Share

009 | Struggling is Pointless... If You Know That You Want It, Too

Matapos niya iyong marinig ay mahigpit niyang hinawakan ang bewang ni Kirsten saka ito sapilitang ibinaba. But she just dropped herself on the carpet, laid down there as her tipsy eyes continued to gape at him.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" aniya rito, pikon na pikon na.

"Hindi mo naintindihan? Then, let me translate that—I said, you are hot, Quaro..."

"And you are crazy! Kung lasing ka'y matulog ka ro'n sa higaan mo!"

"Sige, matutulog na ako..." Pilit itong bumangon at nang makatayo'y pa-gewang-gewang na tinungo ang kama niya. She dropped herself in his bed, face down.

Nakasimangot na lumapit siya at hinawakan ito sa bewang upang buhating muli at ibaba sa kama nang biglang tumihaya si Kirsten ay yumakap sa kaniya, kasunod ng paghila nito sa kaniya pahiga.

Muntik na sana siyang bumagsak sa katawan nito kung hindi lang niya naitukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ng dalaga. His feet were still on the floor, and also hers—pilit siyang bumangon subalit pilit din siya nitong hinihila pahiga. Her eyes were closed but her lips were smiling—naughtily.

"Stop struggling, Quaro... Nahihilo ako lalo sa'yo, eh..."

"Then let go of me—"

"Bakit ka ba nagpapakipot pagdating sa akin? Iyong Paige nga na iyon, kahit hindi mo girlfriend eh—"

"Because you are a student and you are my guest—"

"Kahit estudyante pa lang ako'y nasa tamang edad na ako para..." She opened her eyes and met his, "...alam mo na."

"Alam ko na? I don't even know what's happening!"

Nanggigilalas siya sa mga oras na iyon at hindi niya alam ang gagawin.

Kung tutuusin ay kaya niyang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahapit ni Kirsten kung gagamitin niya ng lakas—she was just five feet, four inches with a medium-sized body, he could easily take her out. Pero hindi rin niya maintindihan ang sarili.

Why the hesitation, Quaro?

Kirsten's eyes sparkled and her smile disappeared. Her face now unreadable as she intently stared at him. Tumigil siya sa pagpupumiglas at sinalubong ang mga tingin nito, just waiting for her next move.

Wait, what? What am I waiting for her to do?

God damn it, Quaro—get up and get away from this madwoman!

Inipon niya ang lahat ng lakas na mayroon siya sa mga sandaling iyon upang pakawalan sana ang sarili nang muling pumikit si Kirsten at nakangising nagsalita, "Bakit ba ang pogi-pogi mo?"

Okay, that's it.

Marahas niyang tinanggal ang mga kamay nitong mahigpit na nakahawak sa jacket niya saka tumayo. Subalit pagtayo niya'y bumangon at hinuling muli ang suot niya, pulling him back.

Sa loob ng ilang segundo'y nagpangbuno sila—Kirsten was persistently pulling him back whilst he did his best to restrain her, despite his patience—no, his self-control—slipping out.

Hanggang sa nakita niya ang bahagyang pag-ngiwi ni Kirsten. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay niyang mariing nakahawak sa mga braso nito. That's when he realized he was gripping her arms roughly.

"Sinabihan ka lang na pogi, nanggalaiti ka kaagad."

Ibinalik niya ang tingin dito, at doo'y nakita niya muli na itong nagmulat ng mga mata.

"Maliban sa pogi ay ang bango-bango mo pa. Can I smell your neck, Quaro?"

"Stop now, Kirsten! Lasing ka at hindi mo alam kung ano itong ginagawa mo!" Pabalya niya itong binitiwan bago siyang mabilis na bumangon at lumayo. He stepped back in panic. Lihim na nagpapasalamat at nagawa niyang pakawalan ang sarili mula rito bago pa tuluyang humulagpos ang kontrol niya.

Si Kirsten ay umungol, tumagilid, pilit na bumangon subalit hindi magawa kaya dumapa na lang sa kama. Half of her body was off the bed, kaya sa pagkakadapa nito na iyon ay napaluhod ito sa sahig habang ang ibabaw na bahagi ng katawan ay naiwan sa kama. She was lying on her stomach kneeling on the floor and hands up to her head as if she was ready for a doggie it made him feel so uncomfortable.

Mabilis siyang umiwas ng tingin at humugot ng sunud-sunod na paghinga.

Nagugulat siya sa lakas nito sa mga sandaling iyon. He had never encountered drunk women, let alone had physical contact with them, kaya hindi niya inakalang sa kabila ng kalasingan ay may ganoong lakas pa rin ito upang makipagbuno sa kaniya.

Or was he just being soft... and gentle?

Because he wasn't really trying to get away, that's that.

"Ang init..." usal ni Kirsten makalipas ang ilang sandali. "Bakit ang... init?"

No, it wasn't.

Nakabukas ang sliding door ng veranda, at ang dalawang malalaking bintana ng silid ay ganoon din. May hanging pumapasok doon at kahit na nakasuot siya ng jacket ay hindi siya nakararamdam ng init. So he thought it must have been the alcohol in her system that caused her body to burn up.

"Quaro... mainit..." patuloy nitong reklamo, kaya napilitan siyang ibalik ang tingin dito.

Nanatili ito sa hindi kaaya-ayang posisyon, pero tinatagan niya ang sarili upang hindi maapektuhan.

Hindi rin niya alam kung bakit nanatili pa siya roon. Dapat ay bumaba na siya at iniwan ito.

Pero paano kung lumabas si Kirsten sa veranda at muling subukang umakyat sa hagdan papuntang rooftop? What if she'd slip and fall off the ground?

Shit. Ahh... shit.

Bakit ba niya binigyan ng responsibilidad ang sarili niya?

"Quaro..."

"Stop calling my name, will you?!" Napipikon na siya sa puntong hindi na niya alam kung ano ang gagawin dito. Kapag nilapitan niya ito upang dalhin sa theater room kung saan ito dapat na nahiga ay baka maglikot na naman ang mga kamay nito at hind na niya magawa pang kontrolin ang sarili.

"Ano pala ang itatawag ko sa'yo? Baby?"

"Definitely not that! Are you mad?!"

"Eh, ano? I like calling your name, it's so... soothing."

"Just... Just stop, Kirsten, and get some sleep," aniya bago muling humugot ng malalim na paghinga saka umiwas ng tingin. Mukhang pagbibigyan niya ito sa gabing iyon na matulog sa higaan niya. Maghahanap na lang siya ng padlock doon sa tool box para ikandado ang pinto ng veranda.

Isang mahinang ungol mula kay Kirsten ang muling nagpalingon sa kaniya. Nakaluhod pa rin ito sa sahig subalit ang katawan ay wala na sa kama. Pilit nitong hinuhubad ang T-shirt pero tila ayaw makisama ng mga kamay nito.

Nang mapagod ay bigla na lang itong sumalampak sa carpet.

"Hindi ko mahubad ang damit ko... Ang init, Quaro..." anito saka muling sinundan ng mahabang ungol.

Pakiramdam niya'y biglang uminit ang paligid matapos marinig ang pag-ungol nitong iyon. Why did her moan start to sound like music in his ears?

Ah, damn it. Damn it, Quaro.

Muli siyang humugot ng malalim na paghinga upang kalmahin ang sarili.

"Kinaya mong makipagbuno sa akin kanina pero hindi mo kayang hubarin ang damit mo?" he mocked. "Go to the shower and take a bath—kapag nabasa ng malamig na tubig ang katawan mo'y mahihimasmasan ka."

Tumalikod na siya upang sana'y kunin ang tool box sa ibabaw ng closet niya nang muling nagsalita si Kirsten.

"Wala akong magawa kung... ayaw makisama ng mga kamay ko. Please, Quaro... hubaran mo naman ako."

Nabitin ang sunod niyang paghakbang nang marinig ang huling sinabi nito. Tila may kung anong pwersa ang nais kumawala sa katawan niya sa mga sandaling iyon.

No.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, ipinilig ang ulo, bago itinuloy ang paghakbang patungo sa closet niya. He'd pretend he didn't hear it. Sa tingin niya'y mas makabubuti kung hindi na niya ito pansinin.

Kinuha niya ang tool box sa ibabaw ng closet, hinanap ang padlock na alam niyang nakatago roon, saka tinungo ang veranda upang iyon ay i-lock. Sunod niyang tinungo ang mga bintana habang patuloy na pinakikiramdaman si Kirsten. He could hear her moaning ang groaning alternatively, making him feel uncomfortable even more. Gusto niyang takpan ang mga tenga niya, pero may bahagi ng utak niya ang dumidiktang manatili siyang nakikinig—na pagbigyan niya ang sariling pakinggan ang munti nitong mga ungol at halinghing.

Matapos niyang isara ang huling bintana ay humugot muna siya ng malalim na paghinga saka mariing pumikit upang pahabain pa ang pasensya—bukas na bukas ay mag-uusap sila ng babaeng ito!

Nagmulat siya at inalis ang kamay sa bintana saka humarap sa dalaga—upang marahas na mapasinghap nang makitang nasa ibabaw na muli ito ng kama at tinatanggal na sa mga paa ang hinubad na spandex shorts. Her eyes were closed as she forced her hands to take off the clothing off her feet.

At nang tuluyan na nito iyong naihubad ay inihagis na lang nito iyon sa kung saan.

His eyes raked through her legs, and damn, was he captivated.

She wasn't a tall woman but her legs looked like ladders to heaven. She had honey-coloured, flawless skin. How she was able to take care of her skin despite the poverty surprised him. Hindi sa minamata niya ang social status ng dalaga, he just thought that she had the type of skin only someone with money could afford to take care of. Ang balat nito'y tila alaga ng mga derma clinics... o ng mamahaling mga skin products.

At inasahan niyang dahil sa senstibo nitong balat ay hindi nito mamimintina ang bahaging iyon. But boy—her legs were to die for...and he was tempted.

Fuck, no.

Pinilit niyang umiwas ng tingin, subalit imbes na iyon ang gawin ay umangat pa ang mga mata niya. Up to the black silk panty that she was wearing. He sucked his breath as desire bolted through his whole body—he could feel his blood boiling, rushing to the center of his body, and he knew he couldn't stop it unless he'd leave the room.

And he must—dahil ayaw niyang pagsamantalahan ang kasalukuyang kondisyon ni Kirsten.

Alam niyang nagkaganoon ito dahil sa hindi sinasadyang pagkalasing, and he knew too well that she was in a vulnerable state. Nasa kaniya kung pagbibigyan niya ang kaniyang katawan o umalis ay iwasan ito.

Leave, Quaro. Distance yourself from her.

Pero paano kung may gawin siyang ikapapahamak niya dahil sa kalasingan?

Fuck—nagtatalo ang utak niya at hindi niya alam kung alin ang susundin.

"Quaro..." paungol na tawag ni Kirsten na lalong nagpalala sa nararamdaman niya. "Hindi ko mahubad ang damit ko..."

He ran his fingers through his hair in frustration—kailangan niyang pairalin ang katinuan!

Isang impit na ungol pang muli ang pinakawalan ni Kirsten bago nito ibinaba ang mga kamay sa laylayan ng damit at akma iyong itataas nang mabilis siyang lumapit at pinigilan ang mga ito.

Kung tuluyang maghuhubad sa harap niya ang dalaga ay katapusan na niya. Anong klase siyang lalaki kung pagsasamantalahan niya ang kahinaan ng isang tulad nito?

"Don't do that, please," he said and was even surprised by how he sounded.

His voice was hoarse from controlled desire!

Nagmulat ng mga mata si Kirsten at sinalubong ang mga tingin niya. Ang mga mata nito'y nagbabaga.

Sandali itong nakipagtitigan sa kaniya hanggang sa bumaba ang mga mata nito sa kaniyang mga labi.

Masamang senyales, aniya sa isip. At dapat ay umatras na siya, pero bakit hindi siya makabitiw sa mga kamay nito?

"Quaro..." she muttered while her eyes still locked on his lips.

"Kailangan mo nang matulog, Kirsten, para mawala ang kalasingan mo." Did he really say that? Why did he sound so gentle now?

Muling umangat ang mga mata nito at nakipagtitigan sa kaniya. "Ayaw kong... matulog."

Nararamdaman niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib.

Bakit para siyang kinakabahan? Was he really nervous? Or he was just excited about what's gonna happen next?

Damn it, unti-unti ka nang bumibigay, Quaro.

"Can I... kiss you?"

No—he wanted to say, but he couldn't find his voice.

Pilit niyang inisisiksik sa utak na lasing ito at hindi dapat niya pinapatulan ang mga sinasabi. But, he was only human—a healthy, young man for that matter, who had a healthy sexual relationship with women. It's been days since he last had sex, and his body was craving for some, lalo at may kaharap siya ngayong babae na... handang ibigay ang pangangailangan niya. Lamang ay lasing.

But she isn't drunk-drunk, is she?

Damn it, Quaro. This isn't like you.

Nang walang makuhang sagot mula sa kaniya at in-angat ni Kirsten ang ulo, at sa pagkagulat niya'y dinampian siya ng halik sa mga labi.

It was a swift, partly open-mouthed kiss but it brought shivers down to his core.

Kirsten grinned as if she succeeded with her plans. "Ang lambot ng mga labi mo—pwedeng isa pa?"

And she didn't even have to beg for it—God, she didn't even have to.

Because to her surprise, he bent down his head and claimed her waiting lips.

TO BE CONTINUED...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status