Share

Chapter 40 Chance

BHELLE:

NANGINGITI ako habang hinahaplos si baby habang nakatambay dito sa may balkonahe ng bahay. Kakagising ko pa lang at nagbibilad sa papasikat na araw. Habang lumilipas ang mga araw ay palaki naman ng palaki ang umbok ng tyan ko. Mas lumalakas na rin ang pagsipa nito mula sa loob.

Regular pa rin naman akong dinadalalaw ng OB gyn doctor namin ni Isabella kahit wala dito si Typhus. Natatawagan ko rin ito sa tuwing kailangan ko ang tulong nito. Kahit nga ang mga katulong ni Typhus dito ay napakagalang pa rin nilang inaasikaso ako ng maayos kahit wala na dito ang mga amo nila.

"Ma'am Bhelle?"

Napalingon ako sa may pinto na tinawag ako ni Manang Louisa. Ngumiti akong tumayo na mabungaran ko nga ito.

"Bakit po, Manang?" nakangiting tanong ko.

"Uhm, may bisita po kayo sa baba, Ma'am." Nanunudyong saad nito na impit pang napapairit.

Natawa naman ako sa reaction nito na lumapit na rin dito habang hinihimas si baby. Ang kati niya kasi sa tyan at gustong-gusto ni baby na kinakamot ko ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status