Share

“LENA 2.0”

MABILIS na nagsalubong ang mga kilay ni Lena nang mamataan ang dalawang taong masayang kumakain sa isang ordinaryong fastfood restaurant.

“Sam?” pabulong niyang sambit kasabay ng paghigpit ng kamay niya sa hawak na paperbag. Naglalaman ang mga iyon ng kanyang mga pinamili.

Papaanong nangyaring masaya silang dalawa eh sa pagkakaalam niya ay iniwan na ni Sam si Marius noong isang taon pa? Ang ibig sabihin ba nito ay masaya na naman silang nagsasama?

Sa naisip ay nilamon ng matinding galit ang puso niya. O baka naman mas tamang sabihing muling ginising ng nakita niyang iyon ang galit na nararamdaman niya para kay Sam? Yes. Iyon ngang panghuli ang mas tama dahil kahit kailan naman ay hindi siya nagalit kay Marius. Kahit na pagkatapos ng nangyari sa kanila ay hindi na nito sinagot ang mga tawag niya. Masakit rin para sa kanya na kahit ilang beses siyang nag-try na puntahan ito sa opisina at kausapin ay hindi rin siya pinapasok ng guard.

Umabot nalang talaga siya sa puntong nakaramdam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status