Hindi ako makatulog at namimigat ang dibdib. Wala na ang mga sugatan sa labas ngunit hindi ako mapanatag. Hindi ko maiwasang isipin ang pinagmulan ng lahat.Paano kung simula pa lamang ito? Ngunit ito ang nangyari, maraming inosente ang dumadaing ng sakit. Kaya paano sa susunod? Anong mangyayari?Maingat akong lumabas. Napakadalim nang pasilyo at patay-sindi pa. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang ginagawa ni Dan sa yaman niya at ganito ang hospital na ito. O mali ako't hindi naman sa kaniya ito?O isang kastilyo nga ba ito sa simula pa lang?Narating ko ang exit nang walang nahagip na mga nurse man o pasyente. Sarado ang mga silid at mukhang namamahinga na ang lahat. Nakapagtataka nga lang kung bakit walang naka-estasyon na mga nurse kung maaring may emergency?O mali na naman ako sa iniisip kung 'to?Nasagot lamang ang katanongan ko nang mapagtantong nasa isang palapag pa lamang ako. Halos malula ako nang bumungad sa akin ang hagdan pababa at pataas. Matayog pa ang taas, at natanto k
Tumawa lamang ang lalaki habang hindi ko na mahanap ang naipong lakas upang tumakas. Hindi ko maunawaan at natulala sa pamilyar na pigurang pababa sa hagdan. Lalo na ang lumabas sa kaniyang bibig na mga salita.Nabingi lang ba ako? Ngunit hindi. He had a wife! Definitely not me! Kung ako...paanong hindi ako nakilala ng lalaking nakaputi nang tinahak niya ang hagdan?“Hindi ako tanga, Henry!” sigaw nitong nag-echo at bumibingi sa akin. Ang tawa nito ay parang hinahamak ang kawalan ko nang kaalaman. Hindi siya tanga at alam niyang sino ang tinutukoy niya. At hindi ako 'yon! “You're wife? Don't expect a living one,” madamdami nitong pagpatuloy, bumagsik ang tono ng boses. “Better not expect she's in the right hand-” bumalik ang tawa nito, natigil sa isang pagpatid sa mismong panga nito.“You're talking too much,” malamig pa rin ang boses at may kaunting poot. Rinig ang malakas napagtama ng lalaki sa pader. Tumilapon ito ngunit nagawa paring mag-echo ng pagtawa nito. Lupaypay itong napa
Inisip ko na lamang hindi ligtas ang manatili. Iba ang karanasan niya sa paglayo, maaring iba rin ang kahinatnan ko. It depends on circumstances. Wala naman akong rason upang manatili, hindi ba?Ngunit nandito ako...unti-unting sinalubong ang pagpatak nang ulan sa maugat na puno. Gusto kong magwala ngunit hindi alam kung sapat ba ang rason ko. Ano nga bang dahilan at nagdadalawang isip pa ako?Dapat noon pa'y tumakbo na ako. Tumakas!Ininda ko ang lamig ng tubig ulan at sinuong ang highway. Pagbaba ay hapong-hapo ako. Nilibot ang mahamog na paligid at inisip kung paano ba ako uuwi ngayon? May uuwian pa nga ba ako?Tinutusok ang puso ko sa isiping wala na nga. Dati ay wala naman akong pakialam. Kaya ano bang bago ngayon?Nalaman ko lang naman ang katotohanan kay Dan. Natawa ako. Ano naman kung nalaman ko? Hindi ba 'yon ang dahilan ko sa pagtungo sa kastilyo?He loves someone! A wife he call it, when I'm here the legal one. Sa papel nga lang. Ngunit bakit ko nga ba kinukumpara? Ano sa
There's a people...in the dark?Pinagkibit-balikat ko na lamang ang lahat. Para bang wala 'yong pinagkaiba sa mga nobelang nabasa ko. A plotline? Is he just gives me idea for a story, then?“I'll drive you home,” siya nang napansin ang pagtila ng ulab. “Good idea,” paghinga ko nang malalim at hindi na pumalag sa suhestiyon niya. Lumiwanag lamang ang mukha niya. Hindi ko na pinansin nang biglang mapansin ang hindi ko inaasahan sa ilalim ng kaniyang table.“Libro...” “Tayo na?” pagtayo niya na tumabon sa liwanag na sumisilay sa libro. Napansin ko ang paglunok niya at hindi na ako nag-usisa nang mapagtanto ang isang bagay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya na labis kong kinagulat. Nagulat na nga ako na hindi ko man lang ito kanina napansin, isa pa itong mga galawan niyang nagpabalik sa mga imahinasyon kong saglit atang napiga dahil sa mga nangyari. “Thanks,” sabi ko nang tuluyang makapasok. Bitbit ko ang basahan at nagsimula nang isipin kung ano ang sasabihin kung saka
Just as usual I'm on my journal. Rinig na rinig sa katahimikan ng silid ang pagsulat ko roon.Darkness. What accompany the darkness?Naalala ko ang lalaki, ang kaniyang matalinhagang binanggit sa kubo. Kahit sinabi kong mas makatotohanan pa ang kwento kaysa roon, binabagabag pa rin ako.Napalukso ako nang biglang may busina sa labas. Dali-dali kong tinago ang journal at namamawis na tinungo ang pinto. Bumungad sa pagbukas ko ang pamilyar na sasakyan. At hindi 'yon kay Dan!Hinintay kong bumaba ang kung sino. Abot-abot ang talahip ng dibdib ko. Nag-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Naririnig ko ang boses ni Dan sa likod ng aking isipan. Nanlalamig akong tinatanaw ang pgbaba nang lalaking may malawak na ngiti sa mga labi.“Hi,” aniya.“A-anong ginagawa mo rito?” halos hindi ko mahanap ang boses sa sumasabay na kabog ng dibdib.“Hindi pala ako welcome?” biro niyang tinatago ang sakit sa mukha.Hindi ko na lamang pinansin. Sana nagbiro na lamang siya. Nag-guilty ako sa hindi ko ka
Hindi ko naman talaga inisip ang paggising nang wala siya. Ngunit nang marinig ang sinabi ay natanto ko. Bakit nga ba wala ito? Sino ang pinuntahan nito?Hindi ko man gusto ngunit nakukuryos ako. Gusto kong maging masaya para sa kaniya at hayaan siya sa kaniyang ginagawa.“Hindi. Okay lang, Dan,” pagbitiw ko sa kaniyang malagkit na tingin. Naduduwag sa kumakabog na dibdib sa gustong usisain.“Okay lang talaga. Hindi mo kailangang hintayin ako sa paggising-” napasinghap ako sa kamay niyang napadpad sa buhok ko.Inayos niya ang pagkagulo no'n habang hindi mawala ang kakaibang tingin. “Pero gusto ko. Hindi ayos sa aking wala ako sa tabi mo,” may himig ng paghihirap ang kaniyang tinig.“Dan...” kinakapos sa hingang sambit ko. Gusto kong pigilan ang paglambot ng aking mukha. Ang simpleng reaksiyon niya nga lang ay nagpabilis nang tibok ng puso ko. Kaya paano pa ang mga salitang binabanggit niyang halos paulit-ulit nag-replay sa utak ko?“M-may gagawin pa ako Dan,” ulit ko sabay layo sa
Noon o ngayon, walang pagbabago. O mas mainam sabihing mas lumalala ang pakiramdam na nabibilanggo sa sariling bahay mo. Kung nang nakaraan ay walang pag-alinlangan sa akin ang lakbayin ang kastilyo, ngayon ay nagdadalawang isip ako. Dati ay inakala kong walang ibang naninirahan at masukal ang lugar na ito, ngunit kahit sa gubat ay may napapadaan, at hindi ako tangang hindi nalalaman ang ibig niyong ipakahulogan.Nanatili lamang ako sa bintana ng aking silid, sa pagkakataong 'to ay napansin ko ang pagdaan ng pamilyar na sasakyan. Hindi ito huminto ngunit humina ang takbo. Bumakas pa ang windshield at tumambad ang hindi man nakatingi sa pagkakataong 'to ay nababakas ng karismang lalaki. Sa pagbaling nito sa silid na kinaroroonan ko ay ang siyang pagsilaw ng diyamante sa tainga nito.“Baliw talaga,” bulong ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na halos huminto ito sa tapat ng gate, bumubusina pa ng ikatlong beses. Sa tuwing napadaan siya ay wala si Dan, kaya hindi ko siya pinagbuksan. Ni
“Not the whole town,” sabi niya, napakamot sa batok at para pang nahihiyang hindi makatingin ng deritso. “Just this part of the town....”“Ah, right!” Natanto ko at nanlalaki ang mga mata sa mangha. “This town is so far big and wide for you to manage it yourself... Wow!” “I just told you I'm not alone in this,” singit niya.“Oh!” Natawa ako. “Yeah, you said that. My bad!”“That's fine,” natawa na lang rin siya. “You know, only few know exactly how big this landmass of the entire town, so understandable!”Nang marinig 'yon ay gumaan ang dibdib ko. “Kung gano'n ay ayos lang na nagkamali ako,” sabi ko at napangiti na lamang. “Saan banda ka ba nagkamali?” seryoso naman siyang bumaling.Bigla tuloy akong nagtaka. “I mean,” napalunok ako. “Though it's a bit of mistake, it's still a mistake. That's what I thought...” Nawala na ang ngiti sa mga labi kong sinisilip ang reaksiyon niya. “Don't you think I'm right?”“I don't think so,” nagkibit-balikat siya. Nagtaka naman akong napakurap-kur