Share

Chapter fifty eight

“DUMATING ba sila?” tanong ni Andrew sa kaniyang sekretarya, habang inaayos ang kaniyang kurbata.

“Sorry sir, pero walang Del Fierro ang dumating.” Sagot nito.

“Ganoon ba, nagiging mautak ka na talaga, Calvin. Hindi ka na katulad ng dati na kaya ko pang utuin, dahil matalik pa tayong magkaibigan. Ngayon na halos magkaribal na tayo sa lahat, wala nang lugar ang pagkakaibigan. Tignan na lang natin kung sino ang mananalo sa pagkakataong ito, at sisiguraduhin ko na hindi ka na talaga makakabangon pa.” Wika ni Andrew habang nasa harap ng salamin at tinitignan ang sarili.

Matapos niyang makalabas sa kulungan ilang linggo ang nakakalipas, agad na ipinaasikaso ng kaniyang ama ang isang pagtitipon.

Ito na nga ang araw na isasapubliko na ang pagpapakilala sa kaniya bilang anak ng isa sa mayamang pamilya.

Ang mga Lopez.

“Pumapanig pa rin sa akin ang suwerte, gagamitin ko ito para mailagay ka sa dapat mong kalagyan.” Aniya, tumalikod siya sa salamin at taas-noong naglakad palabas ng kaniy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
SI Andrew Ang may gawa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status