Tumayo na si Matt at hindi na muli akong kinulit tungkol sa takot ko sa dugo. "Bakit ka nakaupo dyan? Magluto ka na at maglinis!" Humarap ako kay Rafael nang makapasok siya sa loob. Tumayo ako at hindi na lang sumagot. Dumiretso ako sa kusina at napahinto ng maamoy ang fried chicken at sinigang. Pagpasok ko nakasuot ng apron si Matt at sumisipol pang nagluluto. "Wow!" Hindi ko mapigilang sabihin. Humarap siya sakin at umiling."Di ba sabi ko magpahinga ka muna doon sa sala?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. Hindi ko maalala kong may sinabi ba siya kanina. Di bale na lang. "Gutom na ko." Bulong ko."It is obvious." Komento niya at nilagay sa tray ang mga fried chicken. "Mauna ka nang kumain samin. Sigurado hindi ka papayagan mamaya ni Rafael na sumabay samin." Tumango ako at kumuha ng kubyertos at plato. Nilagay niya sa mesa ang mga ulam pati na rin ang isang mangkong ng kanin. Kumislap ang mga mata ko at hindi na sinayang pa ang oras.Makalipas ang ilang sandali. Inaantok na ko sa
Nakatingin pa rin ako sa pinto kahit wala na si Rafael doon. Ang galit na nagmumula sa kanya puso ay napakabigat. Tumayo ako at tumingin sa bintana. Kung ako ba ang nasa posisyon niya ano ba talaga ang magagawa ko sa ganitong sitwasyon?Ang nag-iisang kapatid niya namatay tapos malalaman na lang niyang hindi aksidente ang lahat. Am I going to feel wrath?Pumikit ako at ang mukha ni ate Diane ang na isip ko. Nakataas ang kilay habang pulang-pula ang mukha. Ang mga salita niya na tagos hanggang buto. Napalunok ako at dumilat. I fully understand Rafael, but differently. Anger gives a hole in someone's heart, but why can't I let myself feel this? Am I not normal?Ngumiti ako ng mapait at naglakad palabas ng silid. Tahimik na sa baba. Maingat ang mga hakbang ko sa hagdan upang hindi makagawa ng ingay. Nakarating ako sa sala ng tahimik ngunit na estatwa ako sa nakita. Si Rafael nakahiga sa sofa. Akmang tatalikod na ko ng may humila sakin sa kusina. Tinulak ko ito at kunot noo akong tumingin
Hinila ko ang papel sa gilid ng pinto. It is a piece of letter that was attached to the threshold. Hinipan ko ito para mawala ang alikabok. Sa sobrang lakas ng sara ko ng pinto kanina kaya lumabas itong sulat. Mabilis ko itong binuksan at binasa. Mga sulat ni James. Tumitig muli ako sa threshold. Hindi kaya nakatago dito ang mga iba pang sulat? Binuksan ko muli ang pinto at kinatok ang threshold. Hinila ko ang kahoy pero ayaw mabuksan. Sinubukan kong hilain ang nasa gilid at natanggal ito. May butas na lagayan sa loob. Ano kaya pwedeng pag-ilaw ko dito?"Diane, anong ginagawa mo? Bakit ang ingay mo?" Napa-angat ang ulo ko ng marinig ang boses ni Matt. Hindi pa pala siya tulog. Tumayo ako at inapakan ang threshold."May nahulog lang ako." Palusot ko."Ano naman yun?" Hindi ko alam anong isasagot. Lumunok ako at yumuko. "Fine. Check it tomorrow. Don't make any noise." Tumalikod na siya."Teka!" Sigaw ko. Pumihit siya paharap na salubong ang kilay. "Huwag kang maingay," bulong niya. "Wh
Sa kalahating oras na sinuklay ko ang balahibo ng kabayo nawala ang lungkot at inis ko. Hindi ako makapaniwala na takot na takot ako sa puting kabayong ito noon pero ngayon tuwang-tuwa ako sa kanya."Salamat!" Masayang kong sabi habang naghuhugas ng kamay sa gripo sa gilid nito. Pinunasan ko ang kamay ko at ang mukha. Pagtingin ko sa labas ng bahay na ka off na lahat ng ilaw. Siguro naman hindi ni-lock ni Rafael ang pinto kung hindi tatakas na talaga ako. Paakyat pa lang ako sa hallway ng biglang umilaw sa tabi ng mga bulaklak. Napahinto ako at tumingin sa paligid. Nakarinig ako ng yabag palapit sakin. Hindi na ko nag-aksaya ng oras at tumakbo sa loob ng bahay. "Wait!" Hinila ko ang pinto at sinara ng malakas. Huminto ako habang hingal na hingal. Ang lapit lang ng tinakbo ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko. "Diane! Open the door!" Nanlaki ang mata ko. Si Rafael ang nasa labas. Yumuko ako at binuksan ang pinto. Hindi ako makatingin sa kanya. Tumalikod na ko at hindi na lumingon.
Pinunasan ko ang mukha ko at huminto sa pag-iyak. Tumayo naman si Matt at iniwan ako sa sala. Bakit nga ba ako umiiyak?Tumingin ako sa kamay ko. Hindi naman masakit at isa pa kasalanan ko naman. Alam kong hawak ko na ang bubog ng basag na baso, kinuyom ko pa rin ang kamay ko. Umiling ako at tumayo. Nakailang hakbang pa lang ako ng marinig ang tunog ng telepono. Lumapit ako dito at sinagot."Matt makes sure Diane will not go anywhere. Monica is in shock now." Nagbuga ako ng hangin. Ang babaeng yun talaga patuloy pa rin ang pagsisinungaling."Huwag po kayong mag-alala Sir, hindi po ako tatakas dahil wala naman akong kasalanan!" Sigaw ko sa telepono at binaba ito. Grabe talaga ang Rafael na iyon, mas pinaniniwalaan niya talaga si Monica kesa sakin. Sabagay sa mga mata niya pala ako ang pumatay sa kuya niya. Napaluha na naman ako. He was indeed playing my feelings. I will never believe in his words again. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo paakyat sa hagdan. Nakita ko bukas pa rin a
Yumuko ako at pilit pinapakalma ang tibok ng aking puso. Hinawakan ni Rafael ang baba ko at ini-angat ang ulo ko. Nagtama ang mga mata namin. Kumislap ang mga mata niya at ngumiti ng tipid. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip. Hinawi niya ang buhok ko na natatakpan ng aking mata. Lalong nagwala ang puso ko. Hindi ako makagalaw at ramdam ang pagpawis ng aking palad at noo."You're beautiful." bulong niya. Ano bang ginagawa niya? Pinapaasa na naman niya ako. Umurong ako at tinampal ang kamay niya."M-Magluluto na ko." nauutal kong sabi at patakbo pumunta sa bahay niya. Habol ko ang hininga ng makarating ako sa kusina at ni-lock ang pinto. Huminga ako ng malalim at tinuon ang atensyon sa mga gulay. Makalipas ang kalahating oras nawala na rin sa sistema ko ang init at kilig na binigay ni Rafael sakin. Kailangan hindi ako magpadali sa mga salita niya lalo na sa mga kinikilos niya. Basta kapag may nakita na akong ebidensiya aalis na ko. Pilit kong sinisiksik sa isipan ko. Bago lang ito sa
Buo na ang pasya ko. Inisip ko na kagabi ang dapat kong gawin. Sisiguraduhin kong hindi na papansinin si Rafael. Tango at iling ang dapat na sagot ko sa kanya. Maaga akong nagising para magluto at bumalik agad sa silid ko. Nang marinig ko na ang mga yabag niya sa tapat ng kwarto niya ni-lock ko na ang kwarto ko. Naglagay na rin ako ng mga notes sa refrigerator. Makikita naman ni Matt yun at sasabihin sa kanya.Pagkatapos ng isang oras sumilip ako sa bintana. Tama ang hinala ko aalis sila. Sabay silang pumasok ni Matt sa kotse. Humakbang na ko palabas ng silid. Nagsimulang maglinis sa hagdan at hallway. Tapos sinunod ang sala at kusina. Saktong tumunog ang tiyan ko ng matapos ako. Kumain ako at nanlaki ang mata sa nakita. Walang natirang pagkain! Nanghihina ako nagluto ulit at umupo muna sa tapat ng mesa. —"Diane!" May tumatapik sa kamay ko. Inalis ko ito at tinuloy ang tulog ko. Naalimpungatan ako ng maaninagan ang isang bulto ng lalaki. "Matt? Ang aga niyo nakabalik." Humikab ako
Sa buong byahe namin ni Matt naging tahimik lang sa kanyang kotse. Hindi ko malaman kong ano bang ibig niya sabihin kanina at panaka-naka din siyang nakatingin sakin sa rearview mirror. "Ano ba kasi yun?" Tinaasan ko siya ng kilay at hininto naman niya ang sasakyan sa gilid ng palengke. "Rafael is jealous." Tumawa siya at lumabas na ng sasakyan. Si Rafael magseselos. Imposible! Binuksan ko ang pinto at tinanggal ang seatbelt. Naningkit ang mata ko. Kaya ba sa backseat niya ako pinaupo imbes na sa tabi ni Matt. Umiling ako sa naisip. "May Monica siya." bulong ko sa sarili at sinara na ang pinto ng sasakyan. Sumunod lang ako kay Matt habang bumibili siya ng mga sangkap para sa pabrika. Nagulat ako ng nagtanong siya sa nagbebenta ng gulay. "Pati gulay?" taka kong tanong. Umiling naman siya."I already asked about the price so you can buy here for fresh vegetables and meat. I need to pick up all the ingredients." Pabalik na siya sa kotse ng hinila ko ang kamay niya."Iiwan mo ko dito?"