon ginawa bago sila nakipag-shakehands sa akin. Kadiri naman tong mga tukmol na 'to!

….

NANDITO na kami ngayon sa isang malaki at magandang restaurant, na tinatawag na "Santy Chief" halatang mamahalin ang mga pagkain dito.

Sa iisang table lang kami lahat nakaupo. The chairs are only good for four people. Katabi ko si uncle sa kaliwang banda at kaharap namin ngayon ang dalawang tukmol.

Malapit sa glass window kami, dahilan upang matanaw ko ang mga taong naglalakad sa labas.

Ang inorder ko ay Lobster Frittata, Renato Viola, steak at sushi. Sobrang gutom na ako sobrang naglalaway ako sa mga pagkain na nakahapag sa table namin ngayon.

Akma na akong kukuha ng steak para isubo sa sarili, ngunit nawala ang gutom ko nang makita ko si Berting na habang kumakain nagsilabasan ang mga kanin sa kaniyang bibig at pati narin ang sabaw ng oyster ay tumutulo ito. Mistolang parang naging taeng basa ito.

Paano ako kakain kung ganito kumain ang kaharap ko, hindi ako maarte huh, ngunit nakakadiri lang talaga siyang tignan.

But wait, did they washed their hands before they eat.

"Berting, Bokyot did you washed your hands before you eat?" Naalala ko Kasi yung pinaggagawa nila kanina.

"No miss beautiful." Sabay sagot nila. May pangiti pa!

Mas lalo lang akong napaduwal nang nakita ko si Bokyot na ang karne na kinakain niya ay nagsiksikan sa kaniyang mga ngipin na kulay orange. Ghad ano ba 'tong mga kasama ni uncle Ricky!

" Are you okay my niece?" 

" Yes uncle I'm fine."

Nahalata siguro ni uncle na napaubo ako. Dinaan ko na lang kasi sa paubo-ubo ang pagduwal  ko. Ngunit nakakapagtaka ang sarap parin kasi ng kain ni uncle. Hindi ba niya nakikita ang mga nakikita ko sa mga tauhan niya? O maybe na sanay na siya.

NANG makapasok na kami sa mansion ng pintuan ni uncle Ricky, may mga lalaking unipormado matataas at malalaking katawan na nakatayo dito. Bahagya silang napayuko at sinabing, "Magandang gabi miss A."

Miss A?

Oo tama, simula nung naging 15 years old ako sa New York, miss A na ang tawag nila sa akin. Ayun kay uncle Ricky mabuti na raw na hindi nila ako tawagin sa tunay kong pangalan para itago ang totoong pagkatao ko sa mga taong gusto akong patayin. 

Hinubad ni uncle Ricky ang kaniyang black coat. Kasalukuyang nasa balcony kami, kitang-kita ko ang mga berdeng damo dahil sa crystal glass ang wall nito, sa tulong rin ng mga posteng may ilaw na nakatayo sa labas.

"Putragis! Bakit may unggoy dito?!" Sigaw ni uncle. Nakatingin siya sa likod ng pintuan Kaya nilapitan ko siya. Oo nga may unggoy talaga, but wait—

"Ghad uncle! It's not a monkey, it's Bokyot."

Mataba si Bokyot at syaka maiitim. Parang Negro talaga siya, pero hindi naman ito negro sadyang ka kulay niya lang talaga ang uling.  Tsaka may kalakihan din yung ilong niya kaya napagkamalan tuloy siyang unggoy ni uncle.

"Bokyot ikaw ba yan?!"

Lumawak ang ngiti ni Bokyot, dahilan upang makita ko ang kaniyang nag-oorange na ngipin at maamoy ko ang masangsang na amoy.

"Ako po ito sir."

"You get out!" Binatukan ito ni uncle sa leeg.

Agad na man itong lumabas "bye miss beautiful." Pahabol niya sabay wave hand.

"So Arra." Umupo siya sa puting sofa at naka crossleg and his write hand holding a yosi.

"According to Agent king you have an incredible ability or skills that no one has. According to him, you are his favorite to all of his trainees dahil ang bilis mong matuto at magaling. He strongly believed that you will be a good secret agent— no, not only good but the best among all." Tumayo siya tumalikod sa akin at ngayon nakatutok na siya sa labas na puno ng berdeng damo.

"And because of that, I will test you if you are really incredible." Humarap siya muli sa akin at lumapit. "Sooner or later, you will gonna start your first revenge." hinimas niya ang aking buhok.

I nooded of what he said.

"And also my niece, you should also learn to kill." Mariin ang kaniyang pagkasabi. "Kailangan kang pumatay or else ikaw ang mapapatay." Napangisi si uncle Ricky at sa tingin ko tama ang sinabi niya kaya napatango ako.

I need to kill if I still want to live.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status