"HAVE YOU found it?" Isang tinig ang pumukaw ng diwa ko.
Umayos ako ng tayo saka tinapunan siya ng tingin. Itinaas ko ang aking kilay saka siya pinakatitigan ng mabuti. Anong ginagawa niya rito sa apartment ko?
"Lo? What bring you here?"
Ngumisi siya saka iiling-iling. I was lost of control. Mukhang may mali talaga nangyayari ngayong araw at liyong-lito na ako kung ano ang nangyayari. I need to end all of this shits.
"Your Mom, called me. And your dad..."
Biglang binaha ng kaba ang aking dibdib nang marinig ang sinabi ni Lolo. Oh, please not now. Kailangan ko pang tapusin ang trabaho ko. I need to end this case of Mister Caline in this just one day.
Lumapit ako kay Lolo saka siya tinitigan. "What about, Dad, Lo? May nangyari bang masama?"
"He is safe now. Nagpadala na rin ako ng mga tauhan doon para bantayan sila ng Mommy mo sa hospital. Habang tumatagal ang misyong ito, apo. Mas lalong nalalagay sa panganib ang pami
ISINARA KO na ang aking attache case nang malagay ko na doon ang lahat nang kakailanganin ko mamaya sa meeting. At maging sa kung ano ang pwede kong pag-gamitan.Inayos ko ang kwelyo ng aking suot na tuxedo saka pinakatitigan ang aking sarili sa salamin. I imagine how long this mission. I hope dito na magtatapos ang lahat.Tumalikod na ako sa salamin saka kinuha ang aking attache case saka na naglakad patungong pinto. Handa na kaya silang lahat manaya sa rebelisasyon kong gagawin?I hope so.Sana maging maayos ang lahat pagkatapos nilang malaman ang totoo.I let a deep sighed at saka pumasok na sa kotse ko at mabilis na pinaharurot.All of their eyes are on me. Puno ng pagtataka. Puno ng pagkaduda. Puno ng pananabik. At puno ng pagka-excitement. Napangisi ako saka napailing when I put my laptop on the desk.Tumikhim ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. 701, 702, 703, 705, 706, and Lolo Borge. Printe sil
HALOS LAHAT HINDI makapaniwala dahil sa aking naging sagot. Mas lalo silang naguluhan at naging balisa. Maging ako rin ay hindi makapaniwala sa aking natuklasan. Nasasaktan rin ako, kasi naging kaibigan ko siya. Pero kailangan kong tanggapin na siya talaga ang salarin.Hindi ko rin alam kung paano humantong sa ganoon si Moina. Kung paano niya napatay ang sarili niyang ama para sa lalaking mahal niya. Para kay Mister Caline Tubera. I found out na siya ang kabit ni Mister Caline, at iyon ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawang Hera at Caline.Dahil sa pagmamahal at kagustuhang mapasa kanya nang tuluyan ang lalaking minamahal. Sinunod niya ang utos nito, ang patayin niya ang kaniyang sariling Ama. At ipalabas na si Mister Caline iyon.Iyon ang pinalabas para aakalain ng asawa at anak ni Mister Caline na wala na ito. Nang sa gayon magsama na silang dalawa at magtago at manahimik. Pero dahil sa umeksena kami hindi natuloy ang plano nilan
ISINUKBIT KO ang kwarenta y cinco na baril sa aking bewang saka naglagay rin ako ng extra sa aking attache case na dala.Inayos ko ang aking suot na itim na jacket. Sinuot ko rin ang relo kong rolex at ang itim kong high cut na sapatos. Kinasa ko ang aking dalawang baril saka iyon isinuksok sa bulsa ng aking jacket.Ilang oras na lang at magkakaharap na kami nina Moina at Mister Caline. Hindi na ako makapaghintay pa sa mga oras na 'yon.Gusto ko silang bugbogin at patayin. Huwag lang nilang gawan ng masama sina Mommy at Lola kung hindi. Ewan ko lang kung ano ang magagawa ko mamaya sa kanila.Alam kong wala akong laban sa kanila. Dahil alam kong matagal na nila itong pinag-planuhan. Alam ko ring may mga tauhan sila sa lugar na kung saan sila naroroon. Alam ko ding hindi tutupad sa usapan si Moira at Mister Caline.Sino ba naman kasi ang tangang kriminal na bubuhayin ang tulad kong nakakaalam ng sekreto nila? Big
SEEING THEM inside of the box made of glass. My heart skip a little bit. Humigpit ang hawak ko sa attache case at masamang tiningnan sina Mister Caline at Moina.Ngising-ngisi sila habang nakatitig sa akin. Hindi ko maalis ang aking paningin sa dalawang tao na importante sa buhay ko.Alam kong nahihirapan na silang huminga roon at sa pagkakataong ito hindi sumusunod sa usapan ang dalawang tao na siyang dahilan kung ba't nasa panganib sina Lola at Mommy.Inilibot ko ang aking paningin sa loob at alam kong sa mga oras na iyon katapusan ko na. Pero hindi ako makakapayag na mapatay nila si Lola at Mommy. Dumaan muna sila sa akin bago iyon mangyari."Laird Hedalgo, a.k.a 707, finally you are here." Bati agad sa akin ni Mister Caline.Ang mga mata nito ay makikita ang pagkapuyat at ang katawan nito halatang-halata na rin ang katandaan. Pero kahit ba ganoon matikas pa rin ito at nalakas ang datin
HINDI alam ni Romulos kung saan siya dadaan. Sa isang masukal na damuhan o sa isang malinis na daan?Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa lugar na kinatatayuan niya ngayon. Ang alam lang niya ay naghahanap lamang siya kanina ng punong mangga para sa buntis niyang asawa. Sigaw kasi ito ng sigaw sa kaniya na gusto nito ng hilaw na mangga.At dahil malayo pa sa bayan ang kanilang bahay ay pumunta na lamang siya sa likod ng kanilang bahay at pumasok sa isang masukal na gubat. Sigurado siyang maraming punong mangga ang makikita niya roon at hitik sa mga bunga. Ngunit, mukha yata siyang nagkakamali. Wala siyang makitang ni isang mangga kanina pa.Di yata't nagmamalik mata lamang siya noong isang araw nang mapadpad siya rito sa kagubatan habang nangangahoy?Ipinilig na lamang niya ang ulo mula sa malalim na pag-iisip. Bumalik siya sa kaniyang kinasasadlakan ngayon. Ano nang gagawin niya? Mukha yatang naligaw siya at hindi na alam ang d
NANLULUMO SI Oddyseus nang marinig na naman niya ang sigaw ng mga bata sa kalye na kaniyang nadadaanan."Kuba! Kuba! Ahh! Pangit! Pangit!""Sinumpa! Sinumpa! Pangit!"Yukong-yuko siya habang naglalakad. Kahit hindi man siya yumuko, sasabihin paring nakayuko siya. Gustuhin man niyang patulin ang mga bata sa panlalait nito sa kaniya hindi niya magawa. Totoo naman kasi ang mga sinisigaw nito sa kaniya, saka ang totoo hindi niya kayang manlaban. Isa siyang mahina.Hindi lang iyon. Mukha yata talaga siyang sinumpa dahil sa kaniyang anyo. May malaki siyang bukol sa kaniyang likod na kung saan tinatawag na kuba. Maging ang kaniyang mukha ay kulubot. Ang mga mata niyang parang tinunaw na kandila. Para iyong kipat kung titingnan. Hindi mo gugustuhing mapatingin sa kaniya.Aakalain mo talaga na isa siyang masamang tao o aswang ayon sa iba. Na hindi naman talaga totoo.Bitbit ang basket ng kaniyang Ina na puno ng mga gulay at ulam nila ay n
"ANAK! DIYOS KO! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ng 'yong ama..."Iniabot naman agad ng kaniyang Inang Victoria ang dala niyang basket na puno ng mga gulay at kasangkapan sa pagluluto. Lumapit naman sa kaniya ang Amang si Romulos at pinakatitigan siya na may pagaalala sa mukha.Ngumiti siya sa mga ito saka isinara na ang pinto ng kanilang bahay. Mahirap na at baka pasukin sila ng mga magnanakaw. Balita pa naman niya kanina doon sa palengke na uso ngayon ang akya't bahay.Hindi rin naman kasi sila ganoon kahirap sa buhay. Masasabi niyang katamtaman ang estado nila. Nakakain naman kasi sila ng tatlong beses sa isang araw. Bumaling siya sa kaniyang Ina."Natagalan po kasi ako sa bayan, Ina. Kung kaya't gabi na po akong naka-uwi.""Diyos ko, anak. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa'yo. Sa susunod sumabay ka na sa Amang mo sa pag-uwi. Para hindi ako mag-alala sa'yo ng ganito."Tumango na lamang siya saka tumungo s
MABILIS ANG lakad ni Oddyseus habang papalabas na ng campus ng paaralan. Nagmamadali siya para hindi niya makasabay ang mga ibang estudyante na walang ginawa kundi ang laiitin siya palagi.Hindi niya alintana ang mga mapang-usig na tingin ng kapwa niya estudyante habang nakakasalubong niya ang mga ito.Tinuturing na lamang niyang parang wala siyang nakikita at nararamdaman. Sa ganoong paraan hindi siya masasaktan ng katotohanan. Noon pa man tanggap na niya ang sumpang iginawad sa kaniya ng diwata.Nagpapasalamat parin siya rito dahil kahit papaano binuhay siya nito at hindi pinatay. Iyon nga lang para narin siyang pinatay dahil sa mga panlalait na kaniyang natatanggap araw-araw. Ngunit kahit na ganoon, masaya parin siya at nasaksihan at naranasan niya ang pagmamahal ng isang magulang.Bigla lamang siyang napatigil nang mabunggo siya sa isang matigas na bagay. Umangat ang kaniyang tingin at pinakatitigan kung ano ang bagay na 'yon.