Share

Chapter 30

Isang ex-navy si Joseph. Aussie ito pero ayon na rin sa pagkakakilal nila dito ay naka-base na ngayon ang lalaki sa Espanya. Byudo ito at ang nakakalungkot pa doon ay wala itong naging anak ni isa sa yumaong asawa.

Lahat ng pagdududa na naramdaman ni Jillian dito ay biglang nawala nang makilala nila ito nang mabuti. Sobrang bait ni Joseph at palatawa. Kahit na may edad na ito ng kaunti ay matikas pa rin ang tindig at pangangatawan.

Hindi siya bulag. Kitang-kita ni Jillian ang pagmamahal na nararamdaman ng dalawa para sa isa't-isa. Kaya hindi na niya hinadlangan ang pagmamahalan ng dalawa. Kasalukuyan na ring inaayos ng mga ito ang mga papeles na kakailanganin ng mga ito palipad sa Espanya kung saan nakatira si Joseph.

Oo, gusto ng lalaki na kunin at doon na sila tumirang lahat. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero may tiwala si Jillian. Sasama rin ang kuya Ruben niya. Siya lang ang matitira dito. Ito na sana ang pagkakataon niya na makatakas Kay Paxton at sa sitwasyon na kinalalagyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status