Jonathan McKinneyWARNING!! SPG ALERT!!Matapos umalis n Kim kasama si Joville ay mas binabuti kong bumalik na lang ng opisina. Ang totoo ay gutom ako kaya ko siya inaya na kumain sa labas. Nakasawa na ding puro delivery na lang ang kinakain namin. But then, she has another plan. Ayoko naman salungatin siya dahil alam kong hindi pa talaga niya nakakausap ang mga kaibigan niya ng masinsinan. And I know she missed her friend so much.Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Next month, plano kong samahan si Kim sa kumpanya nila. Gusto kong personal na ite-train siya para masiguro kong walang masamang mangyayari sa kanya bago ko ilipat sa pangangalaga niya ang kumpanya. Napatingin ako relong pambisig at nakita kong pasado ala una na ng hapon. Napakunot ang noo ko dahil wala pa siya. Akmang tatayo ako para suriin kung nandito na din ba si Joville ngunit hindi natuloy dahil bumukas ang pintuan ng opisina ko. Iniluwa dito si Kimberly na may dalang take out mula sa Jollibee. Agad na kumu
Kimberly Ann MartinezNagising ako na may kadiliman ang paligid. Tanging ilaw lang mula sa lampshade ang nagsisilbing ilaw ng kwarto. Medyo disoriented pa ko noong una kung nasaan ako, ngunit sa bigat ng nararamdaman at medyo masakit ang ibaba ko ay naalala kong nasa kwarto ako ng opisina ni Jonathan. Napa sapo na lang ako ng noo dahil sa may nangyari na naman sa amin ni Jonathan. Hindi lang isang beses kundi ilang beses pa. Napailing na lang ako dahil bumigay na naman ako sa kanya.Bumangon ako at nakita ko ang damit kong maayos na nakatupi sa paanan ng kama ko. Agad ko itong kinuha at nagbihis na. Pansin kong bago ang panty at iba na ang tatak. Hindi ko na lang iniisip kung nasaan na ang una kung panty at sinuot ang narito. Saktong patapos na akong magbihis ng bumukas ang pinto at iniluwa yon ni Jonathan. Pinindot niya ang switch at lumiwanag ang buong silid. “Babe, you’re now awake,” sabi niya sa akin. “Anong oras na?” tanong ko sa kanya.“Almost six in the evening,” sagot niya. T
Kimberly Ann MartinezPahiga na sana ako sa kama ng malala ang anak ko. Hindi ko pa siya nakita simula ng makauwi kami. Pansin kong wala si Jonathan dito sa kwarto. Hindi ko alam kung umalis ba or nasa ibang kwarto lang. Wala naman kasi siyang sinabi. Matapos ko kasing mag-shower ay wala na siya. Napa buntong hininga na lang ako at lumabas sa kwarto para puntahan ang anak ko kahit mag-alas nuwebe na ng gabi. Sigurado na tulog na ito. Akmang pipihitin ko sana ang sinadora nang makarating ako sa tapat ng pinto sa silid ng anak nang mapansin kong bukas ito. Sinilip ko ang siwang at napansin kong nasa kama din ng anak ko Jonathan. Hindi ako sigurado kung tulog ba ito or gising pa. Dahan-dahan kung niluwagan ang pinto at pumasok doon. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kama. Mukhang tulog na ang mag-ama dahil hindi man lang ito gumagalaw kahit nasa malapit na ako. Umupo na lang ako sa paanan ng kama. Hindi ko na pinilit na makalapit pa kay Kj dahil magkayakap ang mag-ama. Pinagmasda
Kimberly Ann MartinezTakang-taka ako kung bakit mas lalong nadagdagan ang mga files sa mesa ko. Matapos naming makarating dito sa opisina ni Jonathan ay ganito na agad ang bumungad sa desk ko. Mga documento pa rin na galing sa Martinez Corporation. Kaya naman ay hindi ko na mapigilan pang mag-reklamo kay Jonathan.“Ano na naman to? Nakakasawa na kayang magbasa ng mga ito? Gusto mo talagang ipamukha sa akin kung gaano ako kaliit dahil anak lang kami sa labas?” di mapigilang magsalita at ilabas ang mga hinaing ko. Paano ba kasi ang mga nakikita ko ngayon ay ang mga monthly report ng sales and profit ng kumpanya. Pati na rin kung gaano kalaking pera ang inilabas ng kumpanya nila para sa isang project. Bilyon-bilyon ang mga lumalabas at ang income ng kumpanya tapos kami ng mga kapatid ko ay wala man lang nakuha ni isang sentimo. “Come on, babe. Just study it at kung may makita kang kahina-hinala ay wag kang mangingiming magsalita or magtanong sa akin, hmmm?” sabi naman ni Jonatha
Kimberly Ann Martinez“Mr. McKinney, It’s good to see you here,” sabi ng pinakamatanda sa kanila na lalaki. Napatingin muna si Jonathan sa akin bago siya sumagot. “Same here, Mr. Martinez.”So, ang lalaking ito ay ama ng tatay ko? Ibig sabihin lolo ko ang mantandang ito? Agad tumalim ang paningin ko habang tinitingnan ang pakikipagkamay ni Jonathan sa mga ito. Napatingin ako sa ama kong nakamata lang sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa nakita ngunit parang may nabasa akong pangungulila sa mata niya? Napailing ako ng lihim. Naagaw ang paningin ko sa mag-inang Mildred at Mara na parehong nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Tinaliman ko din sila ng mata. Akala nila matatakot ako sa kanila. Hindi. Lalo na ngayon na may anak ako. Hindi ako pwedeng mag-papaapi na lang dahil kailangan kong protektahan ang anak ko laban sa kanila. “Oh, you have a new secretary, Mr. McKinney? She’s so pretty to be your secretary,” sabi ng matandang Martinez. Ayokong isipin na lolo ko ito dahil
Kimberly Ann MartinezWala sa sariling bumangon ako sa kama. Mag-isa lang ako dito sa lugar na hindi ko alam kung saan. May nakita akong sapin sa paa sa paanan ng kama. Kaya yon ang sinuot dahil malamig ang sahig. Naglakad ako patungo sa pinto at laking gulat ng sumalubong sa akin ang isang malawak na karagatan.Nagtataka na nilibot ko ang paningin. Hindi naman umausad ang sinasakyan kung yate. Oo, Nasa isang maliit na yate ako ngayon. Nagtatatakang hinananap ko si Jonathan. Siya lang naman ang kasama ko kanina kaya malamang siya ang nagdala sa akin dito. May nakita akong hagdan papunta sa taas kaya naman ay tinungo ko ito at umakyat doon. Palagay ko ay roof deck ang nasa taas nito at hindi nga ako nagkamali. Gulat akong nakitang may nakahandang lamesa sa gitna nito at may mga nakatakip na hindi ko alam kung ano ang laman sa loob.. Sa gilid ay nakita ko si Jonathan na malayang nakatingin sa karagatan. Hindi naman mainit ang panahon dahil takipsilim na. Napangiti ako at dahang-d
Kimberly Ann MartinezKinakabahan na naglalakad ako kasama si Jonathan sa hallway ng Martinez Corporation. Ayaw ko sanang sumama dahil sigurado akong nandoon ang lahat ng kapamilya ng tatay ko. Ayaw kung mag-cause ng komusyon dito sa kumpanya nila. Isa pa, ayaw kung mahusgahan. But Jonathan insisted that I should be there. Kailangan daw niya ng taga-take down notes since absent si Joville. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangang pormal na pormal ang mga suot namin. Kung simpleng meeting lang ito ay pwede naman casual lang.“Come on, babe. Smile,” pampalakas ni Jonathan s akin habang pinipisil ang ilong ko. Nakabusangot kasi ako dahil kinakabahan ako.“Bakit naman kasi ako ang isinama mo dito. Pwede namang isa kina Gerald at Paolo na lang,” reklamo ko sa kanya. “Nakakasawa na kasing makita ang pagmumukha nilang dalawa,” pabirong wika ni Jonathan sa akin. Irap lang ang sinagot ko sa kanya. Agad pomormal ang mukha ni Jonathan ng makarating kami sa tapat ng pinto. Ako naman a
Kimberly Ann MartinezTumayo ako at nagpahila na lang sa kanya palabas ng conference room. Dinala niya ako sa top floor ng gusali na ito. Manghang-mangha ako sa pagdating doon. Katulad ng opisina ni Jonathan sa McKinney Corporation, mapakalawak din ang buong silid. Wala akong masabi sa interior design dahil sobrang ganda ng pagkaka-design at sobrang kumportable ng paligid. Hindi masakit sa mata ang mga design. Napangiti na lang ako dahil talagang nag-effort si Jonathan para dito."Is this my office?" tanong ko sa kanya kahit na obvious na obvious na sa akin talaga dahil sa labas ng pinto may nakasulat na office of the CEO. "Yes." sagot niya. "Pero sure ka talaga gawin mo akong CEO dito?" hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili akong position dito."Yes, because you deserved it," sagot naman niya. "You like it?""Yes. Thank you," sabi ko."You're welcome, babe," sagot niya at yumakap sa likod ko. Ang hilig nitong mangyakap mula sa likod. Nakarinig kami ng katok mula sa labas