Share

Chapter 62

Chantria

Napakalawak ng park dito. Hindi masyado maraming tao at napakalinis pa ng paligid. Halos puro mga bata lang ang nandito na naglalaro kaya marami kaming pagpipiliang lugar kung saan kami kakain.

Ang mga lalaki ang nag-ayos ng blanket na uupuan namin samantalang kaming mga babae naman ang naglatag ng mga kakainin namin.

Nang matapos kaming mag-ayos ay nagkaniya-kaniya na kami ng upo sa dalawang malaking blankets. Katabi ko si Lorreine at si Iwatani. Nasa harap ko naman si Louella dahil nasa may bandang gilid kami.

Panay ang tawanan nina Eric at Aaron kaya hindi namin maiwasang hindi rin matawa. Napakakwela talaga ng dalawang ‘to lalo na kapag magkasama. Idagdag pa ‘tong si Lorreine na talagang nakakasabay sa mga trip ng dalawang ‘to.

Nang magsimula kaming kumain ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sarap ng mga putahe. Napansin ko ring pare-pareho kami ng naging reaksyon nang matikman namin.

“Ang sarap mo pala, Gab!” Natawa kami sa bulalas ni Lorreine. “Charing lang! Pero an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status