Share

CHAPTER 54: SHE

PERSIA’S POINT OF VIEW,

“President!” sigaw ng isang humahangos na kapwa namin estudyante.

“Anong problema, Andy?” tanong agad ni Kuya Levi sa kaniya. Gaya ni Haria ay hinihingal din siya dahil na rin siguro sa pagtakbo, isa siya sa mga volunteer ng medic team na hawak nila Sir Hamiel.

“May nag-activate ng training ground ng walang pahintulot sa tech team, pres. Ayon sa system detector ay Historia Snape ang pangalan ng babaeng nasa loob ng training ground ngayon. Hindi mapatay ng tech team ang system dahil nakabukas ang security ng loob ng training ground,” hinihingal niyang paliwanag sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa mga kasama ko na ngayon ay nanlalaki na rin ang mga mata dahil sa narinig.

“Sigurado ka ba na si Historia ang nasa loob ng training ground ngayon?” naninigurong tanong ni Kuya Levi sa kaniya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status