Share

Chapter 33

Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig pagkasara na pagkasara ko ng aking kuwarto. Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon. Para na rin akong kumuha ng patalim at saka iyon isa-isang sinaksak sa sarili ko.

"Bakit ba pinoproblema mo ito, Hyujin? Ano naman kung magiging magkapatid tayo? Wala naman na tayong relasyon, hindi ba?" matigas na sabi ko habang pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.

Nalasahan ko ang dugo sa aking labi nang kagatin ko iyon sa pagpipigil na h'wag pumatak ang aking mga luha. Inantay ko siyang sumagot. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang responde sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng isang takas na luha mula sa aking mata. Ramdam ko na rin na anumang oras ay magtutuloy-tuloy na ito sa pagpatak kasabay ang mga hikbing pilit kong ikinuk

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status