Share

chapter "4"

Nakatulala lang ako habang nasa kusina. Hindi pa rin ma-proseso sa utak ko ang sinabi niya sa akin kanina. She's tired taking care of her husband when in fact she isn't the one who took care of it. May personal nurse ito. Sabi niya pa nakakahiya raw ang sitwasyon ng asawa niya, paano niya raw iyon ipapakita sa mga kaibigan niya, gwapo at mayaman nga pero hindi naman nakakakita at nakakalakad balewala rin.

Hindi ko inakalang wala ni katiting na pagmamahal ang babaeng iyon. Ang mas nakadurog pa sa puso ko'y four years old na ang kambal at ni kailanman ay hindi pa nito nararanasan magkaroon ng ina. Tanging nanny lang nila ang kasama nito mula pag-gising hanggang sa pagtulog. Napabuntong hininga ako at nilagok ang tubig na nasa baso ko. Tuluyan ng umalis si Georgianna dala ang mga gamit nito, sabi niya'y pupunta siya sa Hawaii for vacation, reasons. Napailing ako, anong klaseng babae iyon?

Napahilot ako sa sintido ko at napasandal sa kitchen corner. Gagawin ko ba ito?

"Gusto n'yo pa po ba ng tubig, ma'am?" Natigilan ako at napatingin sa gilid. Hindi ko napansin na kanina pa pala nila ako pinapanood. Georgianna already introduced them to me kaya kabisado ko na sila. Hindi na rin bago sa akin ang ganitong bagay sa ilang taon ko na itong ginagawa.

"Okay na po iyong isang baso," nakangiting saad ko at hinugasan ang pinaggamitan ko.

"Ang taray magka-boses talaga sila no'ng demonyíta." Rinig kong bulong ni Veronica, isa sa pinakabatang kasambahay rito. She's 19 siguro... tumango si Janice sa kaniya. Agad silang sinita ni Manang Sheena ang mayordoma ng mansyon.

"Bibig n'yo!" Sita nito na kinarolyo nila ng mata.

"Totoo naman talaga manang na demonyita iyon. Salamat nga't umalis na siya jusko, maganda at mayaman nga masama naman ang ugali." Asik ni Janice. Nakinig lang ako sa kanila.

Napatingin sa akin si Manang na ngumiti nalang ng payak.

"Ija, nasabi na sa amin ang patungkol sa planong ito..." Panimula niya, bakas sa mukha nila ang takot at... awa. Maging ako rin naman, sinong hindi mako-konsensiya na lolokohin mo ang isang pilay at bulag?

"Gustuhin ko man pong ayawan ito pero mas nanaig ang awa ko sa sitwasyon ng mag-ama." Pag-amin ko. Iyon na rin ang isa sa dahilan bakit ko tinanggap ito, maging sa katauhan ko manlang magawa nilang maranasan magkaroon ng tunay na asawa't ina.

Ngumiti silang tatlo. "Alam mo ma'am, wala naman talagang problema ang mag-ama sadyang anak ng demonyo lang talaga iyong si ma'am Georgianna. Gabi gabi yata iyong umuuwing lasing e, at sino-sinong lalaki ang dinadala. Wala naman kaming magawa kung hindi ang manahimik kaysa ang magsumbong mawalan pa kami ng trabaho." Ani Veronica. Halata ang galit sa tono ng boses nito. Napasinghap si Manang at humila ng upuan para maupo rito.

Siya ang pinakamatagal na nanilbihan sa mansyon kaya alam kong mas marami itong alam kompara kina Veronica at Janice. Tumingin ako rito kitang-kita ko sa mga mata niya ang awa at pag-alala pero hindi ko alam kung para kanino.

"Hindi naman talaga minahal ng alaga ko si Yhulo." mahinang usal ni Manang na kinatigil ng dalawa. Maging sila'y nagulat sa biglang kwento ni Manang. I stare at her, listening... "Isa sa kondisyon ng lola niya ang apo para makuha niya ang buong mana na para lang sa kaniya since siya lang ang nag-iisang anak at apo sa pamilyang romano. Akala ko dahil sa kinasal sila at nagsasama sa iisang bubong ang may mamumuong pagmamahalan pero hanggang ngayon wala." Ngumiti siya ng payak, may namumuong luha sa mata nito.

"Kasama ko na iyang si Georgianna mula pa no'ng anim na taong gulang pa iyan pero naaawa ako sa sitwasyon ng kambal at asawa nito. Hindi naman ganiyan ang sitwasyon ni Yhulo, tahimik na bata iyan siguro dahil na rin sa pangalawang anak siya hindi siya nabibigyan ng sapat na pansin. Sobrang bait niyan ni hindi niya nagawang manumbat o magalit, tinanggap niya lahat kaya hindi ko maintindihan kung bakit naranasan niya pa rin ang mga bagay na ito. Buwan na ang nakalipas simula no'ng aksidente rason bakit siya na pilay dahil na rin sa pagligtas niya sa isang bata at isang linggo na rin ang nakaraan simula no'ng malaman naming nagkaroon ng komplikasyon ang mata niya sa pagiging subsob sa trabaho. Wala kaming alam na may ganiyan na siyang nararanasan kaya sobrang sakit sa puso ko ang naging desisyon ng alaga ko." Pinahiran nito ang luha niya kaya nangangapa akong maghanap ng tissue.

Umiiyak ito kaya alam kung masakit sa sitwasyon niya ang nangyayari.

"Mahal niya po ba si Georgianna?" Tanong ko sabay abot ng tissue rito. Tumango siya nang paulit-ulit habang pinapahiran ang luha nito.

"Sobra kaya nga nagawa niyang tiisin lahat ng pananakit at masasakit ni Georgianna sa kaniya." Aniya. Napalunok ako.

"Halos gabi gabi namin naririnig ang salitang walang silbi at walang kwenta sa bibig ni Ma'am Georgianna alam naming si Sir Yhulo sinasabihan niya nito." Nanlulumong turan ni Janice at napayuko silang dalawa.

Napatigil kami ng may isang babae ang humahangos na pumasok sa kusina.

"Manang, gising na si Sir Yhulo. Wala akong alam!" Natatakot na sumbong nito at hinabol ang hininga. Napatayo agad si manang na kinataranta ng dalawang nasa likuran nito.

"Wala akong alam sa ganiyang bagay. Si Gino lang naman ang araw araw na nag-aasikaso sa kaniya." Kinakabahang usal ni Manang at may kung anong hinanap sa aparador.

"Tinanggal na ni Ma'am Georgianna si Kuya Gino kahapon ah wala ng personal nurse si Sir Yhulo." Banggit ni Beth iyong kasambahay na humahangos.

"Tulungan n'yo nalang ako. May listahang iniwan sa akin si Gino." Sambit ni Manang. Naglakad ako palapit dito.

"Ako na po, susundin lang naman ang nakasulat dito 'di ba?" Presenta ko na kinagulat ng mukha niya.

"Nako Carizza, kami na. Magpahinga ka na muna at mahaba yata ang binyahe mo."

"Ayos lang Manang, hindi na ito bago sa akin except nalang sa kondisyon nita but I can manage." I assure them at kinuha ko ang bondpaper na hawak nito at binuklat mula sa pagkatupi.

Listahan ng dapat na gawin. Napatango-tango ako. Sanay na ako sa ganito dagdagan ko lang ng pag-iingat.

"Baka mabuntungan ka ng galit ija, nagkaalitan sila kagabi." Paalala ni Manang na nginitian ko lang.

"Maraming kliyente na po akong nakaharap ayos lang po ito." Nagpaalam na ako at mabilis na umakyat ng hagdan. Kahit na sanay na ako sa ganitong bagay ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Hindi ko alam anong klaseng alitan ang nangyari sa kanila, sa utak ko'y asawa niya ako sa mga oras na ito kung ano man ang gagawin niya'y tatanggapin ko nalang.

Pagkarating sa nasabing pinto ay napahinto ako ng isang kalabog mula sa loob ang narinig ko.

"Yhulo!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status