“MAGANDANG umaga po!” masayang pagbati ni Evren kay Don Ronaldo, nasa salas ito at nagkakape.
“Magandang umaga rin, kumusta ang pagtulog mo?” tanong nito sa binata, habang ito’y pa-upo sa katapat na upuan. “Medyo naninibago, nasanay na po kasi ako sa tinuulugan ko sa kulungan.” ani Evren habang napapakamot sa kaniyang batok. bahagya namang natawa ang si Ronaldo sa sinabi ng binata.
“Well, dapat masanay ka na sa bago mong buhay, dahil simula ngayon dito ka na titira, mamaya darating ang kaibigan ko na nagtuturo sa isang sikat na unibersidad, tutulungan ka niyang matuto sa ibang asignatura. Huwag kang mag-alala mabait iyon at hindi mahigpit, siguradong magkakasundo kayo” paliwanag ng matanda kay Evren.
“Sige po, tito.” magalang nitong sagot.
“Maaga kang gising, ang mabuti pa mag-sabay na tayong kumain ng almusal.” anito, tumayo ito sa upuan saka binitawan ang diyaryo na hawak. Patungo na sila nang kusina nang lumapit sa kanila ang isang katulong.
“Don Ronaldo, nariyan na po si Miss Annie,” saad nito.
“Sige, salamat. papasukin mo na siya at patuluyin mo sa kusina.” utos nito.
“Opo,” sagot naman ng katulong.
Habang naglalakad sila, iniisip ni Evren kung ano ang itsura ng magtuturo sa kaniya, “Marahil matanda na ang itsura nito,” aniya, sa kaniyang sarili.
Nasa loob na sila dining area nang mapalingon sila sa isang babae. Matangkad, mahaba ang buhok, at makikita sa postura nito na may kaya ang pamilya. Nang makalapit ito sa kanila ngumiti ito kay sa matanda at nagmano,
“Annie, hija! mabuti naman at nakarating ka!” ani Don Ronaldo.
“Ninong, alam mo naman po na hindi kita kayang tanggihan.” anito, ng may ngiti sa labi. “sino po ba ang tuturuan?” tanong nito.
“O, yes nakalimutan ko, i want you to meet my nephew, Evren, hijo, this is Annie may inaanak.” pagpapakilala nito sa dalawa, nagkamay ang mga ito at ngumiti sa isa’t isa.
“kumusta, ako si Annie, nasabi sa akin ni Ninong na kailangan kong mag-tutor pero hini ko expect na malaki na ang tuturuan ko,” wika ng dalaga, habang nakangiti sa binata.
“Well, hija, samahan mo na kami mag-almusal,” aya ni Don Ronaldo sa dalaga.
“Sige po,” anito, kaya naman naupo na sila at nag-umpisa na silang mag-almusal.
“ANOTHER career that uses mathematics, but less in demanding mathematically than those mention so far, is accountancy.” wika ni Evren habang nagpapaliwanag sa kaniyang Guro. Abala sila sa pag-aaral nang may kumatok sa pintuan. .
“Pasensya na sa abala Miss Annie, pinapatawag po ni Don Ronaldo si senyorito Evren.” anito, habang naka-yuko.
“Sige, pakisabi na susunod na s’ya.” wika ni Annie sa katulong. kaya naman lumabas na ito at muling isinara ang pinto ng silid. “pumunta ka muna roon, bukas na natin ipagpatuloy ang ating aralin.”
Tumango si Evren saka tumayo sa kaniyang kinauupuan. “Can we continue this later?” ani Evren bago siya lumabas ng silid, ngumiti naman si Annie sa kaniya saka marahan na tumango.
“Sure, Why not. I’ll be waiting here.” anito na may ngiti pa rin sa mga labi. pagkasabi nuon ay saka lamang tuluyang lumabas si Evren sa silid.
Pagkarating niya sa silid ni Don Ronaldo, nakita niya na naka-upo ito at nagbabasa ng mga papeles na nasa lamesa nito. Kaya naman marahan siyang kumatok upang makuha ang atensyon nito, lumingon ito sa kaniya saka ito sumenyas na lumapit siya. Iyon naman ang ginawa ng binata, lumapit siya saka naupo sa katapat na upuan.
“Alam ko na nagtataka ka kung bakit kita ipinatawag, kahit na nasa kalagitnaan ka ng pag-aaral mo. I was just excited to tell you this important thing.” anito, habang inilalabas ang isang folder sa drawer. nang makuha ay iniabot niya ito sa binata at pinabasa.
Habang binabasa ito ni Evren, nakikita ni Ronaldo ang pagkunot nang nuo nito. “Ano po ang ibig sabihin nito?” ani evren sa matanda,
Tumayo si Ronaldo sa kaniyang upuan at lumakad patungo sa likod ni Evren. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, saka nagwika.
“I hired a private investigator to check your back ground. and i find out that we are related. nalaman ko rin na ikaw ay nag-iisang anak ng kapatid kong si Ester,” pagsisiwalat nito, na ikinagulat naman ng binata.
“Kaya ang ibig sabihin nito …” ani Evren habang nakatingin sa matanda.
“Yes, i am your uncle ronald, the only brother of your mother. Hindi ko alam kung bakit hindi nai-kuwento sa iyo ng iyong ina ang tungkol sa akin, pero napakasaya ko nang malaman ko na pamangkin kita, na anak ka ng nag-iisa kong kapatid.” anito, habang nananatiling nakakapit sa balikat ng binata ang mga kamay nito.
“Tito, gusto ko pong malaman ang totoo, anong nangyari kay Inay, paano siya napunta sa ganoong sitwasyon.” wika ni Evren,
“Well, because of your father, ayaw ni papa sa iyong ama, pero ipinilit pa rin ng iyong ina ang kaniyang gusto, mahal na mahal niya ang iyong ama. Sinabihan ko siya na huwag sumama sa lalaking iyon, pero ang sabi niya siya ang ama ng dinadala niya. Oo, evren.
Ipinagpalit ng iyong ina ang karangyaan, makasama lang ang lalaking ama ng ipinagbubuntis niya.” mahabang kuwento ni Ronaldo sa binata, tila nais namang maiyak ni Evren dahl sa mga nalaman
“Nagtiis siya na maghirap, ganoong mayaman naman pala ang kaniyang pinanggalingan. halos magkasakit siya at nagtrabaho hanggang sa mapagod ang kaniyang katawan. Nagkasakit siya dahil sa sobrang pagta-trabaho, kaya labing dalawang taon pa lamang ako ay kumayod na ako para makakain kaming dalawa, kinailangan ko rin tumigil sa pag-aaral dahil nais kong suportahan ang kaniyang mga pangangailangan medikal. Bakit niya tiis?!” inis na wika ni Evren, habang umiiyak dahil sa alaala na nais niyang kalimutan.
“Sorry, Hijo. Kung mas maaga ko lang kayong nakitang mag-ina, hindi n’yo na sana sasapitin ang kahirapan at pagdurusa. mahal na mahal ko ang kapatid ko pero pinagbawalan ako ni papa na tulungan siya, kahit ang lapitan siya. Isang beses tinulungan ko ang iyong ina, nalaman ito ni Papa kaya ipinadala niya ako sa amerika at doon ako pinag-aral. Nang mamatay ang lolo’t lola mo dahil sa isang aksidente, doon lamang ako naka-uwi dito sa pilipinas. Hinanap ko kayo, pero wala na kayo sa dati n’yong tinitirahan. Hanggang sa nakapag-asawa na ako at nagkaanak. Pakiramdam ko, inilalayo talaga ng iyong ina ang kaniyang sarili sa akin. ano man ang dahilan niya, hindi ko na iyon nalaman pa.” mahabang saad ni Ronaldo, saka siya lumuhod sa harap ni Evren.
Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Ronald, “Tito, anong ginagawa mo?” tanong niya rito.
“Nais kong humingi ng tawad, hijo. kasalanan ko dapat mas pinag-igi ko pa ang paghahanap sa inyong mag-ina.” anito, habang naka-yuko. kaya naman lumuhod din si Evren at niyakap ang matanda. “You don’t have to say sorry, tito Ronald. marahil ay tadhana talaga na mangyari sa amin ang ganoon, ang importante, narito na ako.” ani Evren, habang patuloy sa pagluha.
“Simula ngayon, ano man ang problema mo, sasabihn mo sa akin. gagawin ko ang lahat para makabaw sa iyo, hijo.” ani Ronaldo sa pamangkin niyang si Evren. Bahagyang natawa ang binata at nagwika.
“Tito, gusto ko po sanang muling pa-imbestigahan ang aking kaso, but this time i want it secretly. gusto kong malaman ang tunay na nangyari nung gabing pinatay ang dati kong amo na si Ginoong Martinez. posible po ba ang bagay na iyon?” nag-aalangan na tanong ng binata sa kaniyang tito. Ngumiti naman si Ronaldo at nagwika, “Walang imposible sa kapangyarihan ng pera, Evren. We are a wealthy family at lahat ay kaya nating gawin. sabihin mo lang atkaagad nating ipag-uutos,” saad ni Ronaldo, tumango naman si Evren at muling niyakap ang matanda.
“Salamat po, Tito Ronald.”
NAG-ARAL nang mabuti si Evren, Sinikap niyang matuto at pag-aralan lahat, kahit ang pamamalakad ng mga negosyo ni Don Ronaldo. Natutuwa naman ang matanda sa kanyang nakikita sa pamangkin. at kapag may libre siyang araw, wala siyang ibang ginagawa ay kundi ang magbasa ng libro. Tahimik siyang naka-upo sa may veranda nang lumapit sa kaniya ang kaniyang guro. “Evren, bakit narito ka? hindi ba dapat nasa gym ka ngayon?” tanong nito sa binata na nakatutok pa rin sa pagbabasa. “Kagagaling ko lang doon. kumusta si Tito?” tanong niya sa dalaga, naupo muna ito saka nito sinagot ang tanong ng binata, “He’s upstairs, nagpapahinga, medyo masama raw ang pakiramdam niya,” wika ni Annie, nakaramdam naman ng pag-aalala si Evren kaya tumayo siya mula sa kanyang upuan at mabilis na naglakad patungo sa silid ng kaniyang tiyuhin. pagtapat niya sa pintuan ng silid nito, marahan siyang kumatok at bahagya niya itong binksan. “Tito, can i come in?” aniya, habang nakasilip sa naka-awan
MATAPOS ang pagpapakilala kay Evren, nakita niya na nagbubulungan ang karamihan sa board member. kaya naman bahagya siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng iba. “Everybody, I know most of you are skeptical about me, I am Calvin Del Fierro, the only heir of Mr. Ronaldo Del Fierro, I promise to do everything, and do all my responsibilities, as your CEO and chairperson of this company. all i wish is to trust me, all of you.” aniya, “pagkatiwalaan n’yo ako tulad ng pagtitiwala n’yo sa aking Tito Ronald.” wika niya “Why do we do that? You just came out from nowhere and now you're going to be the new CEO and Chairperson of the company?” tanong ng isa sa board member, ngunit hindi nagpatalo si Evren sa kaniya. “Why, are you afraid of me Mr. Calixto Ybañez? I know you're schemes here in the company. Well let us say, all of you have a dark schemes here at hindi ako natatakot na alisin kayo mismo diyan sa kina-uupuan n'yo.” matapang niyang pananalita. “Alam ko rin kung ano
KINABUKASAN nagtungo si Evren at Don Ronaldo sa isaisanng negosyo na nais nitong ibigay sa binata, pagpasok nila ng gusali, agad silang sinalubong ng isang empleyado. “Good morning Mr. Del Fierro, I’m glad you’re already here,” anito, habang sumasabay sa paglalakad ni Don Ronaldo at Evren, “Clarisse, gather everybody at the conference room.” utos ni Don Ronaldo rito. “Now, Sir?” nag-aalangan na tanong nito. “I said it clearly, Miss Flores, And i don’t want to say it again.” “Okay, Sir, Immediately.” sagot nito. kaya lumihis na ito ng lakad. Pagpasok ng mag tito sa opisina, naroon na ang abugado ng kumpanya. “Attorney Velasquez, naayos mo na ba ang lahat?” Tanong ng matanda sa binatang Abugado. “Yes, Mr. Del Fierro. Signature mo na lang at ng iyong pamangkin ang kailangan.” Lahad nito, Inabot nito ang isang Folder sa matanda at ipinakita ang mga dokumento. “Evren, once i sign this, Automatic na ikaw na ang bagong owner ng Company, we will renamed it
ILANG araw na lang bago dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang pinakamalaking pagtitipon na gaganapin sa mansion ng Del Fierro. Samantalang si Evren naman ay abala sa pagma-manage ng CDF magazines. “Sir Calvin, we already ship na Magazines to Cebu, natapos na rin po ang interview sa actress na napili mo, now weare heading to the photoshoot, tomorrow at nine in the morning. Tumawag din po pala si Sir Ronaldo, nasa kabilang company siya, ang sabi niya alam daw niya na abala ka ngayon ditto kaya siya na muna raw ang bahala.” Saad ng kaniyang sekretarya na si Clarisse. “Salamat, Miss Flores. Tatawagan ko na lang siya mamaya. Is that all?” tanong niya rito. “Yes, Sir. Kung may kailangan po kayo, nasa labas lang po ako.” Anito saka naglakad palabas ng opisina ni Evren. Dahil unang araw niya sa CDF kinailangan niyang tutukan ito, at dahil nakuha nito ang kaniyang interes lalo na sa Fashion, hindi niya mapigilan ang sarili na maging abala rito. Gabi na pala ng mapansin n
DUMATING na ang araw na kanilang pinakahihintay, ang araw nang pagpapakilala kay Evren sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. Abala na ang lahat ng tao sa mansion, marami ng bisita ang dumating, “Cleo, dumating na ba lahat ng bisita?” tanong ni Ryan sa kaniyang secretary. “Not yet, sir,” sagot nito, nang may dumating pa na bisita, at lumapit sa kanila. “Name sir?” tanong ni Cleo rito. “Mr. and Mrs. Dela Cruz.” Sagot nito, “Welcome, Sir!” pagbati ni Cleo rito. Kaya naman pumasok na ito sa loob kung saan naroon ang lahat ng malalapit na kaibigan at associates ni Ronaldo. Agad na pumasok si Ryan sa loob ng mansion at nagtungo sa silid kung saan naroon si Evren at Ronaldo. “They’re here!” anito, nagtinginan ang magtito saka tumango sa isa’t isa. “It’s time,” wika ni Ronaldo sa kaniyang pamangkin. Kaya naman inayos na nila ang kanilang mga sarili at sabay na lumabas ng silid. “GOOD EVENING, everybody!” panimulang pagbati ni Ryan sa mga bisita. Nang makuha na niya ang
“EVREN? I-iyon ang pangalan mo?” tila nais mautal ni Evren sa narinig. “You’re the son of Andrew and Isabella Dela Cruz?” tanong nito sa binatang kaharap, habang nakangiti ito sa kanya. “And mabuti pa bumalik ka na sa mga magulang mo, baka hinahanap ka na nila.” Wika niya rito, ngunit nanatili itong nakatingin sa kaniya. Kaya muli niya itong tinanong, “May problema ba? Hindi ka pa ba nakapunta ng banyo?” nakita niyang umiling ito kaya bahaya siyang natawa. “Halika, sasamahan na kita at baka kung saang silid ka na naman mapasok!” natatawang saad ni Evren dito, kaya sinamahan na niya ito. Ilang saglit lang ay nakatapos na sa paggamit ng banyo si Reece, “Salamat po ulit, pasensya na rin sa abala.” Hingi nito ng paumanhin. “Wala iyon, may kailangan ka pa ba?” tanong ni Evren kay Reece. Tumango naman ito sa kaniya at nagsalita. “Gusto kop o sanang makita ulit yung mga disenyo mo, hilig ko rin po kasi ang gumawa ng mga ganoon, pero ayaw naman ni Daddy, mag-architect daw ako dahi
TULAD nang pangako ni Evren kay Reece, tinuruan niya ito. Dahil nasa Opisina si Evren ng tumawag ang binatilyo sa kaniya, doon na niya ito pinapunta. “Sir Calvin, ito po ang mga samples nang mga nagawa ko.” Wika ni Reece kay Evren, nang ipakita nito ang mga gawa nitong design. Kaya kinuha ito ni Evren at tinignan isa-isa. Napahanga si Evren dito, dahil ang mga design nito ay halos nalalapit sa kaniya. Pareho ng aspeto at kung sususmahin ay wala itong pinagkaiba sa kaniyang ma gawa. “This is so amazing! Sino ang nagturo sa iyo?” tanong niya rito. Ngumiti lang si Reece bago sinagot ang tanong ni Evren. “Hindi naman po sa pagmamayabang, talent ko na po ito simula pa lang noong bata pa ako. I really don’t know pero sobrang hilig ko po ang gumuhit, speacially when the idea just got into my mind. But when my dad saw me making them , he got furious. Kinuha niya ang mga gawa ko at sinunog ang lahat. Sobra ang iyak ko noon. Kaya ngayon kapag gumuguhit ako, itinatago ko itong lahat dahi
NANG maiparada ni Evren ang sasakyan sa harap ng mansyon, nakita niya ang kaniyang tito ryan na palabas ng pintuan. Nang makita siya agad siya nitong binati. “Hey! Kumusta ang lakad mo?” Tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya at umakbay dito. “Everyhing’s fine! Lahat ay naa-ayon sa plano at hindi sila maghihinala.” masayang saad nito. “Evren, paalala lang na hindi kasali ang mag-ina sa plano mong paghihiganti kay Andrew, hindi nila alam kung ano ang ginawa nito sa iyo. They’re innocent!” paalala nito sa kaniya. “I know, tito. Pero hindi ko magagawa ang plano kung hindi ako makikipag lapit sa mag-ina. Sila lang ang daan para mapalapit pa ako sa hudas na si Andrew.” Inis na sagot nito. “Evren,mag-iingat ka sa gagawin mo, alam ko na nais mong maghiganti sa ginawa sa iyo nang kaibigan mo, pero isipin mo ang mga taong gagamitin mo para lang magawa ang plano mo.” Muling paalala nito, “susuportahan ka namin ng iyong Uncle Ronald, just make sure to be careful from your actions.” Anit