Share

Chapter 15.3

Pabagsak na naupo si Vena sa kanilang sofa. Hindi pa rin siya umuuwi at kababa niya lang galing sa taas. Talagang sinadya ng kaniyang ama na iwanan ang cellphone nito dahil alam na alam siguro nito na tatanungin niya ito. Hindi niya maiwasan na hindi mapapiling. Napakatalino talaga ng kaniyang ama kahit kailan.

Akala pa naman niya ay hindi nito gagamitin ang pagiging matalino nito sa kaniya dahil akala niya ay siya ang pinaka- paborito nito ngunit nagkakamali pala siya. Sa apat na kapatid niyang nauna ay hindi nito pinakikialaman ang buhay pag- ibig ng mga ito o kung meron man o wala. Samantalang siya na nanahimik ay ginawa nito iyon sa kaniya.

Hindi niya napigilan ang mapatampal sa kaniyang noo ng wala sa oras. Bakit ba kasi hindi man lang siya nagtaka o nagtanong at basta na lamang siya pumayag sa kasal. Ni hindi nga niya nakita si Andrei noon bago pa man ang kasal nila. Kaya pala ito nakainom nang araw mismo ng kasal nila dahil ganun pala ang tunay na nangyari habang wala siyang ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status