“Where the fck do you think you’re looking?!”
Kaagad na dumausdos pataas ang mga mata ni Ellaine. Tumama ito diretso sa mga mata ng Villain. Nagbabaga ang malalim nitong tingin na siyang nagpatindig sa lahat ng kanyang mga balahibo.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit nitong tanong. Halos kita na rin niyang pumipintig ang isang ugat nito sa sentido.
Napalunok si Ellaine. He’s not the Villain for nothing. Momentum pa lang, parang titiklop na siya.
Marahan siyang tumayo at inayos ang ekspresyon sa mukha, nag-iingat na hindi mapagkamalang isang “threat” ng nasa harapan niya. Hindi siya inaalisan nito ng tingin. Nakaka-pressure.
Hindi talaga siya nilulubayan ng mabagsik nitong
Grabe ang naiwang kaba sa dibdib ni Ellaine pagkatapos makatagpong muli ang Villain. Labis itong naka-drain ng kanyang emotional energy kung kaya’t minabuti niyang madaliin ang ipinunta niya roon. Mahirap nang mas lalo pang magtagal siya sa lugar na iyon dahil baka magkaroon sila ng pangalawang pagkakataon na magkapangita ng Villain, lalo na at may speaking engagement pa iyon.Pagkatapos magawa ni Ellaine ang pakay sa pagpunta niya sa university ay pagod na siya at masakit na ang ulo. The process to withdraw from studying didn’t take too long. Wala siyang naging problema. Pinapahalagahan ng Original Owner ang pag-aaral kaya’t bagama’t hindi ito ang nangunguna sa klase, wala naman itong bagsak na mga subjects.Ang naging sanhi ng sakit ng ulo niya ay ang sekretarya na naunang nag-asikaso sa kanyang request bago niya makausap ang Dea
Wari ni Garreth ay ilang minuto na ang lumipas, pero hindi pa rin tumitigil sa kakahagalpak ng tawa si Aubrey matapos niyang sabihin rito kung sino at ano ang namagitan sa kanila ni… Ellaine Morrigan. Natatandaan na niya ang pangalan nito matapos niyang maengkwentro ito sa pangalawang beses at mabasa ang napakaraming impormasyon tungkol dito. Nahalata kasi ni Aubrey na ang pagkikita nila nito sa hardin ay hindi ang unang beses. Napukaw ang kuryososidad at interes ng kaibigan niyang ito na malaman ang tungkol sa una nilang pagtatagpo at kung paano sila nagkakakilala. Wala talagang balak si Garreth na sabihin ito kay Aubrey, pero dahil sa kababata niya ito at isa sa mga pinakanakakakilala sa kanyang ugali, walang epekto rito ang kanyang malamig na ekspresyon na siyang karaniwan niyang ginagamit bilang pang-iw
Ilang minuto lang ang lumipas at nakita nila sa monitor na bumukas ang pinto sa Room 07 at nagsipasukan ang ilang mga kalalakihan na ang karamihan ay nakasuot ng itim. Sa grupo ng mga ito, madaling makilala kung sino ang pinakimportante at siyang sinusunod ng karamihan sa kanila. Ito ay ang matangkad na lalaking skinhead ang gupit at closed cut ang balbas, malaki ang katawan, at isa sa dalawang naiiba ang estilo ng kasuotan– isang black na waistcoat at dresspants, white dress shirt, no tie, at brown suit jacket. Hindi naitatago ng pormal nitong suot ang pagkasiga nito, pati na rin ang itinatago nitong karahasan. Ang mga kalalakihang nakaitim ay mga tauhan nito.“Hey. Isn’t that Rodrigo Capasso?” tanong ni Aubrey kay Garreth nang makita ito nang mas malinaw.Pareho nilang kilala kung sino ito. Ito lang naman ang isa sa pinagkakatiwalaang
Inaatake ng imsonia si Ellaine. It’s the early hours of August 24th. Hindi pa siya nakakatulog. Nakaupo siya sa kanyang kama at nakasandal sa headboard habang hindi mapigilan ang sarili sa pag-iisip kung nadiskubre na ba ng Villain ang gusto niyang ipadiskubre rito.Buo ang tiwala niya sa katalinuhan ng Villain na makukuha nito ang ibig niyang sabihin. Hindi siya sigurado kung paano nito gagamtin ang impormasyong nalaman nito sa tulong ng mensaheng iniwan niya rito, pero wala siyang duda na masusulit nito ang pagkakataon upang alisin sa landas nito ang ilang mga sagabal sa landas nito.At dapat na hindi nito makalimutan na dahil iyon sa tulong niya.“Aasa ako sa malaking reward in exchange for this,” bulong
“Nightclub raid reveals businessmen involved in prostitution scandal”“Businessman accused of running prostitution ring”“EllipseIS Board calls for resignation of Chairman for involvement in Lavienne Nightclub scandal”“Vega Holdings’ shares drop amidst reports of CEO’s sexual misconduct”Sa iisang balita lamang umiikot ang mga headline sa mga pangunahing istasyon ng balita sa TV. Dalawang araw na ring ganoon simula nang unang pumutok ang impormasyon tungkol sa pinag-ugatan nito.Walang masabi si Ellaine. Kumplikado ang nararamdaman niya. Hindi niya akalaing pipiliin ng Villa
Nakaramdam si Ellaine ng pagod. Nagpaalam siyang magpapahinga muna subalit pinigilan siya ng ama. “Mag-usap muna tayo.” wika nito. Kumunot ang noo ni Ellaine. “Tungkol saan naman, Dad?” “In my study.” mariin nitong sabi bago nagpatiuna, tiwalang susunod siya. Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Ellaine. Sinulyapan niya ang madrasta at stepsister niya na parehong may kakaibang ngiti sa kanilang mga labi, bago niya sinundan ang ama sa study o home office nito. Pribado ang partikular na silid na iyon na tanging ang ama lamang niya ang nakakagamit. Maraming mga mahahalagang dokumento na naroroon kaya kahit ang mga tagalinis ay binabantayan upang masiguradong walang magagalaw o mawawala.
Late na nakatulog si Ellaine nang nakaraang gabi subalit maaga pa lang ay kinatok na ang pintuan ng kanyang kuwarto. Pumasok ang isa sa mga househelp na katiwala ng madrasta at ginising siya.“Sabi po ng Daddy niyo ay kailangan niyo na raw pong mag-asikaso dahil maaga raw po kayong aalis. Parating na daw po yung makeup artist,” wika pa nito sa kanya bago siya nito iniwan.Wala tuloy nagawa si Ellaine kundi ang bumangon na kahit na malakas pa rin ang tawag ng kanyang kama sa kanya. Mabilis siyang nag-ayos para maging presentable man lang subalit bago siya matapos ay muling bumalik ang househelp na nanggising sa kanya na may dalang bath set na may scents at dried petals pa. Meron ding bubble bath, special shampo, pati na rin body wash at lotion.Napataas ang kanyang kilay nang makita iyon.
Wala pa sa kasagsagan ang handaan ngunit marami-ramin na rin ang mga taong naroroon. Napaisip si Ellaine habang umiikot ang tingin sa buong lugar. Late nga kayang dumarating ang mga pinakimportanteng panauhin sa mga piging na katulad nito? Medyo interesante siyang malaman.Tahimik lang siyang nakasunod sa likod ng stepbrother niya na hindi man lang naapektuhan ng atmospera ng lugar. Nasa unahan ang kanyang ama at madrasta habang sila’y iginigiya ng isang usherette. Alice, who went for a demure princess look with her soft wavy curls and crown hairband to match her pink dress, was playing the shy type. Yumuko siya para walang makakita sa kanyang eye roll nang masulyapan ito.Dinala sila ng usherette sa isang may katandaang lalaki na tila inaalo ang isang nagtatampong babae na higit na mas bata rito. Akala ni Ellaine noong una ay mag-ama ang dalawa, ngunit a