“GOOD morning!”Ang pamilyar na boses ng lalaking pumasok sa komedor kinaumagahan ang agad na nagpabilis ng tahip ng aking dibdib.“Marius!” ang agad kong naisatinig habang titig na titig sa gwapong nilalang na lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.“Mabuti nalang pala at hindi ako late. Inabutan ko pa ang breakfast ninyo,” sagot nito habang si Lana ay narinig kong sinabihan ang katulong na magdagdag ng plato para kay Marius.“Hindi ka pumasok?” tanong ko kay Marius na sa tabi ko naupo.Nagkibit lang ito ng mga balikat saka sinimulang kumain.“Boss ka kaya hindi ka nagpapapasok, ganoon ba?” pabiro ang tanong-sagot kong iyon.“No, actually, papasok ako today. Sasaglit lang ako sa office kasi may quick meeting ako with a new client. Pero gusto kong isama ka. And most importantly, nandito ako kasi gusto kong mag-breakfast with you,” sagot ni Marius.Mabilis na namula ang mukha ko. Pagkatapos niyon ay aksidenteng napasulyap ako kay Calum na nang mga sandaling iyon ay nahuli kong naka
KINABUKASAN, late na nang magising si Lena. Mabuti nalang at wala siyang pasok sa trabaho kaya hindi naging problema sa kanya ang ganoong eksena.Magulo ang sala nang magising siya. As expected, nakakalat sa sahig ang mga damit pati na rin underware na hinubad sa kanya ng lalaking iyon kagabi. Nang maalala ito ay hindi niya napigilan ang bigla ay masarap na kilabot na gumapang sa buong katawan niya.Napakasarap nitong ka-sex. At sa totoo lang, kahit pa sabihing parang may pagka-wild ito sa kama ay nagustuhan niya. Sa katunayan nga ay wala siyang ibang gustong mangyari ngayon kundi ang makita itong muli para pwede nilang ulitin ang lahat ng pinaggagawa nila kagabi.Nasa ganoong ayos siya nang magulat dahil biglang bumukas ang pintuan ng kanyang apartment. At dahil nga hindi niya inaasahan at aware siyang hubad siya ay mabilis niyang kinuha ang isang throw pillow saka iyon itinakip sa kanyang kahubaran.“Gising kana pala. I considered myself lucky dahil hindi ako inabutan ng ulan.
NAPABUNTONG hininga ako habang pinagmamasdan ang singsing na hawak ko. Parang nasa harapan ko lang ang tagpo nang ibigay ni Marius sa akin ang bagay na iyon. Last year, when he asked me to marry him. Pero hindi nga nangyari dahil sa panghihimasok ni Lena sa buhay namin. Dahil sa lahat ng nalaman ko. Dahil sa lahat ng insecurities ko. Dahil pinagselosan ko ang babaeng naunang minahal ni Marius. Si Lana na hipag ko.Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga saka ko ipinasiyang ipasok na muli sa loob ng maliit na pouch ang singsing na hawak ko. Nasa ganoon ayos ako nang maramdaman ko ang isang bulto na nakatayo sa likuran ko. Alam ko kung sino iyon at nang lingunin ko ay hindi nga ako nagkamali. Walang iba kundi si Calum.“Just in case, magiging mahirap ba para sa’yo na aminin kay Marius ang totoo?” tanong niyang naupo sa mahabang sofa hindi malayo sa kama kung saan ako nakaupo.Alam ko naman kung anong tinutumbok ni Calum sa tanong niyang iyon. Pero syempre hindi ko siy
“TULOG na siya,” si Manang Sela iyon nang malabasan niya ako sa may teresa ng bahay habang nagpapahangin.Tumango lang ako habang nakangiti. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa malayo. “Heto, iginawa kita ng chamomile tea. Inumin mo para mahimbing ang tulog mo mamaya,” aniyang iniabot sa akin ang isang clear mug na may lamang mainit na tsaa.“Salamat, Manang Sela,” nang tanggapin ko ang mug at pagkatapos ay sinimulang higupin ang laman ng mug.Inisip kong iiwan na ako ng matanda para mapag-isa. Pero nagkamali ako. Naupo siya sa bakanteng rocking chair na naroon saka ako sinamahan.“Hindi ka ba nilalamok dito, Sam? Gusto mo bang buksan ko ang ilaw?” tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.Sa kabila ng madilim na paligid dahil kung tutuusin tanging mga lang sa bakod ang tanglaw namin. Isama na rin ang nasa poste ng kuryente sa tapat ng bahay. Malinaw ko pa ring namalas ang isang matamis na ngiting pumunit sa mga labi ni Manang Sela. Ganoon rin ang pagkislap ng mababa
“GOOD morning.”Matamis ang ngiti sa mga labi nang malabasan ko si Marius sa kusina na naghahain ng agahan sa mesa.“Si Manang Sela?” ang sa halip ay isinagot ko sa kanya.“Tulog pa siguro. Eh, hayaan mo na. Para naman makapag-solo rin tayong dalawa,” anitong nilapitan ako saka iginiya paupo sa hinila nitong silya.“Sabagay, maaga pa naman,” sabi kong sinulyapan ang isang wall clock na nakasabit sa dingding.Kung tutuusin mag-a-alas seis pa lamang ng umaga at hindi nga nakapagtatakang tulog pa si Manang Sela dahil pagod ito kahapon sa biyahe.“Sinadya ko talagang magising ng maaga kasi gusto kong mag-agahan kasama ka. Gusto kong maipagluto ka ng almusal gaya noon,” ani Marius na sinimulan akong asikasuhin.Hindi ako nakapagsalita. Sa halip ay hinayon ko ng tingin ang kung tutuusin ay simpleng almusal na nakahain sa mesa. Pritong itlog, tuyo, hotdog, kamatis, at sinangang.Typical Filipino breakfast. Pero dahil si Marius ang naghanda niyon para sa akin, masyadong special ang dating. Bu
KABUBUKAS lamang ng mall nang makarating kami. Nang mga sandaling iyon hindi ko alam at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit parang sa amin ni Marius ang mundo. Parang kaming dalawa lang. At dahil nga nanatiling hawak ni Marius ang kamay ko habang nagba-browse at namimili kung alin ba ang perfect gift na pwede namin ibigay kay Mang Tasyo.Napaka-simple lang kung tutuusin ng ginagawa naming iyon. Pero siguro nga dahil sa nararamdaman naming dalawa para sa isa’t-isa, gaano man kasimple ay nagiging special. Parang espesyal na okasyon na dapat at kailangang i-celebrate.Sa huli ay napagpasyahan namin ni Marius na isang maganda at handcrafted wooden clock ang bilhin at iregalo namin kay Mang Tasyo. Isang bagay na pwedeng maging repleksyon sa lahat ng masasaya at timeless na pangyayari sa buhay ng matanda. At habang pinababalutan namin iyon sa mismong gift wrapping section ng mall ay hindi ko maikakaila ang labis na satisfaction at excitement na nararamdaman ko para mamaya.Paglabas namin n
"NINONG MARIUS!" iyon ang pamilyar subalit maliit na tinig na narinig ni Marius habang naglalakad siya sa isang mall. Pagkagaling kasi niya sa trabaho ay dito siya nagtungo para bumili ng mga kailangan sa isang bookstore."Ninong! Ninong Marius!" noon na nga sinimulang hanapin ng binata ang tinig na talagang nagdala ng kakaibang haplos sa damdamin niya.
"OH please, Marius, slow down," nang pakawalan ni Marius ang mga labi ko mula sa mapupusok at nakakapaso nitong mga halik ay iyon lang ang nasabi ko."Sam, I want you right now," ang sa halip ay isinagot niya sa sinabi ko saka ako itinulak sa dingding ng hotel suite nito.Narinig ko pa ang pagtunog ng lock ng pinto at hindi ko maintindihan kung bakit lalong nagtumindi ang init na nararamdaman ko dahil doon."Please, ano ka ba," ang muli ay pakiusap ko kay Marius nang maramdaman ko na unti-unti na niya akong hinuhubaran.Hindi siya nagsalita at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paghalik sa akin.Masyadong malakas ang boltahe ng kuryenteng nililikha ang mga haplos at halik nito sa akin at kahit hindi ko aminin, nararamdaman ko ang unti-unting pagkatunaw ng lahat ng tatag na inipon ko simula nang una kaming magkita.Tama. Hindi ako magsisinungaling sa parteng iyon.Hindi ko malilimutan kung kailan ko unang nakita si Marius dahil nang araw na iyon ay sinimulan na niya akong bi