Share

Chapter 5

Chapter 5

Napatitig ako sa aking sarili. Nakatingin ako sa salamin, at kitang-kita ko ang aking repleka mula dito.

Napangiti ako sa aking nakikita. It wasn't me. I'm matured enough. Lumingon ako sa aking likuran nang may tumikhim mula dito. Si Kida.

"Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir Cedrick. Aalis na daw po kayo." Naka ngiti nitong sabi sa akin. Nakikita kong parang meron pa siyang gustong sabihin ngunit hindi na niya itinuloy dahil marahil sa hiya.

Ngumiti ako sa kaniya saka tumugon, "Salamat Kida, pababa narin ako. Pakisabi kay Cedrick. Tsaka nga pala, may gusto ka bang sabihin? Nakikita ko sa iyong mga mata,"

Bumaba siya ng tingin, bago tumugon sa aking tanong. "Ma'am, pwede po ba muna akong mag-day off bukas? Nagka sakit po kasi si Nanay. Walang mag-aalaga sa kaniya."

Lumakad ako palapit sa kaniya at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. Kaya't napatingala siya't tumingin sa akin.

"Kida, oo naman. Pwedeng-pwede, wag kang mag-alala. Bibigyan kita ng allowance para may ipagamot ka sa Nanay mo. Sa susunod, wag kang mahihiyang sabihin sa akin ang gusto mong gawin. Pamilya na tayo, di ba?"

Nakita kong nag-liwanag ang kaniyang mata, kasabay nito ang kaniyang pag-ngiti ng malapad. "Salamat po, ma'am. Ang swerte ko po talaga at kayo ni Sir Cedrick ang naging amo ko."

"Swerte din namin, dahil naging katulong ka namin. Pareho lang naman tayo." Sabi ko sabay tawa ng mahina. Kaya't naki tawa rin siya sa akin.

--

Napa nganga ako sa aking nakikita. Cedrick is wearing a ash suit with a red neck tie. Black slacks, na bumagay sa kaniyang ka gwapuhan.

His totally a gods, in handsomeness.

"Bakit ang gwapo mo, sweetie?" Naitanong ko sa kaniya bigla dahilan ng kaniyang pag-tawa.

Nangingislap ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. "Since birth na ito, sweetie. Kaya't wag ka nang magulat. Masanay ka na, may gwapo kang asawa, katulad ko."

Hinalikan niya ako sa aking noo na siyang, nagdala sa akin ng kaginhawahan. His totally my calmness.

Kahit kaunting dampi lang ng labi niya sa aking noo. Nag-dadala iyon ng isang malaking boltahe ng kuryente na lumukob sa aking pagka-tao. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. And, I was bless to have him.

Ibayong kaba sa aking dib-dib ang aking naramdaman, sa mga sandaling ito. Mahal na mahal ko siya, at wala nang makapag babago pa niyon.

"You're so beautiful, sweetie tonight. Beautiful is not the right term to use, maybe a gorgeous?"pahayag niya pagka tapos akong halikan sa aking noo. Sinuyod niya ako ng tingin, na siyang nag-bigay sa akin ng pagka tuliro.

Siya lang ang nagpapa ramdam sa akin, na nawawalan ako ng hininga kapag ako ay titigan niya.

I was wearing a ash gown, simple but eligant. Hanggang ankle ang tabas ng gown, hapit na hapit sa aking katawan kung kaya't lumabas ang tunay kong hubog. It's was a tube gown, pero nilagyan ko ng maliit na chaliko para hindi makita ang aking balikat na hubad.

Cedrick will be mad, if I was show my shoulder in a party. Baka, nasa tabi ko siya palagi kapag magka ganoon.

"It's a complement, sweetie?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Pero may ngisi sa aking mga labi.

"No, It's a complement. It's truth rather, it's not only a complement." Sabay niya buhat sa akin papuntang garage.

We're going in the Star Hotel, kung saan gaganapin ang high school reunion ng Oxford University. The reunion, begin.

--

Pagdating namin sa hall, agad nag tinginan ang mga ka-batch mate namin sa loob. I was felt a awkwardness.

Ramdam kong nanginginig ang buo kong katawan dahil sa mga tingin nila. Ang iba masaya kaming makita ni Cedrick, but a half of it was insecure and hatred.

Hindi sila galit kay Cedrick, kundi sa akin. Marami pang ka-batch mate namin ni Cedrick ang hindi ako tanggap para sa kaniya. Maraming galit pa sa akin, dahil asawa ko si Cedrick. But, It's not really matter.

Naramdaman ko ang pag-hawak ni Cedrick sa aking kamay, na nanlalamig at nanginginig. "Remember, you're the Miss P."

Yes, I'm a Miss Pangit.

Iyon ang dahilan kung kaya't napatingin ako sa kaniyang mga mata. Sa isang iglap nawala ang mga negatibong iniisip ko. Napangiti ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang kamay.

Yeah, I was really bless to have him in my entire life.

Naglakad kami ni Cedrick, na magka hawak-kamay, papunta sa isang vacant table para sa mga bisita.

Nag lapitan ang iba naming ka-batch mate sa amin ni Cedrick at na ngumusta. Ang iba doon ay masaya naman dahil nag-kita kita kaming laht, ngunit ang iba ay plastik lang naman.

"Nakita mo ba, sweetie sina Medel at Deigo?" Biglang tanong ko kay Cedrick dahilan ng kaniyang pagtingin sa akin at paglinga niya sa paligid.

"Hindi pa, pansin ko lang sweetie. Mukhang hindi talaga pupunta ang dalawang iyon dito, eh."

"Siguraduhin lang nilang, huwag nang magpapa kita pa sa akin." Sabay ko ngisi na ikina ngisi rin niya.

"Cedrick, Ena? It's that the two of you?" Tanong ng isang pamilyar na tinig ng babae na nag mula sa aming likuran ni Cedrick.

Napalingon kaming sabay ni Cedrick, at nakita namin ang nakangiting mukha nila Kersten at David. Napa kunot ang noo ko.

"Kersten? David? Kayo ba iyan?"

"Yes, we are. Kayo nga!" Sagot ni Kersten na ang lapad ng ngiti. Bigla kaming napa yakap sa isa't isa. Nag punch hug naman sila Cedrick at David. Naki pag kamay naman ako kay David at ganoon din sila Kersten at Cedrick.

We're became friends, nang simula kong mapatawad silang dalawa. Nag bago narin sila kung kaya't wala na akong kailangang ipag-alala pa.

"Kamusta na kayo? Ang inaanak namin ni David?" Masayang tanong ulit ni Kersten. Yes, she's a happy go lucky woman. Iyon ang tunay na siya. Naging war freak lang siya noong high school days dahil sa mga magulang niya. But, it was before. Three years na silang mag-asawa ni David. May anak narin silang lalaki. Si   Tyro Esmopel. Inaanak din namin ni Cedrick.

"We're okay, pati narin ang kambal. Eh, kayo? Kamusta naman? Pati si Tyro?" Sagot ko habang umiinom ng juice na inilapag ng server bago lang sa aming mesang kinauupuan.

"Mabuti naman kung ganoon. Okay lang naman kami, pati si Tyro. Naging makulit na." Nag tawanan kaming lahat sa sagot na iyon ni David.

I was only to say, that I was lucky that they became my friends. Dahil mas nakilala ko pa ang tunay na sila.

"Oo nga pala, nakita niyo ba sila Medel at Deigo? Kanina pa namin hindi sila makita ni Ena, eh. Baka kayo nakita niyo silang dalawa?"biglang tanong ni Cedrick sa kanila.

Napakunot ang noo ni David at parang may iniisip. "Naisahan kayo ng dalawang iyon, no? Kami nga ni Kersten naisahan din nila."napatayo na lamang ako bigla dahil sa sinabi ni David.

" Sinabi ko na nga bang, may pina plano ang dalawang iyon, eh."sabi ko habang pumupuyos sa inis ang aking dib-dib. Ang tanong ano ang pina plano ng dalawang iyon? Ano na naman ang kalokuhang pina plano ninyo, Medel at Deigo?

"Oyy! Wala kaming pina plano, Ena. Sadyang na late lang talaga kami."napatingin kaming lahat sa aking likuran at naningkit ang mga mata ko nang makita ko silang dalawa sa aking harapan.

"At, pumunta pa kayo sa lagay na iyan?" Tukoy ko sa kanilang pagka late sa pagpunta sa hall. Nag-tawanan sila Kersten at David maging si Cedrick.

Nakita kong nag-pout si Medel at napaayos ng buhok si Deigo. May ginawang kalukuhan ang dalawang ito. Sigurado ako.

"Matanda na kayo, hindi pa kayo mga bata." Mas lalong napuno ng tawanan ang sa mesang iyon.

"Sorry na friend, sadyang na late lang talaga kami ni Deigo. Ang importante andito na kami, di ba?" Naka ngiting sabi sa akin ni Medel at tanong habang hawak ako sa aking balikat.

Napa irap ako sa hanhin, hindi ko matiis ang aking best friend. "Sigurado kang wala kayong ginawang kalokuhan ni Deigo?"

"Oo, promise!" Sabay taas niya ng kanan niyang kamay na parang nanunumpa.

"Tss... Sige na nga! Umupo na kayo."

Napuno na naman ng ingay ang buong mesa namin. Napatingin ako kay, Cedrick. Ngumiti siya sa akin sabay mutawi ng lingwaheng I love you. Nag kibit-balikat na lamang ako, sabay lihim na napangiti, na hindi naman nakaligtas sa mga mata niyang maganda.

--

Sa kalagitnaan ng party, isinayaw ako ni Cedrick. Nauna na sila Medel at Deigo, sumunod sina Kersten at David. Kaya't ang kinalabasan, naririto rin kami ni Cedrick sa dance floor. Nakikisabay sa kantang friend of mine  ni Lea Salonga.

"You're so beautiful, sweetie. Hinding-hindi ako mag-sasawang titigan ka araw-araw."

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa sinabing iyon ni Cedrick. Kahit, dito sa dance floor pinapa kilig niya parin ako. Na isa sa mga minahal ko sa kaniya.

"Kahit, araw-araw pa kitang maka sayaw, basta't makasama lang kita't makapiling." Dugtong pa niya.

"Hobby, mo na talagang pakiligin ako, no?"iyon lamang ang nasabi ko sa kaniya.

"Bakit sweetie, nagsasawa ka na ba?" Parang bata niyang tanong kasabay ng pagdaos-dus ng dalawa niyang kamay sa aking bewang dahilan upang ako'y mapa singhap.

"Hindi, eh... Kasi.. Ikaw.." Sabay ko baba ng aking paningin. Ano nga ba ang gusto kong sabihin?

"Kinikilig ka, no?" Bigla akong napa angat ng tingin upang siya'y aking masulyapan. Nakita kong kumikislap ang kaniyang mga mata sa aking naka tingin.

"Oo na, kinilig na ako." Naka ngiti kong turan, kasabay 'nun ang pag-init ulit ng aking pisngi.

Bumalik na kami sa mesa na kung saan kami naka upo kanina. Paupo na sana ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Tiningnan ko ito at binasa ang text message. Ngunit, ako'y nagimbal sa aking nakita.

From: unknown

Masaya ba kayong dalawa ni Cedrick, sa reunion ngayon? Well, I hope so.. Dahil malapit na ang araw, na magiging pighati din ang dadanasin ninyo ni Cedrick. :) Scared? Wag muna, wala pa nga akong ginagawang masama. Text palang at ito:

-AC

Tapos may naka attouch sa message niya ng isang litrato namin ni Cedrick na may kalakip na text na dead.

"What..the..hell.."

Napatingin ako kay Cedrick, sabay ko pakita sa kaniya ng text message. Kinuha niya ang cellphone ko at pinakatitigan ng mabuti.

"What the hell?!" Biglang sigaw niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status