18
Tahimik akong nakaupo. Nakatingin sa kawalan. Tulala. Kanina lang ay apat kaming nandirito pero ngayon ay nag-iisa na lang ako. Ang ingay ng tubig sa likod ko na lang ang tanging naging karamay ko.
Pabalik balik sa isipan ko ang eksena kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ngayon si Vayne sa tabi ko. Hindi man lang ako nagtagumpay sa pag-awat kay Rolan dahil hawak ako sa leeg ni Snow White.
Si Snow White, talagang nagbago na talaga siya. Dati ay pinoprotektahan niya ako kay Ciela pero ngayon ay hindi na siya nagdadalawang isip na saktan ako.
Pero wala akong karapatang husgahan siya sa ikinikilos niya nga
19"Tumayo ka dyan, binibini," may diin na utos sa akin ni King Lash ngunit hindi pa rin ako gumalaw.
20Itinaas muli ni Damien ang wand niya atsaka niya tinutok iyon sa mga paa ko at pagkatapos 'nun ay malaya ko na ring naikikilos ang mga paa ko."Ngayon," ani niya. "Ano ngayon sa dalawang teorya ko ang susuportahan mo?" tanong niya sa akin."Ulitin mo nga ang huling sinabi mo," 'di makapaniwalang sabi ko. "A-Ang mama ko?""Teorya ko lang iyon," sabi ko. "Hindi pa ako sigurado. Tingin mo, kung mama mo nga iyon bakit naman siya papatay ng tao?" takang sabi niya. "Ikaw ang anak, ano sa tingin mo?""Malabo na ang memorya ko tungkol sa kanya," sabi ko. "Hindi ko naman siya nakasama ng matagal.""Nakakalungkot naman," komento niya pero hindi ko alam kung bakit medyo nainsulto ako sa tinuran niya. "Pero gaya rin ng unang sinabi ko, posibleng nagsisinungaling rin si Vayne sa sinasabi niyang kondisyon para magaya ang anyo ng isang tao. Posibleng ginaya niya ang anyo mo nung araw na namatay ang lalaking tinutukoy ko."Magsasalita na sana ako pero kaagad niya akong naunahan, "Alam kong ko-kontr
21"Ang tanong lang ay kung papayag ka ba sa magiging kondisyon natin...""Ano? Papayag ka ba?"Muli kong inalala ang pag-uusap namin ni Damien sa infirmary ng eskwelahan na siyang dahilan kung paano ako naging tagapaglingkod ng kastilyo."Anong kondisyon ba iyon?" naiintrigang tanong ko kay Damien."Para magkaroon ka ng matutuluyan, kailangan mong maging tagapaglingkod ko, Red," sabi nito sa akin dahilan para ikakunot-noo ko senyales na hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya."Ano?" iritadong singhal ko."Kapag naging tagapaglingkod kita, wala ka nang magiging problema sa matitirhan mo o sa pagkain mo," sabi niya sa akin. "Sweswelduhan ka pa ng
22Gaya nga ng unang sinabi ni Damien sa akin kanina, ang magiging kwarto ko ay malapit rin sa kwarto niya bilang tagapaglingkod niya.Nang unang beses akong makatapak sa kwarto ay hindi ako kaagad makapaniwala sa nakita ko. Alam kong para sa mga katulad ni Damien, ordinaryo lang ang kwartong ito para sa kanila. Pero para sa akin, hindi. Ito ang pinakaunang beses na magkakaroon ako ng sariling kwarto at kahit pa na mas simple ito kaysa sa mga kwarto ng mga maharlikang naninirahan rito. Ito pa rin ang pinakamagarang kwarto na matutulugan ko.At dito? Dito na rin nga pala ako gabi gabi nang matutulog mula ngayon.Hindi ako makapaniwala, parang akong nananaginip nang gising!Kaya lang nang tuluyan nang lumalim na ang gabi, ang pag-aakala kong magiging sobrang mahim
23Kasalukuyang nasa labas kami ng kastilyo nina Damien, ako at ni Ginoong Edward. Nakasandal lang ako sa isang puno habang nakaupo samantalang si Ginoong Edward ay tinuturuan siya ng tamang paggamit ng wand sa pakikipaglaban.
24Ang naging resulta ng isang sagot ay ang mga karagdagang mga tanong. Nang matuklasan ko kung anong ginagawa sa akin ni Snow White ay kaagad agad lumitaw ang iilang katanungan sa isip ko dahilan para mas lalo akong maguluhan.Pero sa ngayon, kailangan ko munang isantabi ang bagay na iyon. Dahil may oras pa akong hinahabol. Makapaghihintay pa naman ang isang tanong. Ang unang tanong muna sa isipan ko ang kailangan kong hanapan ng sagot. Kung sino nga ba ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko.Pero hindi rin ganun kadali hanapan ng sagot ang tanong na iyon. Dahil sa ngayon ay kailangan ko munang alamin ang tunay na binabalak ni Enoch. Masama ang kutob ko at ayoko lang balewalain ito. Ito rin siguro marahil ang dahilan kung bakit nag-aalala si Vayne at nakiusap na siya sa akin. Mukhang may hindi magandang binabala
25Kinabukasan ay kaagad nakarating sa hari ang balita. Nalaman ko na lang dahil biglang pinatatawag sina Enoch at ang mga kasama niya sa kastilyo. Ang inaasahan ko ay magagalit nang matindi ang hari dahil iyon ang sinabi ni Damien pero kalmado lang itong nakaupo sa trono nang masaksihan ko ang pag-uusap nila. Pero mahahalata pa rin sa mukha nito na hindi ito natutuwa. Nakakatakot
26Gaya ng inaasahan, nagkatotoo ang mga salitang isinambit ko kay Enoch. Kinabukasan ay parang nawala nga siya na parang bula. Kumalat ang balitang iyon sa buong kaharian at hindi magkanda-ugaga ang mga knights na inutusan ng mahal na hari kakahanap sa nawawalang tagapagsiyasat. Dahil sa pangyayareng iyon ay mukhang hindi nga matutuloy ang binabalak na misyon nila Snow White dahil kailangan na kailangan nila si Enoch sa paglalakbay. Ito lang k