Share

CHAPTER 42: KINO

HEAD MISTRESS IRIS’S POINT OF VIEW,

“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryoso kong saad sa harapan nila.

Tumango ang mga kasama naming administrator dito sa loob ng Head Quarter.

“Masyado na tayong malapit sa katotohanan at hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa amin ang Head Master. Paano tayo uusad sa lahat ng ito kung hindi namin makakausap ang Head Master?” tanong ng isa sa mga administrator na si Damien. 

Natutop ang bibig ko at halos hindi ako makasagot sa tanong niya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at lahat sila ay nakatingin sa akin na kapwa naghihintay sa magiging sagot ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status