Share

CHAPTER 46

THIRD PERSON'S POV

Ito ang pangalawang beses na kumain si Gavin ng chop suey. Ang unang beses kasi ay niluwa niya dahil hindi niya nagustuhan ang lasa. . .ilang taon na rin ang nakalilipas. Pero ngayon, ginanahan siya sa pagkain. Hindi siya sigurado kung dahil ba masarap ang pagkakaluto o dahil si Aliya ang nagluto.

Sa ikatlong gabi rin na pagluluto ni Aliya ng chop suey ay kumain ulit siya. He never liked its tastes before but now, he is loving it. Madami siyang nakain na kanin dahil dito.

Pagkatapos kumain ay si Aliya ang naghugas ng pinagkainan. Siya na lang ang naiwan sa kusina dahil bumalik na sa kanilang bahay sina Nanay Elsie at Trina.

Katatapos lang maligo ni Gavin kaya bumaba siya para kumuha ng in-can beer. Hindi na niya inabala ang sarili na magsuot ng pang-itaas na damit. Isinabit naman niya sa kaniyang leeg ang puting tuwalya.

Nang marating ang kusina ay saglit siyang natigilan nang maabutan niya ang pamilyar na pigura. Nagpupunas ito ng mga plato at inilalagay sa lagayan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status