“SA totoo lang ‘tol may point si Ma’am doon sa sinabi niya kanina, bagay kayo ni Mia,” si Roy iyon.
Recess at katulad ng dati ay nasa ilalim sila ng isang malagong puno ng habang kumakain ng banana cue.
“Ako na naman ang nakita ninyo,” angal niyang umiling ng magkakasunod saka inubos ang saging pagkatapos ay ang buko juice na nasa supot ng yelo na may straw.
“Ano bang inaayawan mo kay Mia? Eh ang ganda-ganda ng babaeng iyon, lahat nalang yata ng gusto ng isang lalaki nasa kanya na,” si William naman na siniko pa siya.
Hindi kumibo si Erik at nagbuntong hininga nalang.
Hindi sa hindi niya gusto si Mia. Ang totoo nagagandahan siya rito at gusto niya itong maging kaibigan. Pero ang puso niya, matagal nang tumitibok para sa iba. At iyon ay kay Keira, ang bestfriend at kababata niya na hindi niya maintindihan kung bakit panay naman ang iwas sa kanya.
P
NASA kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakad nang magsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan. "Naku mas maganda siguro sumilong muna tayo," si Mia sa nababahala nitong tono. Noon tiningala ni Erik ang langit saka pagkatapos ay nilingon ang dalaga. "Palagay ko nga, kasi for sure na malakas iyan at kahit mag-share tayo ng payong mababasa parin tayo. Baka magkasakit ka," nasa tono ng pananalita ng binata ang pag-aalala kaya naman lihim na nakaramdam ng kilig dahil doon si Mia.Sa ilalim ng isang waiting shed na kanilang nadaanan pinili nila ni Erik na sumilong sandali. Naupo siya sa bakal na bench doon at tinabihan naman siya ng binata. Parang iyon lang ang hinihintay ng langit na mangyari, ang makahanap sila ng masisilungan, dahil matapos iyon ay saka naman nito ibinuhos ang napakalakas na ulan. Tahimik lang niyang pinanood ang bawat patak niyon habang kasama si Erik na katulad niya ay ganoo
KATULAD ng inasahan ni Mia, tuwang-tuwa ang kaniyang ina nang ibalita niya rito ang tungkol sa cotillion at ang pagiging magkapareha nilang dalawa ni Erik. Agad siya nitong niyayang pumunta sa ilang mga parentahan ng prom dress para makapaghanap na agad ng kaniyang maisusuot."Nay hindi po ba masyado pang maaga para maghanap na tayo ng prom dress? Next month pa naman po gagamitin iyon eh," si Mia nang palabas na sila ng gate ng kaniyang ina.Noon niya narinig na nangalatak ang kaniyang Nanay Rosita. "Mas maganda na iyong ngayon, mas makakapili ka ng maganda. Baka mamaya maubusan tayo ng maganda at affordable na damit, mahirap na," sagot pa nito kaya minabuti ni Mia ang manahimik na lang.Malapit na sila sa tindahan ni Mrs. Ramos nang matanawan ni Mia ang ina ni Erik na si Aling Aurora. Maganda ang nanay ni Erik, maputi rin pero mas kamukha ng binata ang ama nito na halatang
PRESENT DAY...HINDI napigilan ni Mia ang mapangiti dahil sa daloy ng mga alaala. Pagkatapos noon ay minabuti niyang ibalik na ang damit sa loob ng aparador saka na siya nahiga. Habang hindi parin nawawala sa pakiramdam niya ang mainit na labi ni Erik na tila ba hanggang ngayon ay patuloy sa banayad na paghaplos sa kaniyang mga labi.Agad na nag-init ang buong mukha ni Mia. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Alam niyang normal lamang kung makakaramdam siya ng galit pero wala siyang makapang ganoon sa kaniyang dibdib. At kung magiging totoo lang siya sa kaniyang sarili, alam niyang gusto niyang ulitin pa ang nangyaring iyon sa pagitan nilang dalawa ng lalaking una niyang minahal.Nang dumaan sa isipan niya ang isang posibleng dahilan ay malungkot na nagbuntong hininga si Mia. Hindi kaya sabik lang siya sa ganoon dahil mula nang magbago ang pakikitungo sa kaniya ni Bernie ay hind
"WALA ka bang pasok sa office ngayon?" ang naitanong ni Mia kay Erik nang araw ring iyon.Dala ang isang tasa ng mainit na kape ay nakatayo noon si Mia sa may pintuanHuling salang na ng mga labahin sa washing machine, at dahil nga automatic iyon ay nagawang isabay ni Mia ang paglilinis sa paglalaba habang ang binata ay nakita niyang nasa kwarto nito at abala sa pagtatrabaho.Nilingon siya ni Erik ng nakangiti. At dahil agad na nagtama ang paningin nilang dalawa noon nakita ng dalaga ang mabilis na pagkislap ng mga mata nito. "Nagpaalam ako na dito ko na tatapusin itong trabaho ko," sagot sa kaniya ng binata nang mailapag niya ang tasa ng kape sa working table nito. "salamat," dugtong pa nito."Malapit na akong matapos maglaba, anong gusto mong ulam para sa lunch?" hindi alam ni Mia pero nasa puso niya ang paghahangad na sana kahit sa ganitong paraan lang ay magawa niyang ibalik kay Erik ang lahat ng
HINDI masabi ni Mia kung ang mga halik ba ni Erik ang dahilan kaya nawalan siya ng kakayahan para tanggihan ang lahat ng ginagawa nitong pananalasa ngayon sa katawan niya. Pero kailangan rin niyang aminin sa sarili niya na ang lahat ng nangyayaring itong ngayon ay tila ba katuparan na lamang ng lahat ng pangarap at pantasya niya noon sa binata.Siguro nga kaya hindi narin naging patas ang pagkakataon sa kaniya sa piling ni Bernie ay dahil sa katotohanang hindi nawala ang binatang ito sa puso niya. At iyon ang dahilan kaya may mga pagkakataon na sumasagi na lamang itong bigla sa isipan niya. Dahil puso niya mismo ang nagpapaalala? O dahil ang puso niya mismo ang nagsasabing alalahanin niya ito?Kung alin man sa dalawa, hindi na mahalaga. Basta ang alam niya masaya siya ngayon at parang kapag kasama niya ang binata ay nakakalimutan niyang minsan sa buhay niya ay gumawa siya ng isang desisyon na pagsisisihan pala niya, at iyon ay walang iba kundi si Berni
HINDI alam ni Mia kung paano niya ipaliliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang pigil ang paghinga habang unti-unting itinutulak ni Erik papasok sa kaniyang lagusan ang tila bakal nitong pagkalalaki.Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa pero maging ang pagpintig ng kahandaan ng binata ay nararamdaman niya sa kaniya mismong pagkababae.Marahil ay katulad din niya ang binata. Marahil ay nasasabik rin ito sa kaniya."Oh, Erik!" anas niya nang maramdaman ang ginawang biglaang pagtulak ng binata papasok sa kaniya ng pagkalalaki nito.Hinihingal niyang tinitigan ang lalaki na noon ay kinakitaan niya ng amusement sa mga mata nito. Pagkatapos ay niyuko siya nito saka hinalikan."Papasukin mo ako, please?" anito pang nangingislap ang mga mata saka sinubukan ang muling gumalawa kaya naman agad ang naging reaksyon ni Mia sa ginawa ng binata."Fuck!" mura niya dahil sa
"MAGPAHINGA ka muna, ako na ang bahala sa kusina," iyon ang narinig niyang sinabi sa kaniya ni Erik bago siya nito dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo.Tumango lang si Mia saka nahahapong ipinikit ang kaniyang mga mata. Ilang sandali pa tuluyan na nga siyang tinangay ng nararamdaman niyang antok patungo sa isang mahimbing na pagtulog.Tanghali nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng kamay sa kaniyang pisngi. Nang magdilat siya ng paningin nakita niya ang isang gwapong mukha na noon pa mang bata siya ay totoong nagpapasaya na sa kaniya."Okay ka na? Ready na ang lunch, kain na tayo?" tanong sa kaniya ni Erik sa mabait na tono.Tumango lang siya saka inabot ang mga damit niyang pinulot na ng binata sa sahig. Nang mapuna niyang nakatayo parin sa harapan niya ang lalaki ay saka siya nahihiyang nagsalita."O-Okay lang ba? Magbibihis lang ako?" aniyang tiningnan pa ito ng makahulugan na nakuha naman ng
TEN YEARS AGO..."ANGganda talaga ni Mia ano? Alam mo Erik ang swerte mo ganyan kaganda ang partner mo," si William iyon habang nagpapahinga sila sa ilalim ng puno ng Plumeria o mas kilala sa tawag na Kalachuchi."Nainggit ka na naman, bakit gwapo rin naman ako di ba?" ang tumatawang isinagot niya sa matalik na kaibigan.Wala silang klase noon dahil naka-schedule ang practice nila para sa cotillion ng JS Prom na mangyayari na sa susunod na linggo."Sinabi ko bang hindi kayo bagay? Ang sabi ko lang maswerte ka, hindi maarte si Mia, maganda pa. Alam mo kung ako lang ang naging kasing gwapo mo liligawan ko talaga siya," nasa tono ni William ang kaseryosohan sa sinabi nito.Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Erik dahil sa kaniyang narinig."Tumahimik ka nga diyan, kilala kita at ngayon pa lang binabalaan na kita," tot