Umiinom ng alak sa may counter si Jerick sa sariling coffeesshop kung saan gaganapin ang surprise party. Hindi pa rin dumadating si Lala at naiinip na sila sa kahihintay. Nanonood lamang sina Wendy at mga kasamahan nito sa boss nilang si Jerick habang naglalasing."Isa pang shot!" sigaw ni Jerick habang nakangiti itong itinataas ang shotglass."Di na yata darating si Ms. Lala," sabi ng isang tauhan na mataba."Mukha nga.."dagdag ng isa pa."Haist! Kung hindi siya darating, edi hindi. Bakit ba siya naglalasing?" Naiinis na sabi ni Wendy. Sa inis ay nilapitan niya agad si Jerick."Sir, tama na po iyan!" sermon ni Wendy na inagaw ang baso sa kamay ng binata. Napatingin si Jerick sa kanya. "Anong ginagawa mo?""Tumigil na po kayo.""Ano? Titigil na ako?""Lasing na po kayo boss!""Hindi pa ako lasing!" pamimilit ni Jerick. "Tingnan mo, makakalakad pa ako ng matuwid!"Tumayo siya sa kinauupuan niya at humakbang. "Look at me!"Pinanood nila ang kanilang boss na mayabang na nagsasalita na h
Tinulungan nina Tofu at Dino si Jerick sa pag-akyat sa bahay niya na nasa 2nd floor ng coffeshop. Sila ang mga tauhan niya sa coffeshop kasama si Wendy. Si Tofu ay mataba na nasa 4'11 ang height at si Dino na matangkad pero payat.Lasing na lasing na ang boss nila at sa kasamaang palad ay natumba na ito sa sahig."Buhatin na ninyo siya!" utos ni Wendy sa dalawa. Pinagtulungan nila si Jerick na buhatin.Habang naglalakad at umaakyat sa hagdan ay nagsalita ito kahit nakapikit at akay-akay nila."Happy birthday... Happy birthday..""Si sir talaga!" Sabi ni Tofu. "Kahit sa panaginip, si Miss Lala pa rin ang naroon."Nakataas ng kilay na tumingin si Wendy kay Tofu. Mukhang naiinis na ito pero nagpipigil lamang. Dinala na nila sa bahay si Jerick."Sa kwarto niya.." sabi pa ni Wendy."Okay!"Pinahiga nila ang boss nila sa kama nito. Nakangiting nakahiga si Jerick na para bang may kausap. Napatingin ang tatlo sa kaniya."Tignan niyo, mukhang kasama niya talaga si Miss Lala sa panaginip niya..
Nasa guest room na si Abby at binubuksan ang cabinet kung saan naroon ang mga damit ng girlfriend ng boss niya. Napabuntong - hininga nalang si Abby nang maalala niya ang sinabi ng binata."Ang akala ko talaga para sa akin ang mga iyon na may nakasulat pa na happy birthday. Pati rin siguro ang cake para sa gf niya. Sinabi niya sana sa simula palang para di na ako mag-assume."Napaisip tuloy si Abby at sinermunan ang sarili. Binatukan din niya ang sariling ulo. "Ano ba ang iniisip mo Abby? Ang sakit kaya mag-assume na bibigyan ka ng regalo ng taong di mo pa kilala. Boyfriend mo nga di nagpakita so do not assume na bibigyan ka ng iba. Haist!"Napabuntong - hininga ulit ang dalaga. "Buti pa ang girlfriend ni sir, kahit papano may surprise siya at naalala siya nito. HIndi nga lang sila nagkita."Nagsimula ng mamili ng masusuot si Abby sa cabinet. Lahat ng damit ay magaganda at magagara. "Wow, fashionista yata ang gf ni boss. Ang gagara ng mga damit!"Samantala, nasa kwarto si Kristoff at
Mag - isang umalis si Maggie sa restaurant kung saan ginanap ang kanyang birthday dinner. Hindi na siya nagpahatid sa driver at nagtaxi nalang ito papauwi. Dala dala niya ang isang bote ng wine na ibinigay ng isa niyang kaibigan na si Betty. Habang nasa biyahe ay tumawag si Betty."Yes Betty?" sagot ni Maggie na seryoso at wala sa mood."Natanggap mo ba ang regalo ko?""Yah, thanks!""By the way, kanina, may napanood akong fireworks na may happy birthday na nakasulat, sa iyo ba iyon? Pinagawa ba iyon ni Kristoff?" usisa ni Betty na sabik malaman ang progress ng dalawa. "Huh?" Kunot noong reaksyon ni Maggie. "May fireworks kanina..." giit ng kaibigan. "Hindi mo ba nakita?"" Fireworks? Hmp, I do not care! Di ko kailangan ang mga iyan!"Binaba niya agad ang tawag. Sa kabilang linya ay nagulat si Betty. Halata sa boses ni Maggie na wala ito sa mood at may hindi magandang nangyari."Anong nangyari sa kanya?" Pagtataka ni Betty na napatingin nalang sa cellphone na hawak. "Is it a good da
Bumangon na si Maggie sa pagkakahiga nito sa kama at sinuot ang kanyang damit. Nakahiga pa rin si Harry na nakakumot lamang. Napatingin ang dalaga sa binatang katabi niya kagabi. Tahimik lang itong napatingin kay Harry na bakas sa mukha ang kalungkutan. Dahan-dahang idinilat ni Harry ang mga mata nito. Seryoso itong napatingin kay Maggie na mukhang malungkot. "Ang lungkot naman ng mukha mo.. di mo ba nagustuhan ang nangyari kagabi?" biro ni Harry. "I thought you will make me happy.." sagot ni Maggie. "Kulang pa ba iyon?" tanong ni Harry. "Anong kulang?" Seryosong tinitigan ni Maggie ang binata. Nakasulong ang mga kilay nito. Nagsalita ulit si Harry, "O baka gusto mo lang talaga na si Kristoff ang makasama mo sa kama sa gabi ng kaarawan mo! Tama ba ako?" "Haist! Huwag mo ngang ipaalala si Kristoff!" Naiinis na reaction ng dalaga na iniwas ang tingin sa binata. Bumangon si Harry at umupo siya sa kama. Walang saplot ang kanyang itaas at nakakumot naman sa ibaba.Napabuntong hinin
Hindi inaasahan ni Maggie ang mangyayari sa kanya sa isang coffeeshop."Pagpasensyahan mo na. Hindi ko talaga sinasadya." Paghingi ng paumanhin ni Jerick sa sikat na model na si Maggie. Tinulungan niya itong makatayo."It's okay.. don't mind it. Nabigla lang talaga ako. May kasalanan rin naman ako," sagot ni Maggie.Napakamot ng ulo si Jerick at mukhang nahihiya. "Pasensya na talaga."Napilitang ngumiti ni Maggie sa kanilang tatlo na naroon sa lugar. "Lady Maggie, ano po ang gusto ninyong kape?.. libre na po!" alok ni Jerick pambawi sa mga nangyari."Huh? Nakakahiya naman!""Dont you worry, ako ang may - ari ng coffeshop na ito."" Ah, ganoon ba""Umupo muna kayo!" wika ng binata. Sinamahan sya ng binata patungo sa isang mesa."Thanks.."Umupo na si Maggie at si Jerick naman ay umupo na rin sa harapan ng dalaga. Napansin iyon ng dalaga pero pangiti - ngiti nalang ito na alam niyang fan niya ang binata. Ang dalawa na sina Tofu at Dino ay patuloy na naghihintay sa iuutos ng boss nila a
Iniligpit na nila Tofu at Dino ang ginawang disenyo para sa surprise birthday party. Nakatayo sa isang upuan si Dino para maabot ang mga palamuti at ang dulo ng tarp habang si Tofu ang nakaalalay at nakahawak sa upuan para di siya matumba."Sayang naman ng lahat ng ating inihanda.." Paghihinayang ni Dino."Bakit ba hindi dumating si Ms. Lala?" tanong ni Tofu. "Tuloy nabalewala lahat ang effort natin."Dumating si Lala sa coffeeshop. Pagkapasok niya ay nakita na niya agad ang dalawa kaya nilapitan niya ito. Natanggal na ang tarp at ang ibang balloons. Kaunti nalamang ang naiwang palamuti."Anong ginagawa ninyo?" Usisa ni Lala. Bakas sa mukha ang pagtataka.Napalingon ang dalawa at nagulat sa pagdating ni Lala."Ms. Lala?" Sabay nilang reaction."Ano ba iyan?" tanong ulit ng dalaga."Uhmm.. " Napatingin ang dalawa sa isa't isa. Nagdadalawang - isip kong sasabihin ba nila ang tungkol sa surprise party nila sana kagabi. Naalala nila ang sabi ng kanilang boss na si Jerrick."Iligpit na nin
Namilog ang mga mata ni Abby nang makita ang mga librong babagsak sa kanya. Nabitawan ni Abby ang kanyang cellphone at sa sandaling iyon ay nagawa lamang niya ay pumikit nalang. Nakapikit ang mga mata ng dalaga at napaangat kaunti ang balikat na halatang takot ang nararamdaman niya pero may biglang yumakap sa kanya at hinarang ang sarili sa mga libro. Naramdaman ng dalaga ang init ng yakap ng isang tao na hindi niya alam kung sino. Ilang segundo lamang ay nahulog ang mga libro patungo sa kanila. Pareho silang natumba sa sahig. Nagkakalat na ngayon sa sahig ang mga libro. Nagulat ang mga taong nasa paligid at agad lumapit para tumulong."Oh my!"Napalapit na rin ang mga guard at katiwala sa pangyayari."Boss, okay lang po ba kayo?"Pagkarinig ni Abby ay nabigla siya nang malaman niyang niyakap siya at pinotektahan siya ng boss nito. Idinilat niya ng dahan - dahan ang kanyang mga mata."Sir?"Napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ni Kristoff. Dahan-dahan namang idinilat ni Kristoff ang