Nakaboxer si Darwin matulog. Padapa habang nag e scroll ng cellphone alam niyang malabong mag text o tumawag sa kanya si Perla kahit binigay niya ang number niya dahil baka tulog na ito. Pero ewan ni Darwin pero para siyang tangang umaasa.Parang siyang tangang alam ng wala ay naghihintay pa rin. Ipinikit niya ang mga mata at tinangkang matulog pero biglang napabalikwas na naman si Darwin.Ang mukha ng anak ni Perla naman ang nakita niya at umiiyak ito. Ngayon lang pumasok sa alaala niya na ng kargahin nga pala niya ang bata kanina at nasalat niya ang sugat nito ay "dada" ang sinasabi ng bata saka yumakap sa kanya bago umiyak."D*mn, nakaramdam ng sabik at inggit si Darwin.Siya dapat ang totoong "dada "ng bata kung hindi lang sila pinaglayo ng ama.Kung hindi sana pinapunta ng Maynila si Perla."Sh*t naman bakit kailangan pang ipangalandakan sa akin na sa iba may anak si Perla ha..?bakit? Kailangan ba talagang ipaalala sa kanya na wala na siyang Perlang hihintayin pa. Dahil sa patulo
Muntikan pa masobsob si Perla sa bato ng marinig ang miss kita na sinabi ng binata. Dios ko para ulit siyang si Perla noong 16 siya na halos mamilipit siya noon sa kanila ng umuwi matapos siyang e mouth to mount ni Darwin noon.Inabot sa kanya ni Darwin ang biniling almusal at mga prutas at mabilis siyang tumalikod at inihain para makaiwas sa titig ng binata."Ang laki ng ipinagbago ni Perla" bulong ni Darwin."Nawala na ang pagkaimature nito napalitan ng gordeous Pearl"Dahil siguro sa panganganak ay medyo nagkalaman ito.Sabagay 16 lang ito ng mayakap niya kaya payat pa noon. Pero alam na niyang mayaman sa hinaharap si Perla. Matapang at palaban ang Perlang kababata niya at gusto niya ang side na iyon ni Pearl pero mas gusto niya ang Pearl na nakikta niya ngayon mas submissive parang mas mabait at malambing na asawa."Ahh siyanga pala may pasalubong nga pala ako para kay... kay. Ahh ano nga ulit yung pangala ng anak mo pearl?"Tanong ni Darwin na hindi maalala ang pangalan ng bata ka
Pumasok pa nga si Darwin ulit sa bahay nang abutan niya ang kapatid ni Perla na si Trinity na kumakain na ng tirang palabok. Inutusan ito ni Perla na ipagtimpla ng gatas si Zairus. baka sakaling malibang ang bata o kaya makatulog kapag nabusog."Nakakatulog ba siya Pearl pagkatapos dumede?" tanong ng binata."Oo madalas tulog siya sa tanghali kase maaga siya nagigising riles dati" sabi ni Perla."Riles?" Maang na tanong ni Darwin"Oo sa tabi ng riles kami nakatira noon sa Maynila" sagot ni Perla na inayos ang unan sa sofa para maging kumpotable ang pagupo ni Darwin. Pinasandal din niya ang binata.Nakuyom ni Darwin ang kamao. Masuwerte ang napangasawa ni Perla napakabait ng kababata at napaka maasikaso pa. Kahit hindi man lang mabigyan ng magandang buhay ang reyna ng buhay niya parang nakaramdam na naman ng inggit at matinding selos si Darwin.Kukunin sana ni Perla ang anak na nakayakap pa rin kay Darwin pero umiling ang binata.Hindi malaman ni Darwin kung anong kapayapaan ang narar
Halos pitong taon niyang hinintay si Perla. Pitong taon niyang inalagaan ang pagibig na mula pa noong bata pa ang puso niya pero wala ng saysay pa talo na sya. Dinala ni Darwin ang tampo at dalamhati hanggang sa meeting ng mga kaalyado kung kaya naman nakipagsabayan siya sa paginum ng alak. kaya naman natagpuan na lamang ni Darwin ang sariling naglalakad sa mabdilim na daan patungo sa baay nila perla ng gabing matapos ang kanilang pagpupulong."Sweetheart... Peal..Pearl gising ka pa ba? nandito ako sana labasin mo ako Peal, gusto kitang makita bago ako matulog Pearl. Kung ayaw mo na talaga kaong makita kahit ngayon na lang pearl hulign pagkakataon Sweetheart please" sabi nito sa may labas na dingsing ng silid nila Perla.Samantala naman nagising si Perla sa tila panaginip, naririnig daw niya si Darwin na tinatawag siya. napahawak sa dibdib si Perla ganun kasakit sa damdamin ang mga sinabi niya kay Darwin at huli na ng matnto niyang baka ikinasama ng loob ni Darwin ang lahat nakaalis
Naging abala si Darwin ng sumunod na araw dahil sa pagharap sa problema ng mga nag aaklas at ang paglaganap ng mga NPA sa kanilang lugar.Naging talamak ang nakawan sa kanilang mga pataniman at ang hinala nila ay ang grupo ni Mando.Pero hirap si Darwin kumilos at gumawa ng hakbang dahil sa pagkakaroon ng koneksiyon ni Drei kay Kaycee kahit papaano ay nangingilag siya sa bagong hipag at sa pamilya nito.Lumipad kaninang umaga ang bagong magasawa at papunta ng kanilang honeymoon. Hindi lumabas si Darwin o hindi man lang naghatid sa kapatid. Nakakaramdam siya ng lungkot at inggit sa kapatid.Bagamat sapilitan ang lahat naniniwala siya magiging mabuting asawa si Kaycee. Isang umaga nakita na lang ni Darwin na nasa kusina si Perla. Nagkasakit kase ang ina ni Perla at kailangang magpahinga muna ng ilang araw kaya si Perla muna ang pansamantalang pumalit sa ina saka hinahasa narin naman siya dahil baka pumasok na rin siya sa trabaho sa hacienda.Kailangan na ng ina ng tulong niya dahil lumal
Hindi na nga nagawang isama ni Perla si Zairus sa hacienda. Balak pa naman niya sana isama ito sa paliligo sa batis. Nang araw sana iyon ang unang tapak ni Zairus sa hacienda ng ama pero nagulat talaga siya sa biglang desisyun ng ina.Kinabukasan ay si Perla lamang ang pumasok ng Hacienda dahil masama ang pakiramdam ni ALing merly ito na lamang daw ang magbabantay sa apo. Sa isang linggong pamamalagi ni Perla sa Hacienda walang nagtanong sa kanya tungkol sa kanyang anak o sa asawa niya mukhang hindi sinabi ng kanyang ina ang naging kalagayan niya.Sabagay hindi nga naman sila umaalis magina sa bahay. Madalas ang ina ang bumibili ng lahat. Siguro paraan na rin ng kanyang ina iyon na ang itago ang totoo o marahil may nakakalam na pero mga taga labas ng hacienda."Kung gayun ay si Darwin pa lang ang nakakaalam ng sitwasyun niya?"Nang araw na iyon pagbalik ni Perla sa hacienda ay siya naman pagdating ni Drei mula Maynila sa pagkakarinig niya mukhang nagaway ang magasawa at umalis si Kayc
Matapos malaman ni Kaycee na may anak siyang naiiwan at hindi nakikita dahil stay in siya pinayagan siya ni Kaycee na lumabas ng Hacienda tuwing umaga para makita ang anak total mas kailangan siya ni Kaycee sa gabi. Bagamat pinayagan si Perla, ginawa lamang 3x a week ni Perla ang pagsipip sa anak dahil hirap na hirap siya dahil naghahabol na ang bata.Eto pa lamang kase ang unang pagkakataon na nahiwalay si Perla sa anak ng matagal at hindi pa kasama matulog. Gusto niyang gawin ang suhestion ni Kaycee na isama na lang ang bata pero ayaw ng ina. Nang maalala kung anong hitsura ng iba nang magbabala ito ay naningas si Perla."Hindi kaya may alam ang kanyang ina?" Nahintakutan si Perla. Bakit nga ba hindi niya naisip agad na posibleng makita ng ina ang kahit maliit na resemblance ni Zairus sa ama.Sa hacienda na nga pala tumanda angbina at nakita nito si Darwin ng maliit pa.Nanginig sa takot si Perla posible ngang alam ng kanyang ina pero hindi siya kinukomprota nito pero bakit? Hindi al
Matapos na maipanig ni Perla ang usapan ng dalawang anino at matapos malaman ni Drei ang lahat sinabi naman nito kay Perla na wala siyang galit sa kapatid at alam na alam daw n iDrie na hindi talaga hahayaan nbi Darwin na sumabit siya sa maling babae.At sinabi ni Drei na kung saka sakali man na totoo ang kina Darwin at Trina hindi daw nito sisisihin ang kapatid. Kilala daw niya si Darwin at alam nitong mapaglaro ang kapatid pero hindi ito nangaagrabyado ng babae."Hah Hindi daw" Sa isip isip ni Perla pero ang dalaga rin ang natauhan dahil alam niyang hindi nga. Kahit ang isang Pumpkin ay hindi inagrabyado ni Darwin binayaran siya nito bilang kapalit ng kanilang pustahan hindi lamang niya tinanggap. At bilanbg si Perla, walang malalim na responsibilidad sa kanya si Darwin.Kung tutuusin nga ay ipinagsisisksikan nito ang sarili sa kanya pero siya ang tumatanggi.Pero ng muling maalala ang eksena ni Darwin at Trina at ang pagiging babaero ni Darwin ng mga sumunod na araw ay mulin