Share

KABANATA 50 “GOSSIPS”

“SALAMAT ah, kasi tinulungan mo akong maglinis ng bahay. At least natapos ako kaagad.”

Iyon ang nasisiyahang sabi ni Mia kinahapunan ng hapon ring iyon.

Pagkatapos kasi nilang mag-asikaso sa munisipyo para kanilang pagpapakasal ay umuwi na rin sila kaagad. Noon na nga nagpaalam si Mia sa kanyang nobyo na sasaglit muna sa bahay niya para maglinis. Napansin kasi niya kaninang kumuha siya ng mga dokumento na medyo maalikabok na.

“Wala ‘yun, ano ka ba. Ikaw pa ba?” sagot ng binata na hinawakan ang kamay niya. “Gusto mo bang magtraysikel na tayo? Baka pagod ka na?” iyon naman ang magkakasunod na itinanong ni Erik nang magpatuloy ito sa pagsasalita dahil nanatili lang siyang tahimik.

Dahil nga hindi naman malayong-malayo ay naisipan ni Mia na yayain na lamang na maglakad si Erik papunta sa bahay niya. Sa isang barangay lang naman sila nakatira kaya hindi na kailangang gumamit pa ng kotse.

“Okay lang ako. Mas maganda nga ang ganito, magandang exercise ang paglalakad,” aniyang nagkibit pa ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status